Back | Reverse |

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by siopao on 2008-07-28 07:08:12
agh no offense pero..

pagdating sa mga politika politika na yan eh wala ng pagasa ang pinas.
lahat ng mga umuupo eh me kanya kanyang SIDELINE at nakapakaimposibleng
indi magkatotoo yan..

naalala ko yong isang regular ng marinig nya akong nagsabi ng ganito..
nagalit xa sakin at nagtanong. PANO MO NAMAN NASABI NA WALANG PAGASA
ANG PINAS AH!

SIMPLE LANG ANG SAGOT! EH ME MATA AKO EH! ME TENGA! NARIRINIG KO
AT NAKIKITA KO ANG NANGYAYARI SA BANSANG NATIN!

AYUN..TAMEME! HEHEHE!

kahit anong rally gawin ng iba dyan o kahit natin,basta bato ang puso
ng mga nakaupo eh parang no sense pa rin.

oo nga at napigilan ang pagtaas ng langis..NGAUNG BUWAN AH..pero pansamantala
lang yan..sa lakas ng tsina at india sa pagaangkat ng langis eh talagang
tataas ang presyo nito,at ang resulta eh ang pagtaas din ng ibang mga pangunahing
bilihin..cno ang kawawa? di ba tayo rin?

sinasabi nila na kabataan ang pagasa ng bayan..hello? naging bata rin ako at
kahit anong pagmamalasakit kong gawin para sa bayan eh wala namang natulong..
nagsisisi nga ako at bakit sumali pa kami sa edsa2 samantalang mas lalong
lumala ang kalagayan ng pinas ngayon.

ang mga batang namumulat sa dumi ng pulitika ay sadyang magiging madumi din..
ikaw ba nmn sumahod ng sa mayor ng pagkaliit liit ay indi masisilaw sa salapit
ng mga SIDELINE dyan..napakaimposible talga!



minimum wage para sa mga manggagawa

~minimum wage? asa pa.. bigas pa lang ang mahal mahal na! pag tinaasan ng gobyerno
ang 125Pesos wage hike eh madaming maaapektuhan negosyante.at di lang iyon matatakot
ang mga investor sa paglalagay ng pinas kung mataas ang pasahod d2 sa mga ordinaryong
empleyado..eh mga govt.employees nga dyan eh 2 o 3 buwan di sumasahod dahil wala daw
budget ang pamahalaan! pamahalaan na un ah! bilyon bilyong tax ang kinikita nyan tapos
walang mapasahod? kaloqhan!


agrarian reform para sa mga magsasaka

~ngak? eh sa dami ng realty business d2 sa pinas talgang mauubos ang lupa ng mga
magsasaka natin! panoorin nio kaya ung reporters notebook.. naku! me isang magsasaka
dun na bumili ng classA hybrid na bigas..huli na ng malaman nya na indi pala angkop
ang binhi nya sa lupa nya! kita mo na katangahan ng gobyerno natin! indi man lang
mag CI muna kung anong klaseng lupa meron ang magsasaka na un para mabigyan ng
tamang binhi ng palay!
tapos ang mga binebentang binhi ng gobyerno ay sadyang mataas para sa mga
magsasaka! nalaman na lang ng iba na mas mura sa mga commercial na pabilihan ang
mga binhing binibili nila sa gobyerno! nakoowwww... grabeh korapsyon naman yan!


basta tandaan natin na pag me tumaas na presyo ng kung anong bilihin ay may
korapsyon na nangyari! FERTILIZE SCAM! amp na gma yan!


government subsidy sa edukasyon

~hahhh? eh namimili nga yan ng matatalinong estyudante na gagawing scholar!
eh ano ginawa ng scholar na yon? nagaral,nagtiya,nakapagtapos! tapos pumunta ng
abroad! doon ginamit ang talino sa banyagang bayan! eh matalino sya eh!

hahahahaha!

takot ngang pumasok yang mga tga decs na yan sa mga squatter! eh sa squatter
doon madaming d nakakapagaral na bata! pati sa mga malalayong lugar eh takot
din magsipuntahan yan dahil mga tamad! kailangan pa talgang ikaw ang magpunta
at mag apply sa kanila! gastoosss...



aghhh ingay ko bwahahahaha

la lang..la magawa eh! pero tama namn ako!tska opinyon ko to!~

When we meet again, tell me all the happiest memories you experienced from this life.

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Anime on 2008-07-28 06:18:16
@STAP
T_____T
May SONA na nman si Arroyo...
Pagod from school...
Pahinga muna...
Musta naman ang STAP?


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by nakakadeadz on 2008-07-28 05:57:34
@MAJA
huwaaahh... Promise? Teka lang pinapanuod mo ba dun ung isa pang bida? Di naman wafu un ah! Aheheh... Hawt ba si toma-chan dun? Paksyet! Gusto ko na yan mapanood. Aheheh...

@YANCE
di ka nag-apply scholarship? Ako din e. Tamad kasi ko mag-asikaso nun. Nyawww... Kawawa naman mga isko at iska ngayon. Gusto ko nga sana sumama sa rally nun ng UP kasi sa totoo lang dahil estudyante ako nun hayun puro tungkol sa tuition fee lang sinasamahan kong mob. Sana naman di ka mahinto sa pag-aral. Mag-working student ka na lang kung sakali. O kaya appeal ka sa mayor niyo.

@Z
ah... Lam ko un sinasabi mo. May iba ngang rallyista na ganun. Sila kasi ung mga walang political org na sinasalihan. Sila ung mga sabi mo nga, "nabili lang". Pamparami siguro ng tao. Pero nun ko lang un nakita, sa EDSA 3. Supporters un ni erap. Dun ako sa EDSA 2 sumama. Dun maraming estudyante.
Saka iko-correct lang kita dun sa sinabi mong nagiging political tool na lang ang rally. IT IS A POLITICAL TOOL BY NATURE. Kasi pulitika talaga naging daan ba't nagkaron ng ganun. Ba't nagkaron ng mga aktibista?
Sa totoo lang di ko maintindihan bakit may nagko-CONVENTIONALIZE NG PAGIGING AKTIBISTA INTO SOMETHING MORE DOMESTIC, WHEN IN FACT POLITICAL NAMAN TALAGA UN. di ka pwedeng basta-basta tawaging tibak kung di ka politically mulat.

habang nakahiga kami sa kama, nyahahah...
WALANG KOKONTRA! Isusulat ko name niyo sa death note ko. hmm...

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by sadako_amane on 2008-07-28 05:54:22
@nakakadeadz
wow...
wow na lang...XD

@Z
weh?
1st time mu po????
edi dapat special!!!XD

@Lexist
LOL
i love chibi^^
PhotobucketAYEH~!



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-28 05:44:58
Just passing by to say. "MABUHAY SA ATING LAHAT" XD


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by joan-hime on 2008-07-28 04:15:34

haiyzzzz,.. almost a year na akong ala dito ah,.... v.44 na pala ito hehehe... ala lang napadaan lang po ^_^



RockYou FXText

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Dark on 2008-07-28 03:09:12
@Z:
Subbing is a pain XD wahahahah~ dozo~
XD

Weird ng vid na yan~! wahhaha~


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-28 02:38:04


@iCH

okay lang.. ahehehe
hindi naman kasi talaga "I Exist" name ko..
ahehehe nawala ko na kasi ung ginagami ko na avatar
ang totoo button ko kasi ito sa Open Blog ko na tungkol
sa sinulat ko na story... ahehehe


@SADAKO

YOH! nice Misa Picture!!! Chibi is love <3


@Yance

Okay lang.. ahahaha
Sowii pala.. bata pa din ako eh ..

^___^V






Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by ayu_mia6 on 2008-07-28 01:30:24
Shemai... wala kami pasok ngayon! >.<
sona man!!! SONA!!!

~Ukissa~
rawr! wala naman kasi tayo commonality kaya ala tayo mapagusapan >.<

~Shinobi~
eow! welkam sa STAPs!
fan ka rin pala ng Death Note XDD

~Rintot~
Omedetto!!!

~Kuya Z~
I told you many times before that I don't need a pic...
I would rather have boils rather than to be compared to a big lizard.
at least ako di nagsisinungaling! aminado akong ebil ako... di ako mapagpanggap tulad mo!
tatamaan ka rin ng kidlat!

~Yance~
edi ba isa ka rin sa mga nagiging masaya kapag canceled ang klase at isa ka rin sa mga masswerteng studyante na nabigyan ng baon? XD
di ka nga lang pupunta sa SM at Trinoma kapag pinauwi na kayo. >.<
ahay! syempre request nila sa magulang nila na lakihan na ang baon nila dahil mga COLLEGE na daw sila XDD
aw mula umaga hanggang gabi!? O.o kakapagod yan >.<
nooooooooooooo~ sana ala kami pasok sa yaoi con T.T

~Maja~chan~
good lak sa midterms



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Dark on 2008-07-27 21:55:56
@yance: Have a nice Day :) Sinasabi p yan kasi sarcastic ang mga tao~

pero para sakin Have a nice day = Sana hindi ka mamatay para ako ang MAG-TRY na papatay sayo someday :D

@Z: Thanks sa lyrics.. -isusub ko cya XD Hyadain ftw~

-------

More reps later sana..?


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by zparticus27 on 2008-07-27 19:08:33 (edited 2008-07-27 22:34:15)
@darky
nice find! ang cute ni Barbariccia!kamukha nya si princess peach!hahahaha

eto translated lyrics!^_^

Scarmiglione!
Smelling rotten, smelling rotten, poison gas, spreading a putrid stench
Zombie, zombie, underlings are all falling apart
Falling off the bridge, back attack, special scenes, none in particular

Next, Cagnazzo!
Tsunami, tsunami, Cagnazzo the Tsunami, turtle man
Get jealous of my blue body, Commander Dessler

My indecent head, sparkling, today it's wet with water too
Ah, it's wet, that it is

We are the Four Lords of the Elements, Earth, Water, rise up
I'm called Scarmiglione of Earth, but I thought I was Scarmiglione of Poison?
Haha

Barbariccia!
Tornado, tornado, the woman that calls storms, totally naked
Lovin' girls, lovin' girls, interest in guys is a NO NO
Cindy, Mindy, Sandy, what kind of girls am I up against today?

Next, Rubicante!
Ah, Rubicante, Rubicante, Rubicante the Flame, bad with water
Gentleman, gentleman, matches are at best dignified and honorable
My bare leg, charming, fluttering, and tapping with the rhythm
Shall I show you what's in my mantle...?

We are the Four Lords of the Elements, Wind, Fire, rise up
Among the Four Lords, I think I'm the sexiest...
Yeah, probably...

I, Scarmiglione of Earth have come from death, taste my dreadful power and die!
To defeat someone such as I
But I'm a lonely being
Oh ho ho ho!
To inflict a wound on Golbez-sama...
We underestimated you!
Now, shall I heal you?
Come at us with all your strength!

Me? Fine then!
Golby, Golby, Cecil's real brother, Lunarian
Brainwashed, confined、(----) to release
All for the sake of Zemus-sama's world
As long as Golbez-sama wills it
Go forth! My all powerful Four Lords of the Elements!

@joan
mabuti nga yun eh! bihira ka na kasi makakita ng mga dating members dito eh!
nakakatuwa na isa isa kayong nagbabalik!hahahaha patay na yung pinoy bonding at pang
14th version na ito ng shouts to all pinoys!hahaha

@ich
naalala ko lang bigla ung OO nung nakita ko yung frame...siguro dahil yung side view shot ng ulo..may pagkahawig sa exia...pero pag titigan ko eh mala eva rin yung ulo...ahh ewan ko basta ang astig talaga pre!
gusto ko yung shoulder armor tsaka yung backpack!astig!
yan na ba ang color scheme nyan? hihintayin ko talaga ang finish product na yan! astig!Hahahaha
/hands down ako sa iyo pre!

@sadako
ok lang yan ang mahalaga ay makapagcosplay!hahaha
first time ko magcosplay kung matutuloy ito!Hahahaha

@ate gij
makibaka! wag matakot!hahaha
mukhang may nakipagtalo ka nanaman tungkol sa mga aktibista ah?
pero sang-ayon ako dyan..maraming mata ang namulat dahil sa mga taong nagmamarcha sa daan at nagproprotesta...
ngunit hindi lahat ng paraan ng protesta ay nasa tama...
mayroon ding mga paraan na mapahiwatig ang hinaing ng sambayanan..di lang sa kalsada...parang last resort na kasi eto eh..ang problema kasi eh masyado tayong nahihilig sa rally...halos lahat ng bagay eh dinadaan sa rally...nagiging
political tool tuloy ito..gaya nung panahon ni erap kung saan ang mga supporters nya ay nag riot at tinaob ang isang van ng isang tv station..tama ba naman yon? tsaka totoo rin na may mga nababayaran lang para sumali sa rally...
parang nawawala ang diwa ng pagkakaisa para sa isang dahilan...ewan di ko maexplain ng maayos hahaha

pero ang kinaiinis ko sa lahat ay ang "deadma" mentality...gaya ng example ng teacher kong walang kwenta...
sabihin nating may rally sa isang factory, nagwewelga ang mga trabahador para sa dagdag sweldo..kung isa daw siya sa mga trabahador, di siya sasali sa rally,sayang daw ang kikitain nya sa araw na iyon...at kung biglang patalsikin ang mga nag wewelga sa trabaho eh at least SAFE daw siya..at kung maging successful ang welga..pati siya damay sa benipisyo..hindi pa siya nawalan ng sweldo..

langya tama ba naman ang dahilan na yun? oo at hindi...oo dahil kung isa kang hamak na factory worker na kailangang kumita ng pera para buhayin ang pamilya mo eh talagang magtiis ka..at hindi dahil parang wla kang moral values..para kang hayop na walang inisip kung di ang mabuhay...ewan ko ba talaga..magulo ang mundo natin ngayon...nasa punto na tayo
na naging manhid na ang mga mamamayan,pero nakakatuwa na mayroon paring mga taong gayan na nais baguhin ang sitwasyon
mga taong di nawawalan ng pag-asa...

@yance
naku nataoban kayo ng macho dancer? hahaha
yan ang ayoko sa cosplay tradition natin dito, karamihan sa mga cosplayers eh out of character..pero ang boring naman kung mag popose ka lang o mag roroleplay dba..ewan ko...(aaminin ko nakakaaliw ang mga pakulo na ganyan pero sawa na rin akong makakita ng fan service twing may cosplay gaya ng nag babakla-baklaang sasuke,yaoi pairings at yuri..well ok lang ang yuri!hahahaha)
dbale kung di ka kumislap...ang mahalaga eh nag enjoy ka!hahaha pics naman!hahaha

not so gifted? pwede rin kaso gifted naman sila eh..sa basketball..ibang usapan na yung academics hahahaha
at bakit ka sasabihan ng "have a nice day?" well trip ko eh!hahaha

HAVE A NICE DAY!!! hahahaha

@maja
salamat?hahaha natutuwa nga ako at unting unti nagbabalik ang mga stap people!hahaha
UP ka rin pala noh...ano magkaklase kayo ni yance? good luck din dyan sa org na sinasalihan mo ^_^

edit:
napanood ko kanina yung gurren lagann parallel works..
eto yung pinaka astig sa 6 na video...medyo maselan po ito kaya
parental guidance is recommended (at baka matangal na rin ito sa youtube kaya panoorin nyo na!hahaha)



isa lang masasabi ko sa vid na ito
"break the impossible,touch the untouchable..." wow

@darky aabangan ko yang subs mo!hahaha

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Image and video hosting by TinyPic on 2008-07-27 15:50:43
hay naku!!! magmimidtermz na!! haha!!!



@yance
~wahahaha!! sana makasali aku next year.. nagkadengue aku last year kaya aku nagdefer.. babaw!! haha!!

di aku halimaw sa math ngaun pinagsisisihan ku nang kinuha ku yon.. jowk!! masaya ang stat wak lang samahan ng calculus.. Dx

waa.. sige sige!! uhm.. siguro sa harajuku chuva nalang kasi baka makadaan aku..haha!! may class kasi aku ng panahong yon kaya baka daan lang.. =]

gudlak jan sa AME hah!!

@ate syrel
~ate sy!! wula lang.. haha!! ala rin magawa.. =]

@lacuz
~oh.. why??? akala ku pa naman masaya ka ngaun dahil naglalaro parin si chris tiu..

naku aku kasi go UP na!! haha!!! huhu!!! kung pumupunta ka games naku baka makita kita kasi lagi aku present sa mga yon.. pero sa game lang ng UP.. xD

@rin
~wui!! gudlak jan sa ginagawa mu.. nung last time sa YM.. feeling ku busy ka kaya di na kita dinisturb pa.. =] bait ko noh!! jowks!!

@z
~kuya z!! hay naku!! salamat poh!! busy-busyhan rin aku ngaun kasi may sinasalihang org di lang siya AME kaya mas busy si yance.. tatag niya nga eh!! xD

@ukissa~hubby
~gudlaks!! hun!!

@gij~nee
~may MAOU na!! waaa... ang hawt ni Toma dun!! pero ang pinakapinapanuod ku kasi ung isang bida.. xD

halu poh sa lahat!! =]



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by bakit?! 0.o on 2008-07-27 11:59:38
ahaha.
tapos na ang aming acque sa AME.
di na lang ako magkekwento, tutal wala namang magbabasa nito.
basta enjoy, masaya,astig, at ang SWERTE NAMIN!

nanood ako kanina ng play tungkol sa child abuse, entitled "hinabing pakpak ng ating mga anak."
sobrang ganda nya at isa talagang eye-opener.

punta pa ako sa UP bukas. isa na namang app activity ng AME. WALA KAMING PAKE SA SONA!!! XDDD
first time ito na hindi ko kailangan manood ng napakawalangkwentang SONA na yan. buti na lang.
un nga lang, problema ko kung paano pupunta ng UP bukas.

--===o0o0o0O0o0o0o==--

i. exist/joan
sori. lexist nilagay ko nung una. I. exist pala. di kasi ako marunong magbasa labo kasi ng mga mata ko eh
bakit po kayo nagpo-po sa akin? bata pa po ako . . .
hello po ulit!

kuya z
astig ung term mo na "mentally challenged' para sa mga basketball players. kung ako ang gagamitin ko "not so gifted."

walang kwenta ung shining moment ko. ni hindi nga ako nag-shine eh.
thanks to kuya ervian, ang "tsuna" ng aming presentation. maghubad ba naman sa harap ng maraming tao at sumayaw ng naka-boxer shorts lang. tinable nga agad sya pagkatapos na pagkatapos ng performance namin eh.
hit talaga siya. paano, may itsura rin kasi. pero kawawa ung group pagtapos namin kasi may hangover pa rin ung audience (the alumni and members ng AME) sa ginawa namin . . . este dahil pala kay kuya ervian.

ruy lopez
kilala pa kita! na-miss ko na si milfeulle . . . XD

lacus
naku . . . mahirap yan. kasi naman, parati akong nasa UP (minsan kahit sunday) dahil sa mga scheduled exams, required plays/movies to watch, at higit sa lahat dahil sa sinasalihan kong org.

di nakapagtataka na nagpaguoit si erica ng maigsi . . . dati kasi siyang ano . . . basta. un na un. saka pag sinabi mo sa kanya na isama nyo ako sa hot oil trpping niyo, sasabihin nya na hindi ko na kailangan nun. at ang pinakamalaking problema ko sa lahat: WALA AKONG PERA! T-T

mia
depende sa prof kung magka-cancel sila ng klase pag may rally o magdi-dismiss ng maaga . . . kaya walang assurance kung may pasok ba talaga o wala. swerte lang nila kung lahat ng klase nila kinancel, kaya bongga! may pera sila. deretso na sila ng SM o Trinoma para mag-shopping.

akala ko din maliit lang ang baon ng mga rich kids . . . kaso hindi eh. pano ko nalaman? ung mga nakilala ko . . .

hindi healthy maging tan kung HINDI PANTAY. kainis talaga.

whole day ako sa UP. minsan nga hanggang gabi pa. mahal pamasahe.

err, ung event ay para sa apps-mems. may meeting kasi kami. mali ata ung paggamit ko ng term na "event." pero ang alam ko sa UP gaganapin ung yaoicon. malapit na un eh, kasi di ko alam kung kailan.

ukissa
bakit ka nagso-sori?
?_?

ate gij
tama ka.
nakakainis dahil isa ako sa mga nagsu-suffer dun sa TOFI ng UP. at may plano pa raw na magtaas ng lab fees ang college ko.
national university pero maliit ang subsidy ng gobyerno? ano kaya un.
semi-private na nga ang UP para sa amin na nag-aaral pa rito.
yang si emerlinda roman na yan . . . BA ang tinapos kaya ginagawang negosyo ang edukasyon sa UP.
sa mga centennial celebrations wala kaming nagawa kundi ang bumuntong-hininga dahil nakikita namin na sa walang kwenta napupunta tuition namin. tulad nung sa centennial celebration nung june 18 saka UAAP opening na hindi naman na-gets nung iba . . .
tas ngayon may mga pinatatayong mga panibagong mga buildings sa UP, dun sa may college of science at math.
di nakapagtatakang parami na ng parami ang mga iskolar ng bayan na nagdra-drop out in the first half of the sem.
ako nga nangangamba na baka di makapag-enroll sa susunod na sem eh.

--===o0o0o0O0o0o0o==--


read and ponder:

In a world of pollution, profanity, adolescence, zits, broccoli, racism, ozone depletion, sexism, PMS, and STUPID guys, why the HELL do people still tell me to have a nice day?



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-27 08:48:30 (edited 2008-07-27 08:49:39)
@Z: eh wla na meh masabe eh.. ran out of words.. hay naku.. im bored..

anu ba magandang gawin ngaun... ang ganda nung animation na yun ah!!!!!!!!!! kanino yun???????? ang cute!!!!!!! kahit di ko maintindihan >.<


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by dustiest17 on 2008-07-27 08:31:09


HELLO SA STAP

MAGANDANG GABI SA LAHAT NAPADAAN LANG




Photobucket


@ukissa
hehehe^^V yaan moh sistah someday ^^V pero pwede din yan isigang sa santol o kea bayabas heheheh ingatzz na lng.




Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by nakakadeadz on 2008-07-27 07:43:21
ang alam ko kung anuman ang mga karapatan na tinatamasa natin ngayon nakuha natin dahil sa mga sigaw ng mamamayan.

minimum wage para sa mga manggagawa

anti-sexual harassment act para sa mga kababaihan

agrarian reform para sa mga magsasaka

justice sa ilang mga biktima ng krimen

mga kaukalang batas para sa mga OFW

government subsidy sa edukasyon

pagpapaalis sa rehimeng diktatura

at kung anu-ano pa.

Nangangahulugan lang na may saysay ang LAHAT ng klase ng pagsigaw ng masa at pagtawag sa atensyon ng pamahalaan. Kung kikilalanin nating mabuti ang mga taong ito, hindi sila iyong tipo na nanghihingi ng agarang pagbabago. Sila iyong mga naniniwala sa pagkakaroon ng gradwal na proseso. Kahit karamihan sa atin ang pagkakakilala sa kanila ay mga taong walang ibang ginawa kundi magingay wala naman "daw" naitutulong sa bansa, sila lang sa katotohanan ang mga taong naniniwalang MAY PAG-ASA PA. Hindi nila binabanggit ang mga ganitong kataga, "may mangyayari ba pag napatalsik si..."

Sa kasalukuyan, napipigilan pa ang buwan-buwang pagtaas ng halaga ng langis dahil sa mga mobilisasyong iyon. At sa isyung malapit sa inyong mga puso, napagpapaliban pa rin ang planong pagsasa-pribado sa Unibersidad ng Pilipinas. Isang malaking kawalan para sa mga estudyante sa hinaharap kung maisasakatuparan ang planong iyon. Bukod sa pagtaas ng tuition fees, nagsisimula ang pagsasa-pribado sa naturang unibersidad sa pamamagitan ng mga karagdagang bayad: miscellaneous fees, laboratory fees, etc. KAYA, nagra-rally ang mga iskolar. Ang unibersidad ay hindi para sa mga mayayamang estudyante. Kung sila kayang magbayad ng malaking halaga para makakuha ng magandang edukasyon, ang ibang at ang karamihang estudyante ay hindi. Kung ayaw nilang nakakakita ng mga ganitong tanawin sa unibersidad, wag silang mag-aral dito, humanap sila ng lugar kung saan sila nababagay.

At kahit patung-patong ang mga negatibong pagtanaw ng karamihan sa kanila, ang mga taong iyon na patuloy na nakikibaka ay hindi mo mariringgan ng mga masasamang salita patungkol sa mga taong kulang pa ang kamulatan. Kasi higit kaninuman, sila iyong mga taong may napakalawak na pag-iisip at napakalalim na pangunawa. Naniniwala silang lahat ng pagkamulat at pagbabago ay may kanya-kanyang panahon. Alam nila at may pananalig sila na ang bawat Pilipino sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay magkakaroon ng kaparehong hangarin para sa bayan sa tamang oras; hindi sila namimilit o namumwersa. Sa katunayan, kahit anong klaseng pangmamata at panlilibak pa ang ibigay mo sa kanila, kapag ikaw ay nagkaron ng isyung pulitikal, nangailangan ng tulong, sila lang din ang maaasahan mong tutulong sa'yo.

Mahalaga na merong mga taong ganito sa bansa, kahit ano'ng PERSONAL na abala pa ang dinudulot nila sa atin, sila lang ang nakakagawa ng mga bagay na di natin kayang gawin. Kung sa mga forum na katulad nito, sa mga kapitbahay, sa mga kaibigan, lang tayo magrereklamo nang magrereklamo, makakarating ba un sa pamahalaan? Twing napaguusapan natin ang pulitika sa klase, sa opisina, sa inuman, may opisyal bang nakikinig sa'tin? Kahit galit na galit ka na sa kasalukuyang sistema, may magagawa ba ang pagmumukmok? Ang hinaharap ba ang pumipigil sa'yo para makilahok? Walang nakakaalam kung may magbabago pag napatalsik ang kasulukuyang pangulo, PERO kung mawawakasan ang umuusbong na diktatura sa ilalim ng kanyang pamamahala, magkakaron tayo ng pansamantalang solusyon sa suliranin. Wala namang masama sa taong gustong mamuno sa bansa, ang masama ay kung paano niya ito gagawin. Ang pagpapatalsik sa kanya ay dala lamang ng sunud-sunod na pagbagsak ng kanyang kakayahang pang-administratibo. Kung sana ang isang pagkakamali ay di na nasundan, wala sanang ganung klaseng panawagan. At isa pa, kitang-kita sa kanya na AYAW NA NIYANG MAWALA SA KANYANG POSISYON. Isang senyales ng pagusbong ng panibagong diktatura. At hindi malayo ang pagsibol ng panibagong martial law sa ilalim ng rehimen niya, ilang beses na ba niyang ginamit ang mga sundalo? ang state of emergency? Hindi kailangan ng bansa ang panibagong batas-militar lalo na sa panahon ngayon kung kailan napakarami ng batas ang ginawa para maproteksyunan ang mga mamamayan (human rights).

habang nakahiga kami sa kama, nyahahah...
WALANG KOKONTRA! Isusulat ko name niyo sa death note ko. hmm...

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by sadako_amane on 2008-07-27 06:57:03
Photobucket

@lexist
haloo!
how's life...? XD

@lacus
wow...
dakila ka po, ate...
=^_^=

@uKissa
ok...
kaw po bahala...^_^

@rin
happiness...
good 4 u...^_^

@Z
uu nga po...
bungal samurai 7 natin...XD
SAMURAI 4...LOL

@ich
ako po!
gustong maglaro...XD



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-27 05:35:44 (edited 2008-07-27 05:36:01)
@I.exist
+ nyahaha sowee >,< kala ko kasi LEXIST e pero
ok kung LEXIST ang pangalan mo a xP

nice to mit you xP

@zpapz
+ yup eva frame siya ^^ mukha bang OO ang style?
nga pala balak ko sana e lalagyan ko pa ng ibang kulay
kaso nagbago isip ko e, mas ok na sakin yung plain
na color then inaaply ko na yung decals ngayon. yung inking
e aapply ko afterwards xP medyo matatagalan pa to xP

@staps
+ meron pa bang naglalaro ng ROSE online dito?
kung meron paki reply naman sakin thanks!!



You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-27 04:53:05 (edited 2008-07-27 04:56:06)


@REN

waw ha!
ang galing mo talaga!
Idol! ahahaha XD


@ZPARTICUS

cguro nga.. ahehehehe
d ko na nga alam kung ilang versions
na ba ang meron eh.. XD

I'm just happy visiting here.. ahehe
daan daan lang paminsan minsan d2.
wala rin naman mawawala kung magpopost ako eh.. ^-^V




Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by [aUtumntActiCs] on 2008-07-26 22:40:22 (edited 2008-07-26 22:46:30)
FINISHED~! animation bulok konting d-animation lang to T_T

yung 3d hindi ko na tinuloy masyadong mahirap T_T




-------
こんにちは私の友人、私達は再度会う
それ、私達はどこにべきである始まるしばらくあってしまったか。
永久にのように感じる
私の中心の中では記憶­
あなたが私に与えた完全な愛
ああ、私は。覚えている。

Back | Reverse |
Go to page: 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, ... 48 Displaying 121 to 140 of 973 Entries.

Copyright 2000-2025 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0113 seconds at 2025-09-17 16:56:47