Back | Reverse |

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-14 20:56:51
ano ng nangyayari dito??


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by Kino on 2006-05-15 01:28:25 (edited 2006-05-15 01:53:18)
lei lei, yaw ko sa pink fyi o_o type ko lang si sachiko..nyahahaha!!!papalitan ko na nga!post ko yung bago..bwahahaha..upload muna ulit~






ayan >:D

Kino Petto Kino Petto

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-15 17:09:29
wow! mas ramdam ko yung kalungkutan sa 2nd wallpaper ni kino, malungkot kasi yung kulay. Maganda rin yung first!

Astig din nun ke ayeca, may pagka hip and techno ang style ^_^


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-15 17:48:50
maganda mga desktop backgrounds ko. unfortunately, wala ako sa bahay ngayon at ung PC ko hindi pa rin naaayos.T_T

haayyy.. wala pa'kong tulog. pag-kauwi ko galing makati, nag-net na'ko dito sa labas. dapat sa bahay kaso may nagnakaw na naman ng linya.

waaaahhh... sakit na ng ulo ko. wala pa'kong tulog.T_T

2nd to the last episode na ng kaleido star mamaya. excited na'kong makita ang angel skill.^_^

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by Immortal on 2006-05-15 22:46:48
~
aba! usapang wallpaper naman dito desu~!

@JaYdEL...
ok ung wallpaper mo desu~! Vash the Stampede! tipid mo naman sa space desu~! ^^

@ayeca...
haha! aztig ung neko desu~! parang kamukha nya si "malas" sa Barkada Trip

@Daisuki...
pink wallpaper desu~! ang ganda naman nung babae desu~! ^^

green naman ung sumunod na wallpaper desu~! medyo malungkot nga ung wallpaper. me pagka-nostalgic ung dating desu~.

eto naman ung sakin desu~. ^^


Ichigo 100%

mihihihihihi! ^^


Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-16 19:21:56 (edited 2006-05-16 19:22:40)
ang ganda ng ending ng kaleido star. di ko alam ba't di un nagustuhan nung gumawa ng review pero wala akong paki sa kanya ang mahalaga ay ang naramdaman ko. katulad ng audience ni sora nung ginawa niya ang angel skill, natamaan talaga ako. tumagos sa kaloob-looban ko ang mensahe niyon at oo... nagising ang natutulog na angel's heart ko.^_^

grabe ang epekto nito sa'kin. buong-buo ko pang naaalala ang performance nila lalung-lalo na ung kay sora. parang may projector sa loob ng utak ko at paulit-ulit na nagp-play ang paglipad ni sora pati kung pa'no nito naapektuhan ang mga tao na nanonood sa kanya. ang galing talaga. sa twing nagp-play ang bawat eksena sa utak ko, naninikip ang dibdib ko dahil sa nagpupumiglas na kaligayahan. pa'no ko naman un ilalabas? e wala namang anime enthusiasts (bagong term na sinama ko sa ordinary days vocabulary words ko, hehe...) dito sa mga kasama kong nag-t-training.

haaayyy... pagkatapos mag-perform ni sora, mnaisip ko rin ang mga pangarap ko. katulad ng iba pang tauhan sa kwento ng buhay niya, pinaalala rin sa'kin ng angel skill kung ano ang mga bagay gustung-gusto kong gawin. at katulad nina rosetta, mae wong, marion at jonathan (the sea lion), mia, ng comedy troupe ni ana, nung nanggaya ng angel skill nila ni yuri sa international festival kung saan siya umatras at kung kailan niya na-realize kung ano'ng klase ng stage ang pangarap niya, ng mga nakasama niya sa perya, at ng iba pang performers, nang mga oras na yon gusto ko ring mag-perform kasama niya kahit na ni hindi ko kayang i-bend ang katawan ko.^_^

gusto kong sabihin sa kanya, "sora, alam ko na kung ano'ng pangarap ko. at alam ko rin kung ano'ng dapat gawin. pero di katulad mo, nabibilang ako sa isang sistemang di basta-basta nagigiba ng matinding determinasyon o pagsisikap. ginagalawan ko ang isang mundong napapaligiran ng masasamang elementong hindi kayang gapiin ng angel o kahit ano'ng heavenly skills. hindi katulad mo, ang mga pangarap ko ay hindi kayang abutin sa loob ng 51 episodes."

bukod sa pareho kaming may pangarap na para sa lahat ay imposibleng matupad, isang bagay pa ang pinagkapareho namin ni sora... at un ay ang katotohanang may kumokontrol sa kapalaran namin. hawak ng mga animator ang kapalaran niya, hawak naman ng sistema ang kapalaran ko.

bakit kailangan kong magtyaga sa call center?

dahil sa sistema.

kahit pa hindi ito ang pangarap mo kung wala namang ibang mga oportunidad na pinagkakaloob ang sistema kundi ito, ano'ng pipiliin mo? ang gumawa ng mga bagay na di mo gustong gawin pero makakatulong pa rin sa'yo at sa pamilya mo o ang walang gawin sa bahay at maging pabigat sa mga magulang mo habang hinihintay ang oportunidad na gusto mo?

"mabuti ka pa sora, dumating agad sa'yo ang oportunidad mo. ang pinrublema mo na lang ay ang paggamit sa oportunidad na yon. malulungkot ka ba kapag nalaman mong posibleng hindi na dumating ang oportunidad na hinihintay ko? dahil hindi yon binibigay ng sistemang ginagalawan ko. kaugnay nito, hindi malayong magisip ako ng ibang pangarap."

di lang isang tao ang nakakaapekto sa pagtakbo ng buhay ko ngayon. marami sila. isang buong sistema.

bakit hindi ko makuha ang trabahong gusto ko? o bakit hindi dumadating sa'kin ang pagkakataon? dahil lang ba yon sa attitude ko? dahil tamad ako at walang confidence?

linggo-linggo bumibili ako ng manila bulletin classified ads, araw-araw nagsu-surf sa net sa lahat ng job search engine sa bansa nag-join ako. lahat para mahanap ko ang trabahong gusto ko. linggo-linggo, nakikita ko ang naglalakihang ads ng mga call center, talaga namang ginagawa ang lahat para maakit ang mga job seekers na tulad ko. sa kinapal-kapal ng dyaryo isa lang ang nakikita kong advertisement na naghahanap ng aplikante para sa trabahong gusto ko. napakaliit lang ng ad na yon kumpara sa ad ng mga call center, pero napansin ko pa rin yon dahil wala akong pinalalampas na section. kung kailan nag-uumapaw na ang tuwa sa aking puso. saka ko mababasang minimum of 3 years experience ang required sa postion na 'yon. ganito rin ang nakita ko nung mga nagdaang linggo. may isa pa ngang minimum of 5 years experience. take note, in the same capacity.

ang tanong: kung lahat ng kumpanya naghahanap ng ganitong kuwalipikasyon sa posisyon na gusto ko, pa'no kaya ako magkaka-experience?

anyway, nagpumilit pa rin ako at gumawa ng cover letter na pino-promote ang mga kakayahan ko at ang mga karanasan ko nung nag-aaral ako (yon lang ang pwede kong gawing experience dahil yon lang ang bahagi ng buhay ko na nagkaron ako ng pagkakataong makisalamuha sa mga pilipinong nasa pinakailalim ng social status sa bansa) at dahil hindi yata angkop sa isang non-government organization ang a-apply-an ko, therefore hindi profit-oriented at ang tanging ginagawa ay tumulong sa mga nangangailangan (hindi sa mga customers) ang gawin kong example ang mga natutunan ko sa kumpanya ng mga intsik okaya ng mga amerikano na walang ibang goal kundi ang kumita. pinadala ko ang application ko kasama ng aking curriculum vitae at transcript of records sa pamamagitan ng electronic mail. at gaya ng inaasahan, hindi sila nag-reply.

meron akong nakitang oportunidad sa isang governtment agency at gustung-gusto ko ang trabaho don. naakit ako sa fact na magiging undercover agent ako sa pag-i-imbestiga sa mga opisyales ng pamahalaan at mag-aral ng self-defense. wooohooohooo... ang saya-saya non di ba? matututo akong humawak ng baril at mapapadpad ako sa iba't ibang sulok ng pilipinas at maging sa labas ng bansa. higit sa lahat malalaman ko kung ga'no kalaki ang nakukurakot ng mga government officials, isusulat ko ang mga matutuklasan ko at ipa-publish ko yon para mabasa ng lahat. @_@ excited na talaga ako. kaya naman nag-take agad ako ng civil service exam. mabilisan lang kaya wala ng aral-aral. computer-assisted para malaman agad ang result at nagpasa agad ako sa ombudsman para lang umasa sa wala.T_T ni hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na makapag-exam para ma-prove ko ang worth ko.

tapos malalaman ko pa sa pinsan ko na ginagawa nila sa government agencies ung magpo-post ng job vacancies pero wala talagang bakante. o kaya naman may job vacancies nga pero pag tinawagan mo sila sasabihin nilang wala na dahil ni-reserve na nila ung spot para sa mga kamag-anak or kakilala nila. at syempre ang kalat na kalat na kalokohan na maraming employees ang government na ni hindi man lang nag-take ng qualifying exam. para san pa ang civil service commission? na-confirm lang yon nung tumawag ako sa isang commission (on filipino migrants yata, nakalimutan ko ung exact name). gusto ko kasing magkaron ng access sa kalagayan ng mga pilipinong manggagawa sa labas ng bansa at makatulong sa pagbibigay ng suporta sa kanila. isang OFW ang papa ko. mabuti na lang hindi ako padalus-dalos magsalita at likas na sa'kin yon. hindi ako katulad ng kapatid ko na sinasabi agad kung ano'ng gustong sabihin at hindi na pinag-iisipan.

pero, ipinagdadasal ko na sana sa mga oras na kailangan, maging ganon din ako. sana nung mga oras na yon hindi ako basta-basta um-ok lang sa sinabi nung lalaki. sana nasabi kong, "sabihin niyo sa civil service commission na wag na nila kayong i-require mag-post ng job vacancies kung wala naman talagang available positions. niloloko niyo na'ng mga tao, niloloko niyo pa'ng mga sarili niyo. ba't hindi na lang kayo sa isa't isa makipaglokohan at wag niyo ng idamay ang mga walang trabaho. may bayad ang pag-i-internet (sa net naka-post ang mga bakante) at may bayad ang paggamit ng telepono, taksyapo!"

haaayyy... sana naging animated character na lang ako tulad ni sora o ni naruto (syempre hindi siya pwedeng mawala). para hawak lang ng isa o iilang animator ang takbo ng buhay ko, iilan lang sila. kahit gawin akong kontrabida ng mga taong yon, nasisiguro kong gagawin pa rin nilang kahanga-hanga ang personalidad ko. mamatay man ako bago pa matapos ang show, mamamatay pa rin akong ay dangal. mamamatay ng may matibay na paninindigan sa pinaniniwalaan niya. ganon sa mundo nila. lahat nagiging kahanga-hanga. halos lahat nagkakaron ng pagkakataon na matupad ang misyon nila. mamatay man nang maaga, nagkaron pa rin sila ng pagkakataong magawa ang mga bagay na gusto nilang gawin. at kahit gano pa kaiksi ang papel mo sa palabas, naaalala ka ng bawat taong nakapanood sa'yo. kahit magkakamukha lang kayo ng mga kasama mo (o kahit ng mga characters na nasa ibang anime) may kanya-kanya kayon identity. nakikilala sila ng mga tao sa iba't ibang paraan. higit sa lahat madali lang para sa kanila ang tuparin ang kanilang mga pangarap lalo na kung ikaw yung bida. may makaharap ka mang malalakas na kalaban, binibigyan ka naman ng mga mangaka ng malakas na kapangyarihan na ipangtatapat sa kanilang lahat. natatangi sayo ang kakayahan na yon. meron kang ginintuang puso at lahat ng nami-meet mo ay napapasaya mo.

katulad ni sora, gusto kong mapasaya lahat ng mga tao, as in LAHAT. at katulad ni naruto, gusto ko ring maging malakas, NAPAKALAKAS.

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-16 19:58:50
O.O *teary-eyed*

bhala kna kung icpin mo n plastic o napakawalng kwenta ntong post ko pero napahanga mo ko s mga sinabi mo Gij-sama. Pra akong nagbabasa ng essay ng isang kilalang writer. Ang galing tlaga. Konektado lahat ng cnbi mo, may thought, may sense at may kasamang puso ang bawat salita. Isang mahabang post n di nakaka-bored bsahin.


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-16 20:21:09
ate gij, di ko man nabasa lahat, wish ko na sana eh masaya ka sa trabahong papasukin/pinpasukan mo... ^_^

tipd nga ako sa space ng desktop ko >_< AYaw ko kasi ng masyadong maraming icons. yung mga icons na nakalagay dun is yung mozilla firefox for internet browsing, folder for images, folder for all of my mp3 files (anime and non anime), anime winamp playlist, kodak para sa camera and recycle bin :P


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by lei8iel on 2006-05-16 20:52:38
wow buhay nanaman si gij -_-

dies mono dies

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by lei8iel on 2006-05-16 21:28:45
hello... bakit joan nakalagay? hehehe.. ^_^"

dies mono dies

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by yukinosan on 2006-05-16 21:28:50
hello po sa lahat bago lang po ako dto ako po si yukinosan sino po pwede frnds


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by yukinosan on 2006-05-16 21:31:12
hehehehe


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by Immortal on 2006-05-16 21:32:52
@gij...
grabe! parang kasing haba na ng expressway ung post mo ngaun ah desu~! aba! me pangarap ka palang ganun desu~! (parang di halata desu~. ^^)

ang ganda nga ng last episode ng Kaleido Star. ang gagaling nilang lahat lalo na si Sora! pinakamaganda dun e nung ginamit na ni Sora ung Angel Skill nya desu~! para talaga syang Angel dun! sugoi desu~! gusto ko syang i-drawing desu~! di ako makakuha ng screenshots dito pag pinapanood ko na sa media player! malas naman desu~!

ganun pala ung karamihan sa mga classified ads? parang pamparami lang ng space desu~.

ano ba talaga ang gusto mong trabaho desu~? sana hindi ako mahirapan sa pag-graduate ko at sa paghahanap ng trabaho desu~. hindi rin lahat ng anime e may happy ending desu~. naghihirap din sila katulad ng mga tao desu~.

ang haba talaga ng post mo desu~! ilang oras mong sinulat yan desu~? talo talaga ako desu~!

@Joan...
yoroshkun! welcome to Gendou! lahat ng noyPi's dito e pwede mong maka-bonding desu~! wag kang mahihiyang magtanong at magpost dito desu~! ^^


Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by lei8iel on 2006-05-16 21:35:42
wag lang pong maging pasaway..
hehehe... double posting... nakalimutan nio na ba? ai sowi bago ka nga lang pala... ^_^"... bawal po yan

dies mono dies

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by yukinosan on 2006-05-16 21:37:02
salamat po... ano po name nyo po?


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-17 01:52:20
ate gij...haba ng post! whoa!!!
nyahahaha
kakatamad magbasa ng posts andami eh :D


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by amano-san on 2006-05-17 04:08:16 (edited 2006-05-17 04:10:04)
@Neon-chan: Ikaw ang tamad tamad mo talagang bata ka! Dapat pala-basa ka eh! Etong sa yo! *palo* Halos lahat ng posts mo lagi tinatamad ka ah! *palo ulet* :D ...teka, ikaw ba gumawa nung pic dun sa 'about me' mo? Ung sa fanfiction mo ek-ek? Astog ah! ^^; Napadayo din ako dito sa wakas...

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by Kino on 2006-05-17 04:12:18

kuya koga, wow ang kyut ng wallpaper mo ^o^
green ba yung akin?di ko alam ang kulay hehe..teka..di rin ako mahilig sa green eh..nagkataon ulit..hehe..

gij, grabe ang tindi mo tlga magpost ang haba..hehe..

jaydel, di lang kasi akin yung comp eh..kaya yung mga kalat nakita mo sa desktop ko kalat lahat ng kuya ko yun ^^ wahahaha!

Kino Petto Kino Petto

Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-17 04:15:17
Ahihihi, o ayan Neon-chan maikli nlng mga sumnod n posts. D kna tatamarin mgbasa! ahihi

Uhm, Amano-san ngyon ko lng napansin ung qoute n nsa ilalim ng sig mo. "Life is like a boat". soundtrack ng Bleach.
ganda ganda nong kanta n un! nakaka-relax ska pag pinapakinggan ko ung lyrics naiisip ko: "oo nga nmn..."

Maligayang pagdating s thread ng Pinoy, Yukinosan!


Re: Para sa mga PINOY!
Link | by on 2006-05-17 08:30:13
huhuhuhu napalo nanaman ako!!!
kaya kasi ako tinamad kasi hnd ko alam kung san ako magsisimula magbasa...
kung babasahin ko simula pa nung last post ko dito sa thread na to, ay naku po!! kelan pa kaya ako makapagpost ng reply?
hnd ko naman kasalanan na hnd ako ganun ka-active sa forums dati...
hehehehe amano tlga, wala ng warning-warning, palo agad!
uh, hnd ako gumawa nun... nakita ko kasi yun sa profile ng kaibigan ko... tapos me note dun sa baba
*kung proud ka maging pinoy, lagay mo toh sa profile mo* kaya yun! hahahaha :D nakakatamad kasi gumawa ng sariling sig, ava, or other pics!
~nagtago na kay amano~ *nasabi ko nanaman na tinatamad ako..nyahahahaha


Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, ... 45 Displaying 521 to 540 of 912 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0159 seconds at 2026-07-12 17:31:37