Back | Reverse |

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by anong tingin mo ha! jokes lang! San-san po toh...(^_^v) on 2007-04-22 19:18:06
aargh! grabe tagal ko nang di nakakbisita rito ah,
natatakot nako na tuluyan nakong mabaon sa mga assignments ko, pruo pag-aaral na lamang. Naisip niyo ba guys na for almost 15 years of our life, majority nang oras natin nakatuon sa pag-aaral? hah la rin tayo magagawa, kumbaga nga eh eto ang pinaka mahalagang regalo na nakuha natin sa ating mga magulang. Di naman ako nagpoprotesta, (^_^) gusto ko lang i share na: "The future is always coming but you can only decide where it is going". tama? hehe gandng araw sa inyong lahat!!!


Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by zparticus27 on 2007-04-22 22:38:39
ahhh sa wakas pagkatapos ng isang linggo makakapag gendou na ako!
musta na mga tsong!patapos na ang april! nakapag beach na ba kayo?

noong monday mga 12 am ginulat ako ng mga malalakas na tunog ng telepono sa bahay
(paano ba naman eh nanood ako ng air gear at medyo echi na yung scenes eh hehe)

sinagot ko at isang babae ang nakausap ko, sabi nya pumunta kaagad kami sa bahay ng lola ko dahil

inatake sa puso ang ninong boy ko...maya maya ay pumunta na ang mga magulang ko at sinugod

sa hospital si ninong.pagkatapos ng 30 to 45 minutes eh may tumawag nanaman yung babae at

nabosesan ko na yung aunty ko pala yun at may dalang masamang balita...patay na si ninong

boy. nagiyakan mga kapatid ko (siguro dahil bata at sensitive) pero ako parang wala

lang,parang walang nagyari...biniro ko panga sarili ko na mas naiyak ako sa pagkamatay ni

aeris na isang video game character kaso sa pagkawala ng ninong ko...hindi ako malapit sa

kanya,sa katunayan ay may sama ako ng loob sa kanya at hindi kami mag kasundo. dumaan ang

mga araw ng kanyang burol at mag damag kami doon sa burulan na nag sisilbi sa mga

bisita.halos wala akong magawa doon kung di tumulong...buti nalng at sa loyola siya binurol

kaya hindi kami gaanong nahirapan dahil may nag lilinis na janitor at aircon pa magdamag ang

lugar. nag daan ang mga araw at bumuhos ang mga bisita. isa isa silang umiyak at nagluksa at

kinuwento ang mga magagandang ala ala ng ninong ko. at kahapon nilibing na sya sa

cementeryo. bago isinara ang kabaong binigyan kami ng pagkakataon makita sya

sa huling pagkakataon. at doon ako naiyak. nahiya ako sa kanya, nahiya ako sa mga sinabi ko tungkol sa

kanya, nagsisi ako at kung bakit hindi ko sya nakilala gaya ng pag kilala ng iba sa kanya.

nagsisi ako at kung bakit hindi ko nakita ang kabutihan ko sa kanya. doon ko napansin na

mali ako. sa linggong iyon ipinakita sa akin ng Diyos ang tunay na pagkatao ng ninong aking

minsan ay kinamuhian. ipinakita nya sa akin ang mabuting ugali ng ninong kosa pamamagitan ng

mga taong malapit sa kanya. kahit paano,kahit sandali lang ay nakita ko kung sino talaga si
Edgar Lasala.

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by craving for moar on 2007-04-22 23:12:29
@zparticus

'Tol condolence. May his soul rest in peace...


Ikaw, nakapag-beach ka na ba?

What if I jump out
of this speeding jeepney?
Fly without wings
Reach for the grey-painted heaven
And out into the sea of infinity?



Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by DeG on 2007-04-23 01:07:39

@Jaydel:
Yeah..kawawa sila.. pati yung mga magulang nung mga nadamay..

At badtrip na nga Youtube...tapos nabili pa ng Google, edi lalong naging fanget..hayyzz..
naku umaapaw na tayo ng sexy anime pics!~ wha~ XDD

@Mia: Hi!~ :D

@Fuji-kun:
Well di lang sa music [and arts]...minsan, ang buhay ay malungkot at gloomy...may mga panahon lang na ganun..thnx

@NSKAI: Lolz~ maniwala ka, hindi ikaw ang pinakamatanda dito~ Haha.. :P

@Rey: 11 yrs..o_O; *batok* XD

@Fiel:
Imoto-chan!!~ O_________O;........ D:< your dead!~ *labas ng madaming cobra, then puts imoto-chan inside a tiny box with super thick chains with cobras* papadala kita sa manila zoo para di ka na makawala!!~ bwahahahahahahahah~ +_____________+

@Spring: ooi!~ ^-^

@Master Vin: Yo~ hello. :) nice to meet you

@Z:
Sorry to know that...my condolence bro.
God bless you and your family ha..
musta ka nmn ngayon? ayos lang ba?



kenshin

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by zparticus27 on 2007-04-23 01:54:14 (edited 2007-04-23 02:42:57)
@nero sa dami ng gastos nung nakaraan linggo impossible na ata ang pag outing ng pamilya namin lalo na at nabawasan ng isa...

@shinta ako ok lang...pinag sisihan ko lang yung mga sinabi kong hindi maganda tungkol sa uncle ko...ero lola ko at mga kapatid ng uncle ko (kasama si nanay) ay medyo malungkot pa rin...lalo na si Mama(lola) kasi dapat pinilit nya syan na pumunta hospital si ninong two days bago daw sya mamatay ay nararamdaman na pala ito at binale wala lang nya dahil may gamot naman daw...

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by joanah009 on 2007-04-23 01:57:58
magandang hapon sainyong lahat..
ang init parin d2 kainis...


Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by N.S.KAI on 2007-04-23 02:19:21
At ako ay nagbbalik mula sa aking pagtulog! Hehehehehe!
@ NERO you da man ! salamat bro! pm nalang kita if ever, hehehehe.

@ ALL bakit ala atang naga-anime convention sa Baguio?! marami naman fans dito dilang active, Shy sila eh. hehehe.

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by karuzo on 2007-04-23 05:18:55
sa davao wala din..

sa ngayon nagbabalak kami na sumama sa kadayawan is coming august..

hindi pa comfirmed

-->

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Fuji-kun-chan on 2007-04-23 05:41:50 (edited 2007-04-23 06:49:29)
@Fiel. Ano.. Nde ako makakapunta sa MoA. (well, ang totoo ayoko pumunta). hehe. I have my reasons. gomen.

@nskai. Culture crash fan ako dati. Favorite ko dun ay yung One day Isang Diwa at Cat's trail. Makulet din yun Kubori kikiam. hehe

@neon. same here. nde rin ako updated sa bleach.

nice. loli-shota! goth~ goth~ loli~ loli~

@master vin. hello? matgal ka na dito? ako rin eh.

@jaydel. gumagawa ka ba ng wallpapers? penge! ~ ~

Bishounen ka pla eh! loli?

@rin. gumagawa ka ba ng wallpapers? do you have your own graphic site? ~ ~

@zparti. I was really touched by your story. nahipo mo ako dun! hehe. joke. seriously nakakalungkot. sa una parang 'wala lang' nde mo maxado matanggap na nawala na xa. pero when it comes to that ililibing na xa. Doon mo mamararamdaman yung lungkot at talagang maiiyak ka. Ewan ko ba, xe I have the experience na nde nman din ako umiyak nung burol ng kamag-anak ko pero nung ililibing na nde ko na napigilan luha ko ~dapat tlga nagdala ako ng shades nun eh! haha.


Well anyway, nde pko nkapag-beeeeeaaaach! boring summer.


Isang taon na pla ako dito? nde ko napansin! 01/01/06 pla ako nagregister! wala lng.


Magdrama muna ako ah...






Sometimes I thought to myself why is this world so boring? I want change. I want adventure. I want twists. Then again do I really want it to be like that? When reality slaps me, I cant stand it. Sometimes I reject things I cant accept. Then what about change? Do I really want change, eventhough I cant accept it?


This is how I feel..





New World
~Bjork


Train-whistles, a sweet clementine
Blueberries, dancers in line
Cobwebs, a bakery sign

Ooooh - a sweet clementine
Ooooh - dancers in line
Ooooh ...

If living is seeing
I'm holding my breath
In wonder - I wonder
What happens next?
A new world, a new day to see

I'm softly walking on air
Halfway to heaven from here
Sunlight unfolds in my hair

Ooooh - I'm walking on air
Ooooh - to heaven from here
Ooooh ...

If living is seeing
I'm holding my breath
In wonder - I wonder
What happens next?
A new world, a new day to see




edit: @zparti. ako nagsabi nun. (xenxa na for the word. joke yun! hehe)

FUJI

Who am I?

"You are my sweetest downfall, I loved you first, I loved you first, Beneath the sheets of paper lies my truth, I have to go, I have to go, Your hair was long when we first met"

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by zparticus27 on 2007-04-23 06:06:33 (edited 2007-04-23 07:07:03)
@fuji (sorry po!) nahipo kita? ano? dude para naman akong manyak nyan!hahaha

hindi naman sa hindi ko matanggap na patay na sya(it did cross my mind

na baka ma revive pa sya) well (forgive me ninong boy) nug nalaman ko

na patay na sya naglalaro ang isip ko at bigla nalng lumabas

yung ...."buti nga" sa isipan ko...


hindi kami close ng ninong ko...sa katunayan ay may sama ng loob ako

sa kanya nag biro pa nga ako na mas nakakaawa ang pag kamatay ni

aeris...mas naiyak pa ako dun kaso sa pag kamatay mo..kaya nung unang

burol ay nagdasal ako...sabi ko "Lord hindi ko siya gaano nakilala at

sana naman po ay makilala ko siya hindi yung sa pagkatao na nakikita

ko kung di yung tunay at mabuti nyang pagtakao" at yun nga...sa mga

kwento ng mga kaibigan nya ay sinagot ni lord yung kahilingan ko...ang

makita yung kabutihan ng puso nya...kaya nung libing naiyak ako ng

husto...sana nakilala ko sya katulad ng pag kilala ng iba sa

kanya...pinagsisihan ko yung mga sinabi ko at huming ako ng tawad sa
kanya...

yup the world is boring...been there done, done

that...gah...nakakainis yung mga araw na wala lang...yung mga araw na

wala kabuluhan...naghahanap ka tuloy ng excitement, ng

thrill...something to anticipate ika nga...pero kung ikokompera ang

buhay ko sa mga batang lansangan na nagugutom at walang

matiran...masuwerte na pala ako...maraming papawag na papalit sa buhay

ko...kaya dapat maging kontento ka na sa mga biyayang natatangap mo

@lois (sana mabasa mo ito) oi hinahanap mo daw ako!hahahaha
musta na ang pinaka madal-dal na taong nakilala ko...madal -dal pa kay fiel!hahahah oi biro lang!

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by りんーちゃん on 2007-04-23 06:18:24
@ F0ojEe~ http://lianppoper.minitokyo.net/gallery/ ^^


      
  m y . L i F E . i . t r a d e . i n . f o r . y o u r . P A i N .

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by karuzo on 2007-04-23 06:39:05
Sometimes we cannot see a person's good deeds on his dark actions...

take it from me... it happened to me.... to myself...

due to my aggressiveness.... and my narrow minded thought...

it clouded my good being sometimes... my classmates feared me...

Condolences.... my friend......


-Poem section By Karuzo-

Question

For years living in this world

Sometimes i asked myself about my life

"Does my existence meaningful?"

Sometimes i asked myself about my actions

"What is my real intention in this world?"

Sometimes i asked myself about our actions

"Does this humanity can handle the truth?"

But a question weight more than any question

I ever had

"Do i really exist?"

Only time can tell....

-->

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by zparticus27 on 2007-04-23 07:10:50
@karuzo thanks pare..nice poem by the way...nice!

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by karuzo on 2007-04-23 07:17:13
@Zparticus- salamat...

na ispire naman ulit ako....

try to move on

kahit minsan masakit sa

damdamin.....

-->

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by on 2007-04-23 07:57:33
MIA:
oya~ cute ng siggy mo... i <3 Green

SAN-SAN:
Bakit may klase ka?

KUYA Z:
Nasabi ko na sa ym ung pakikiramay ko^^
Hm... resorts pa lang napupuntahan ko. Di pa beach.

N.S.KAI:
Con sa Baguio? Hm... ewan ko XD Wala gusto mag-organize...

FUJI:
am not shotacon fan... goth~ loli~? aliw sila... lalo yung mga nasa perfect girl evolution. XDDDDDD

KARUZO:
nice poems... as usual~ *claps*


Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Immortal on 2007-04-23 08:28:10 (edited 2007-04-23 08:34:13)
~
wah~! its a disaster desu~! wala nang slot sa company na dapat naming pasukan desu~! huhuhuhu~! saan na ako ngayon hahanap ng company na papasukan de arimasu~! guyz, kung may alam kayong company na pwedeng mag-OJT e ipagbigay-alam nyo lang sakin desu~! T_T

nag-mall nga pala kami kanina ng mga kaklase ko desu~. bago kami pumunta e nagdesisyon kaming kumain muna sa Pantasia. [NOTE: Park & Go talaga ung pangalan nung bakery na pinagkakainan namin desu~. ako lang ang tumawag ng Pantasia dun dahil na din sa influence ng Yakitate! Japan kaya kinalaunan Pantasia na ang tawag namin sa bakery na yun desu~.] pero habang naglalakad kami papuntang Pantasia dinudukutan na pala ung kaklase ko desu~! naramdaman nya kasi na may kakaiba sa likuran nya at nung lumingon sya e nakita nya ung lalaki na ung kamay e nasa loob na ng bag nya desu~! wah~! buti na lang at naramdaman nya kagad yun desu~! nawala kagad sa eksena ung mandurukot desu~! hindi ko lang sya nakita kasi sa harap ako naglalakad de arimasu~! naku! pag nakita ko yun e hahambalusin ko talaga sya ng dala kong binder de arimasu~!

grabeh ang init sa byahe papuntang mall desu~! pagdating namin sa mall e dating gawi ung mga kasama ko desu~. window shopping tapos chick hunting de arimasu~. naku! pati ako e ginamit para makuha ung number nung isang babae desu~! nananahimik lang ako na naka-indian sit sa isang tabi at nagpapaypay nang bigla akong lapitan ng kaklase ko at ang sabi:

lan: "tol, favor naman. kunin mo ung number nung babaeng nakita natin kanina."

ako: "eh? ayoko nga! bat ayaw mong ikaw ang kumuha?"

lan: "e nahihiya kami e..."

ako: "kayo ang gustong kumilala tapos ibang tao ang gagamitin nyo? bahala kayo sa buhay nyo!"

mon: "kasi kami naman ung may desire na makuha ung number nya e. kaya ikaw ung pinapapunta namin kasi hindi ka naman interested sa kanya."

ako: "ayun naman pala e! wala nga akong interest tapos ako pinapapunta nyo dun?!? pupunta ako dun tapos tignan nyo ung hitsura ko! naka-uniform pa tayo o!"

lan: "sige na...favor lang please..."

mon: "kung ikaw naman ang may gustong kumilala ng babae e tutulungan ka din naman namin e!"

ako: "e wala naman akong babaeng gustong kilalanin e!"

tapos nun e binlackmail nila ako ng puro kalokohan hanggang sa mapapayag na nila ako desu~! hay naku! para na din nilang sinabi na "doing someones dirty work". XD

malas lang nila at hindi binigay ng babae ung number nya de arimasu~. hindi ba nila naisip na 90% ng mga babae e hindi basta-basta ibibigay ang number nila lalo na sa mga hindi nila kilala desu~. mahilig kasi sa mga ganun ung mga kaklase ko de arimasu~. ~_~

matapos nun e stroll ulet kami ng onte tapos napunta na kami sa baywalk desu~. marami ding mga nakatambay dun desu~. ung iba mga magbabarkada na nakikinig ng banda, ung iba naman e tumatambay lang desu~. first time ko lang napunta dun desu~. nagkukuwentuhan ung mga kaklase ko habang ako e lagi lang nakikinig sa kanila desu~. (hindi kasi ako ung palakwento na tao e) nagandahan ako hindi sa lugar kundi sa madilim na kalangitan na kitang-kita ung mga buwan at bituwin desu~! ang ganda pala ng view dito pag gabi desu~! naisip ko bigla na sana kasama ko si Aya dito desu~! weee~! medyo nakakatakot nga lang kasi dagat na ung malapit sa inuupuan namin desu~. matulak ka lang e mahuhulog ka na sa dagat desu~!

nang magsawa na kami e nagdesisyon na kaming umuwi desu~. hanggang 8:30 ata kami ng gabi nagliwaliw kung saan-saan de arimasu~! wah~! pagod na pagod ako galing byahe desu~! ~_~

EditZ!
bwahahaha~! may nakita akong AMV ni suiseiseki desu~! weee~! ang galing ng pagkakagawa desu~! para talagang may sarili nang anime si suiseiseki desu~! ^^


It needs more "desu~!" ^^


@Zips...
condolence tol. may mga pagkakataon talaga na ganyan desu~. natatakot ang mga tao na harapin ang kamatayan nila pero mas nakakatakot kung hindi nila pahahalagahan ang isat-isa habang nabubuhay pa sila de arimasu~.


Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Username on 2007-04-23 08:51:22
kogz
hina talga kayo sa diskarte..hehe..

zpaticus
tol condelence..ok lang un tol.. at least me
moral lesson kang natutunan..

karuzo
nice poems..clap clap clap clap
as usual [pahanga mo ulit ako
..
pero parang napost mo n dati yan

fuji-khan
tol bjork fan ka ata ah..
pareho kayong emo..waheheh!

san-san
ewan ko lang kung mababasa mo toh
cguro next month ka ulit mag oonline
ghehehe..pero kamuzta tol..wahehe!

shinta
c nskai na pinakamatanda dito
hehehe!

ngaun ngaun ngaun..anu maaring gawin ngaun..kasalukuyan eh me kaasaran akong babae na nakilala ko sa chat..amp..ang sungggeeettt! sabihan ba naman akong antipatiko..amp! asar asarin ko pa to at sa huli eh bibigay rin to sa diskarte kong marino! wahehehe!

i wish to bleed for you

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Immortal on 2007-04-23 08:58:06
@Rey...
lolx...possible fact lang yung mga sinabi ko desu~. tinanong ko nga din sa kanila kung paano sila nagkaroon ng mga GF sa mga ugali nilang yun desu~. wag mo akong itulad sa kanila dahil mga menyakz sila de arimasu~.

manood ka kaya ng Bokura ga Ita anu desu ne~?

amf! cramming na naman ako sa paghahanap ng mapapasukan na OJT desu~! ><


Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Username on 2007-04-23 09:03:13
kogz
alaws akong time manood ngaun eh..sa sabado n lang or sunday..
gabi na eh.. tol nagtanong sakin c aye ahh..send ko n lang sau sa ym kung ano cnabi nya,.,

amp,..kaaway ko pa rin sa chat tong babae na nakilala ko..wawaaaaa! ang lufet makasagot!lahat me dahilan!waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

i wish to bleed for you

Re: Shouts to all pinoys V5....
Link | by Dark on 2007-04-23 09:13:00 (edited 2007-04-23 09:13:20)
wai~~~~ hindi ako makasabet sa mga usapan XD
lagi lakwatsya ako recently.. sakit buong katawan ko..


@nero: lol bawal leeching sa lahat ng anime communities like miniTokyo..(pati naman dito eh..siguro)
kung gusto mo punta ka sa Animepaper.net at doon hanap ka sa gallery ng gusto mo tapos ako na kukuha para sayo... sorry wala akong account sa Minitokyo.. also plano ko nga gumawa ng accountsa animerender.net(o .com?)


Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, ... 49 Displaying 661 to 680 of 997 Entries.

Copyright 2000-2024 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0296 seconds at 2024-12-27 20:27:32