Back | Reverse |

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by sharpenter27 on 2009-02-22 18:19:09
@Zparticus
Yung... ang hindi ko rin alam. Pero susubukan ko.

Salamat nga pala sa pagbati.

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by I love the color of the sky... >w< on 2009-02-23 05:48:48
weee~
sali ako!
marunong din ako magtagalog..^-^
pinoy din ako..

pwede po ba ako sumali? :3

Its too simple.., I know.. >.<

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by karuzo on 2009-02-23 06:05:08
basta pinoy join ka!!!

welcome to STAP Eri-chan!!!

ako si karuzo aka K.M. Revolution

taga saan ka, Eri-chan?

-->

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by I love the color of the sky... >w< on 2009-02-23 06:11:21
talaga? wee~
salamat..

tagamanila po ako..
ikaw po?

:3

Its too simple.., I know.. >.<

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by karuzo on 2009-02-23 06:18:04
Former manila based nasa davao

Catalunan Grande, Skylne, Southvilla Heights 2 and aking location...

Er-chan reminder lang... wag masyadong gamitin parang isang chat thread ito kasi pwedeng ma lock ito....

-->

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by I love the color of the sky... >w< on 2009-02-23 06:27:03
ahh..cge po.. c:
thanks po sa reminder..

salamat din po pala sa pagwelcome sakin..

c:

Its too simple.., I know.. >.<

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by karuzo on 2009-02-23 06:32:45
Yah take care Emi-chan...

any problmes you can PM me if you need my help

I will try my best to help

-->

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by nats on 2009-02-23 06:46:24 (edited 2009-02-23 09:06:59)
A SHOUT TO ALL PINOYS ONCE AGAIN!!


Hehe, ang tagal na din nung huli akong mag post dito.. Hm..
Version 12 na ata yung last post ko dito. Ewan. Haha~ Basta.

And I can see many new people. Wala na ata akong kilala dito sa STAP.
Since ang tambayan ko na lang palagi yung Chat.
Haay.

Para sa mga hindi pa nakakakilala sakin,
Ako si Nats, as you can see on my avatar.
Kung gusto niyo ako makita, nasa Chat lang ako most likely.
I go on other names such as Kanako Yasaka.
Heheheh~

Basta, ayun. Hello sa lahat.

Hmmm.. Warm pa kaya mga tao sakin dito...?

____________________________________EDIT__________________________________________

@MIA~TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT! sa baba:

Hello. XD Yes, I'm back. And I probably won't post again for...ER... A long time.

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by ayu_mia6 on 2009-02-23 07:51:05
And so, the Valentine's day had pass

~Ukissa~
lol ka dyan!? tagal mong nawala ah! XD
welkam bak! woot, talaga tong si Vin! sumali talaga sa Gendou Idol ah

~Basil~
Welkam sa STAPs!
sorry sa late greetings >.<
Enjoy your stay here! at sana maging isa ka sa mga magdilang bayani ng STAPs! XDD

~Chizen~
aba! pati pala ikaw ginawa na rin nyang campaign manager ah! XD

~Xero~
san na ba kau sa Calculus? baka matulungan kita. ^^

~Yance~
bakit? asan na ba kayo sa Logic? woot, maganda ba yung fallacies? eh halos pare-pareho lang ata yung mga yun eh! XD
wow! edi sari-saring kaso ang nahagilap nyo? lufet nyo! siguro sa susunod manunuod na kayo ng court hearing?!
aww, true true, kasi karamihan ng journalist sa Pilipinas ay pinapat-- woot uhh, inieliminate? >.< kaya halos indemand XD
uo, kailangan din di ka maingay, may required decibels(dB) pa nga eh para maprevent ang ingay. may new tambayan naman sila kaya lang iba pa rin kung may sarili room ang org na yun. >.< ow? maddissolve na? sayang naman! hehhe, uo I think kailangan ng community service. May naririnig din kasi akong "outreach" na dapat gampanan ang bawat orgs. gah!
uhh, marami-rami nang experiences pero normal na sa akin yun hehhe. ignore ko na lang. heheh wala rin naman kasing pagkakaiba kung nakabukas o hindi eh, I think. di ko mabuksan *sighs* di ata epektib yung payo ng binigay nung site na pinuntahan ko eh >.<

~Snowe~
waw! Ika'y nagbabalik? Saan ka nanggaling? XD

~Jivan~
eow Jivan! welkam sa STAPs!
Enjoy your stay! ^^

~Milfeulle~
ahahaha, mabuti naman at natagpuan mo 'tong thread na 'to, malay natin, isa ka sa mga bubuhay nito XD
enjoy your stay!

~Eri~chan~
woot! eri! hello! kala ko ikaw yung kilala kong tagachat ehehe
anyway, enjoy your stay! ^^

~Nats~
Yo! You're back!

Reminder: wag kang papayag kapag inutusan ka ng nanay mong magbalat ng upo! Yes, UPO! yung gulay. Gash! ang hirap nun balatan!



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by nakakadeadz on 2009-02-23 13:36:24 (edited 2009-02-23 14:01:51)
minna san, tasukete!
kung may alam kayong mapagkukuhanan ko ng bass tab ng Prayer ng ACID saka Akagi ng Maximum the Hormone, paki-bigay naman sa'kin detalye. kung wala naman, baka merong marunong mag-bass diyan sa inyo, paki-try naman gawan ng tabs ung mga nabanggit na kanta. kasi ahuhuhuh... di ako marunong mangapa. kung marunong lang ako, ako na lang gagawa ng tabs nun. gustung-gusto ko kasi bass nun lalo na nung Prayer. adik nga pala ako ngayon sa 2 bandang na yan.^_^


ayan! nagka-hangover nga ako kay enma ai pero mas grabe ang hang over ko kay hei a.k.a Li Shengshun a.k.a. Kuro no Shinigami a.k.a. (taena ang daming alyas) BK201. pero ung hangover ko dun, ung sa shoujo part. ahahahah... nakakainis kasi walang emphasize sa aspect na un. e gusto ko talaga ung pairing nila ni misaki kirihara.^_^ first time ko ngang magbasa ng mga fanfic. atleast man lang sa fanfic nagkainlaban sila. ahahahah...

pero hayun, syempre hindi ko masasabing sobrang ganda nung Darker than Black, kasi ang daming loopholes pero un nga nagpa-excite dun. ahahahah... i'm looking forward sa season 2. sabi kasi meron daw, pero as of now season 2 muna ng full metal alchemist ang ginagawa.

pinanood ko na rin major at eyeshield 21 at siguro dahil lang sa panget ung kopya kaya hindi ko masyadong na-appreciate ung eyeshield 21 pero grabe naiinlab ako kay hiruma pag umaarte siya nang ganun... ahahahah... siya lang talaga nag-motivate sa'kin na ipagpatuloy ang panonood nun. ahahahah... samantala, nagandahan naman ako sa major. trip ko pa ung end theme ng season 4,

Ima nara kitto mayowazu kitto kimi ni tsutaerareru darou
Mune ni shimatte ienakatta I LOVE YOU sore nano ni
Ano hi kara zutto tonari ni zutto kimi no sugata ha miataranai
Sayonara ima demo aishiteru


@CHIZEN
naku di ko rin alam san mapapanood un. ako ung nationals championship gusto kong mapanood e. gusto ko nga kasing malaman kung pareho sa manga. di ko napanood ending ng eyeshield 21 pero lam ko ongoing pa manga nun.^_^

@ICH
tagal kasi mag-update ng mga tao sa STAPS ngayon.^_^ kahit nga 1 month ka mawala, isang page lang madadagdag. okay yan shoujo. aheheheh... mas madaling basahin saka hindi gano kailangan ng malawak na experience.^_^

wow! sugoi ne, ich. ang cute ng latest CG mo.^_^ kakaiba ung style ng mata parang itlog, pero ang danda, ang galing.

@LEI
sige puntahan ko yang mangafox. lam ko naman gender-bender talaga trip mo e. aheheheh... hindi mo na tinapos ouran high? ongoing pa un di ba? nu na ba nangyari dun? nabasa mo na end ng gokusen? aheheh... nagkatuluyan daw sina shin at yankumi e pero ala pa scanlations nun last chapters. kung anu-anong shoujo lang binabasa ko ngayon. tapos na nga ung koukou debut pero tinatamad pa'kong basahin. ahahahah... nag-stop ako sa ch.48, 4 chapters pa. naiinis ako sa yamato nadeshiko ang tagal ng updates.

@MARKO
omedetou gozaimasu.^_^ muzta? ano'ng business yan? sali ako. ahahahah...

@ZPAPS
yan na rin itatawag ko. aztig naman e. aheheheh...

nakakaasar tapos na pala un? bad trip naman. hindi nga siya ganun ka-memorable, hindi ako nagka-hang over pero nakakatuwa naman siya e. kumbaga hindi ako nanghinayang sa oras ko. nanghinayang ako kasi hindi ko siya natapos dahil nga kulang ung kopya.^_^

pareho kayo nung isa kong kaklase sa accounting 1. ung medyo tropa-tropa ko ngayon. transferee din siya e. pero choice niya talagang ulitin ung majors niya kasi nakalimutan na daw niya. e pinaka-basic ung accounting 1, sa tingin ko nga un pinaka-importante. dun ka kasi magsisimulang mag-analyze.

uu nga henyong-henyo nga dating ko dun kaya nakakailang na rin, kasi hindi ako sanay nung "wow! ang galing mo naman..." blah, blah... mga first years pa naman mahilig sa ganun. taz nakakaasar pa dun kasi alam mo namang nakikipag-kumpetensya lang sila sa'yo. ahahahah... ang tanda ko na talaga. pag nakikita ko ung mga first years, napapangiti na lang ako e. sila ung grade conscious sa lahat e. tapos papansin, ayaw pahuhuli... mga ganun ba. ahahahah... nakakatuwa na nakakaasar. hindi ko napagdaanan un nung first year ako sa UP e kasi pagkapasa ko pa lang dun, nakuntento na'ko hindi na'ko naghangad. nag-give up na'ko sa competition bago pa nagsimula ung klase kaya never akong naging grade conscious nun. taz hindi ko rin napansin kung may mga pampam akong kaklase kasi parang walang room para sa mga ganong behavior sa UP. ung mga prof kasi ang ini-expect nila kahit first year matured na dapat. ngayon, pag nakikita ko mga kaklase ko parang high school taz ung mga prof pa although strict din naman, kaya lang nagpapa-domininate pa rin. siguro ganun din kami nun sa UP di ko lang na-realize kasi ka-edad ko mga kaklase ko. unlike ngayon, na may nako-compare ako dahil mas matanda nga ako sa kanila.^_^

huwaaahhh... sobrang ang lapit na sa katotohanan ng edad ko. ahahahah...

wag kang mag-alala iki-click ko yan. some other time. kasi naman nuh tuwing mapapadpad ako sa gendou eto nagtitilaokan na mga manok. nanonood muna kasi ako dvd bago ko ma-realize na "uy, gusto ko palang mag-internet." aheheheh...

niyaya nga ako ni lei dun, tanong ko pa nga san ung RP, nagtaka tuloy siya wala pa raw bang robinson's nung time ko kasi nga katapat lang un ng school namin. napamura tuloy ako, meron na kaya nun bago pa'ko mag-college, hindi naman ako ganun katanda siraulo un si lei. pero ung faura wing 2nd year yata ako nung ginawa un, lupa ng UP un e. binenta sa kanila, naghihirap na kasi ung government. ahahahah... robs kasi tawag namin dun, hindi ko na-gets ung RP. 12 units nga kami lagi dun, lalo nung pa-graduate na kami kasi konti na lang units namin kasama ung thesis, araw-araw yata nonood kaming sine pag may mahabang breaks. aheheheh...

ahahahah... kahit siguro ikwento ko talambuhay ko dito, hindi basta-basta babalik dating sigla nitong staps. sabi mo ng, busy na kasi ung mga regulars nito. uu, may work na si vinar. training pa rin yata siya pero makakapasa un sigurado, he's doing his best.^_^ naaawa tuloy ako sa sarili ko. siguro tama ung ermat ko, wala akong pangarap sa buhay kuntento na 'ko sa ganito. ahahahah... wala na nga akong trabaho, ang tamad ko pang mag-aral. 3 days a week lang class ko lagi pa'kong absent. pag binagsak nga ako ng mga prof ko dahil sa attendance ko di ko na talaga itutuloy. un lang magiging ground nila para ibagsak ako e kasi napapasa ko lahat ng exams e. sa tingin ko, mas malala ung bumagsak ka dahil sa attendance kesa ung bumagsak ka dahil hirap ka dun sa subjects. tae kasi walang effort ung lagi kang absent e. hindi ka man lang magiging proud na "you did your best". ahahahah...

@NEWBIES
wow! ang daming bago.^_^ buhayin niyo naman uli ung staps para sa mga luma. aheheheh... busy na kasi ung mga regulars e. ganbatte! post lang kayo lagi.

habang nakahiga kami sa kama, nyahahah...
WALANG KOKONTRA! Isusulat ko name niyo sa death note ko. hmm...

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by sharpenter27 on 2009-02-23 16:31:01
@Mia
Magdilang-bayani? Waw, anlalim. Hehe!

@nakakadeadz
Masusunod... pero mukhang puro random ang magiging post ko dito pag naglaon.

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by lei8iel on 2009-02-23 17:11:53
@gij
tinigilan ko na ouran.. sumuko na kasi si kaoru hehe
kaoru x haruhi gusto kong pairing dun eh...
hindi rin ako nagbabasa ng gokusen..
nabasa mo na ba ung latest chapter ng Vk?

dies mono dies

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by dustiest17 on 2009-02-25 09:57:00
@stap magandang madaling-araw

nakikidaan lang.........


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-02-27 13:53:11
ABA!

in fairness, nadagdagan ng pahina ang thread na ito. SA WAKAS. after twenimilyen years.

sa kasamaang palad, ako ay pansamantalang nagpapaalam dito dahil sa bonggang bongga ako. charot. sadyang magpapakaabala ako sa buwan ng marso kung kaya't mukhang matagal-tagal din akong di makakapag-post . . . pati na rin ang makapag-internet. kasi naman eh, bwisit na mga subjects na yan!

just an overview, ililista ko ang mga gagawin ko na siyang magiging dahilan ng aking seklusyon ng pansamantala. tutal naman kasi wala namang nagbabasa ng mga post ko kaya ilalagay ko na rin. pampahaba lang. XD

1. term paper: popular culture of women as influenced by mass media (television and film)
2. term paper (majors): basta tungkol sa philippine press. di pa ako nakakapag-isip ng specific topic.
3. reaction paper: ang kiri
4. reaction paper: street dance fuzion 9 [insert curse words here]
5. [censored na mura] choreo for street dance class
6. walang katapusang exams sa philo (naubos na nga pera ko kabibili ng bluebook)
7. dalawa pang speech, one of which is still yet to be written
8. who-knows-what other requirements for the month
9. org work

note: di pa kasama ang mga readings, finals, pati na rin ung isa kong subject dyan.

at dito na papasok ang rant ko: ANAK NG TIPAKLONG, DALAWANG TERM PAPER SA ISANG BUWAN!?! KAMUSTA NAMAN IYON DI BA? AT HELLO, END NG FEB NAGSABI UNG DALAWANG SUBJECT KO. TAPOS KAILANGAN AS "ACADEMIC" AS POSSIBLE (which means i will be living inside the library for a month dahil ung isa kailangang at least 10 books ang gagamitin) . . . WISH KO LANG TALAGA MAGAWA KONG "ACADEMIC" ANG MGA IYON. AT DI PATATALO TALAGA YANG PE KO, ABA'Y NAKI-EPAL PA! ARGH!!!!! >.<

uhuhu, di ko na gusto ang laptop. KAILANGAN ko na.

so hayan. nakapaglabas na rin ng mga hinanakit sa buhay kahit kaunti lang. kaya sa lahat ng mga pinakamamahal kong mga kausap dito, isang buwan akong mawawala. di ko alam kung paano ko gagawin ang mga yan, pero pinaplano ko nang magpunta ng lib kahit sa mga "araw ng pahinga" ko. paalam, telebisyon. mukhang makikipagbonding ako sa mga libro sa araw ng sabado at lunes. D:

sana sa aking muling pagbabalik, makita ko naman na kahit papaano'y sumigla ang "sinulid" (as in the words of kuya z) na ito. at marami akong marereplyan. hehe.

at sana hindi sumabog computer namin dahil sa mga kapatid ko.

at sa mga tao sa plurk, mukhang tso-tsorba rin ako dun. spam lang sana kayo ng spam sa mga existing plurks ko para di bumaba karma ko. mukhang damay din kasi ang aking "plurk life." etsos. XDDDDD

hayan, imbes na ginagawa ko ang aking isang paper, heto ako at nagpo-post sa STAP. ulirang estudyante. sabagay, wala naman ako sa march eh. susulitin ko na ito!

--===o0o0o0O0o0o0o==--

zhi
hayan. nabasa mo ba yung pm ko? haha. sana dito ka na lang magreply para magkaroon ng laman ang thread na ito. XD

basilio!
lol, kasaysayan ka dyan. XD

nakanaman! basilio! hehe. nakakaasar nga lang sya sa el fili (well the whole novel actually) kasi nakakabitin ang kanyang kwento.

caviteño? kapitbahay mo ba si marian rivera? joke. wahaha, nabasa ko sa profile mo ayaw mo sa snow . . . este kinamumuhian mo pala. bakit naman?

wao. mahal mo rin si henry sy at ang kanyang mga negosyo . . . interesting. hmmmm . . . ako kahit nakatira malapit sa trinoma (naabutan mo ba yun?) saka SM north edsa (duh, neighborhoods sila eh) ay di ko minahal ang mga mall. kaya lang nga ako nagpupunta sa SM dahil may public terminals na dun, para makauwi ako galing school. konting balita para sa iyo. sabi sa akin ang SM north edsa na raw ang gagawing pinakamalking mall sa pinas dahil sa higpit ng kompetisyon nito sa trinoma. pero sa tingin ko in terms lang un ng structure. sa MOA kasi malawak ang open area at may malaking etsuserang globe pa. XDDDD

lamusta naman ang edukasyon dyan sa canada? mahirap ba? madali? dito kasi sa pinas mukhang bumababa na ang kalidad ng edukasyon. tapos may kawalan pa ng suporta mula sa gobyerno. inu-unti-unti nila ang state abondonment sa mga state colleges and universities para ma-privatize ang mga ito, in other words mataas ang tuition kahit hindi naman dapat. ay, para na naman akong aktibista. etsos lang yan. wahaha, ang random ko.

good luck sa iyong pamumuhay dyan sa canada. nakanaman, aspiring writer ka pala! magkakasundo kayo ni nero dyan (AB Lit ang kinukuha nya sa UST). nakakainggit. supposedly writer din ako eh . . . writer ng mga letseng required kong mga term paper.

ako rin gusto ko na ng trabaho. :D

kuya z
lolwat kuya z! lahat na lang ng nireplyan mo may patungkol sa naghihingalong buhay ng STAP, at tinatanong mo lahat ng newbies kung sila na ba ang pag-asa rito. nakakaloka ka ah.

salamat sa pagbati. oo nga eh, ikaw lang bumati sa akin para sa birthday ko dito. XD

grabe. mismo. masyadong mabait si mommy. yun nga lang nung isang araw, sa sobrang asar nya sa kapatid ko, halos lahat ng bagay na madampot nya lumipad na parang mga IFO (identified flying objects). hayun, nagwala. may nabasag pa ngang plato. haha, di ka ba nagtaka kung bakit isang linggo akong wala sa plurk? tinago kasi ni nanay ung saksakan ng modem ng dsl. sa sobrang desperado ng kapatid ko, tinago nya ung modem. naisip ko tuloy na baka bigla na lang mawala ung CPU, monitor, keyboard, etc. kasi nagtaguan na sila ng gamit. akala siguro ng kapatid ko pede nyang maging hostage victim ung modem para makuha ung saksakan . . . pero nahanap ni ate kung saan nakatago kaya tinago nya ito sa ibang lugar! wahahaha, mahusay si ate!!

hay naku. leyt na ata magturo ng leksyon dahil wala nang nangyayari. ung kapatid kong nagtago ng modem, di umuwi nung isang gabi dahil di makapag-internet. grabe di ba? tas inuubos nila nung isa kong kapatid pera nila sa computer shops. pag nandito naman sa bahay, naglalaro sila ng offline games. wala pa ring kasawa-sawa eh.

oo nga. pinipilit nga kitang magpost eh. at buti naman nakapagpost ka na. XDDDD

at dahil etsuserang tsismosa ako, babalitaan kita tungkol kay kuya vinar. madalas ko nga kasi syang ka-chat di ba (dati)? nakapasa na sya sa training nya at ngayon ay isa nang ganap na call center agent. speaking of trabaho, naalala ko tuloy na gusto ko nang magtrabaho. XD

lol, magalang naman po ako eh. kaya nga po kinu-kuya ko po kayo. pinapanindigan ko naman po ung pagiging magalang . . . di ko lang po alam sa aspeto ng pagiging mabait. >:D

wow, amazing. ikaw pala ang narrator ng kwento ng kasaysayan ng STAP. ano kaya ako . . . ? wahaha, wala akong ideya. malabong ako ang bayani na tinutukoy mo. nagpapaalam nga akong mawawala ng isang buwan eh. haha. saka talaga bang isa lang ang bayani? di ba pedeng ang pag-ahon ng STAP mula sa kalugmukan nito ay mula sa kolektibong aksyon ng mga taong nagmamahal dito?

eri
wow. fresh na fresh ka pa! welkam dito sa STAP (acronym ng shouts to all pinoys!) at sa gendou. isang paalala: sumunod sa batas.
ako nga pala si yance. :D

syempre! kahit sinong pilipino pedeng sumali rito, basta ba pinoy ka. hayan, tulad ng ibang baguhan dito sa STAP, kukwentuhan din kita.

dati, ang thread na ito ang pinakamasigla sa Others forum at pinakamasaya para sa mga pilipino. dati nga eh, tipong isa o dalawang araw lang asahan mong maraming pahina na ang lumipas. kaya nga umabot ito ng hanggang version 16 (ang pinakamaraming version sa lahat ng thread dito sa gendou) sa ganung kaigsing panahon. sa totoo nga lang eh, ang STAP ang pioneer sa lahat ng mga national threads dito. kaso, mukhang malapit na rin silang umabot sa dami ng version ng thread na ito.

ngunit nung nakaraang taon (school year), grumaduate na ako at ang iba pang mga fourth year high schools dito na naging mitsa ng unti-unting pagpanglaw ng ilaw ng STAP. kasi ung mga ka-batch ko ang mga pinaka-aktibong mga tao rito noon, tipong pag nawala sila, wala na rin ang STAP (kasi ung age bracket namin ang pinakamaraming posters dito noon, at nawala ang majority sa amin). ngunit nang pinasok namin ang mundo ng kolehiyo, sadyang di nila kinaya ang abalang mundo nito na nagdulot ng kanilang pagkalimot sa STAP. kung magpost man sila, hanggang daan na lang.

kaya ang natira ay ang mga beterano na ng STAP (hindi ako kasama sa kanila), mga upperclassmen college students (basta ung mga nakakatanda) na sa sobrang pagmamahal sa thread na ito ay naglalaan talaga ng kanilang mga oras para makapagpost dito, kahit isang beses lang sa isang linggo. hay naku, pag nabasa nila ito baka ipapatay nila ako. XD

kaya sana'y ikaw ang maging bayani na tinutukoy ni kuya z at mag-aahon sa STAP mula sa pagkabaon nito sa limot! \o/

wahaha, bakit kinamumuhian mo ang mga intsik? ilang parte ba ng dugo mo ang intsik? ako kasi 1/4 lang eh, pero nakakaranas pa rin ako ng mga chinese traditions dahil sa mahal kong ina. XD

muli, welkam and enjoy. mababait naman sila eh (wahaha, di ako kasama!). XDDDDD

mia
symbolic logic na kami. grabe, halos isang buwan na kami nag-eexam. every meeting na lang exam! at grabe, ang fail ko. kasi naman, ang bilis ng pacing namin sa class. ung exam nga kahapon ang kauna-unahan at katangi-tanging exam na natapos ko. ang tanong nga lang ay kung tama ginawa ko.

oo nga. pero kasi nakakatuwa ang mga fallacies. masayang gamitin sa pambabara. XD

ang alam ko may ganun talaga eh . . . ung manonood ng court hearing at session ng kongreso. pero di ako sure dun.

okay lang kahit di mo i-censore. yan ang unang sinabi sa amin sa unang araw ng klase ko for second sem na unang araw ng klaseng iyon. at nakakadepress lang. haha. in demand nga, kaso pinapapatay. kung ganun na lang ng ganun e di forever na in demand ang mga journalists. eh hello, ginagawa lang nila ang kanilang mga tungkulin, sadyang may mga inutil lang na hindi lubos na maunawaan ang kanilang papel sa ating lipunan (wow, may natututunan pala ako sa klase ko . . . 0.o).

wat? may decibels pa silang nalalaman! di pede ang AME dyan. XD

about sa community service, alam ko naman na dapat ang isang org ay may way to give back to the community. pero ang naiisip ko kasi ung stereotype na community service (you know . . . making walis-walis the gilid of kalsada and making pulot the kalat here there and everywhere). kami kasi dapat magpupunta sa gawad kalinga, kaso nasunog ung site kaya di natuloy. sa sitio pajo kami dapat tutulong na magtayo ng mga bahay.

saka ang OA lang na i-require yun. kasi understood na yun eh. well, yun ay kung may purpose ung org at may nangyayari sa org na yun.

ah. e di hanap ka ng ibang site. wahaha, ang husay ng suggestion ko!
di ka ba ginagambala watsoever? ahaha, ang tsismosa ko talaga. XDDDD



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by I love the color of the sky... >w< on 2009-02-27 19:59:14 (edited 2009-02-27 20:52:46)
sa lahat: salamat po sa welcome!

@ate yance: waah! etong thread ang pinakamatagal? ang galing.. di ko po kasi masyado pansin kasi po bago lang ako..>.<
pero mukha pong close kayong lhat kaya po siguro masaya po dito..
puro po ba kayo college? ibig sabihin nun ako po pinakabata dito..:3
dun nman po sa bayani, sana ako nga po yun kaso po imposible po eh, kasi di po ako marunong maging bayani.. kaya hanggang pangarap lng po siguro na maging bayani ako..XD
nabasa nyo po pala yun.. wala lang po, naiinis lang po ako.. kasi po dahil dun, ang daming burluloy sa bahay namin.. ahaha..
salamat po~
^-^

Its too simple.., I know.. >.<

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by zparticus27 on 2009-02-28 02:19:48
"Never lie, steal, cheat or drink. But if you must lie, lie in the arms of the one you love. If you must steal,

steal away from bad company. If you must cheat, cheat death. And if you must drink, drink in the moments that take your breath away."

mukhang nagsisimula na ang pagbuhay ng STAP ah...ipagpatuloy nyo ito mga kapatid...



@marko

langya nakalimutan ko mag reply sa post mo >.<
congrats nga pala pre! kayang kaya mo yan! whahaha
nabalitaan ko rin ung pangarap mong business! astig un!

basta sa ako ang maidguy bouncer nyo ah XD whahahaha

@eri

malugos kitang binabati sa pagpasok mo sa STAP! ang STAP o shouts to all pinoys ay isang sinulid na pinagkaloob sa atin ng admin..upang makapagtalastasan tayo na gamit ang ating wikang pambansa...ngunit sa kasamaang palad eh sadyang nanghihina na ang pinakamamahal kong sinulid..at dahil binigyan ka na ng leksyon ni yance tungkol sa kaysaysayan ng STAP..siguro naman alam mo na hinahanap ko ang taong magiging tagapagligtas ng sinulid na ito..

ikaw na kaya ang taong tinutukoy ko? ang pagiging isang bayani ay isang posisyon na pinagkakaloob ng tadhana...hindi mo kailangang maging dakila o banal na tao upang maging bayani..kahit na ang mga maliliit na bagay...basta't nakakatulong sa bayan...ay sapat na upang tawagin kang isang bayani..at dahil napapadalas ang post mo dito..at mukhang
magtatagal ka sa STAP...

ERI CHAN ng Metro Manila..isa ka na sa mga bagong bayaning bubuhay ng STAP! sana'y ipagpatuloy mo ang iyong marangal na gawain..at unti-unti nating buhayin ang sinulid na ito...

ako nga pala si zpartimus prime..isang dakilang mandrigma ng bayan/narrator XD


@Basil

napapadalas ka na rin dito! MABUTI!!!!
mukhang isa ka rin sa mga taong tinadhana na bubuhay ng STAP! ipagpatuloy mo ang pagpopost at huwag mo sanang biguin ang
pag-asang nakapatong sa iyong mga balikat XD

musta naman buhay sa canda?

@Karuzo

musta pre

@mia

.....XD

@nats

mukhang di mo na mababasa ito...see you in V17 nlng XD

@ate gij

maximum the hormone? astig yan! lalo na ung akagi! di ko alam ang mga chords nyan dahil ipinagkait sa akin ang talent for the arts eh >.< pasensya at hindi kita matutulungan...speaking of akagi..panoorin mo ang anime na yan..super astig! tungkol sa majhong..sobrang angas ni akagi..cold blooded "killer"..angas ng mga diskarte at talagang sobrang astig XD

ok lang naman ulitin eh..actually nakatulong nga pero..langya ang baba ng mga grades ko ngayon compared sa dati kong grades...siguro nawawalan na ako ng gana mag aral eh..ewan ko ba..nakaka depress pag ganun..para bang syet ang bobo ko naman T.T whahahahaha

oo mahalaga ang AC 1 and 2..basics eh..talagang kailangan XD
ahhh eh henyo ka naman talaga eh..di mo lang makita sa UP kasi marami kang kapwa henyo XD whahahahah

UP manila ka pala..eh di laking RP ka nga whahah punta ka bukas ah XD

speaking of being contented..eh parang ganyan ako ngayon..pero naiinis ako dahil gusto ko man lang maka graduate..pero dahil
wala talaga akong pangarap sa mundo (kungdi mag babad sa pag lalaro ng video games) eh wala akong inspiration/needs para mag pursige sa pag aaral..para bang kuntento na ko sa buhay ko..alam ko naman na dapat hindi ako panghabang buhay umasa sa mga magulang ko pero
ewan...ayoko naman lumaking tambay lang sa bahay..gusto ko rin magkapamilya at tumulong sa society as a full fledged working Filipino
pero as of now..nagingibabaw ang pagiging katams ko whahaha

nakakinggit nga si vinar eh ang sipag whaahahaha sana may work din ako..kaso baka tulugan ko lang un whahahahaha

di pa ako bumabagsak sa college(at bihira lang ako umabsent XD)..maliban sa TAX ko last sem...bwesit kasi ang prof at di talaga ako nakapag focus ng matino sa subject na un..gusto ko sana i drop pero parng papatayin ako ng nanay ko kung nag drop ako(kung ano ano nang dahilan ang iisipin nun) kaya tinuloy ko pa rin kahit 5 ang nagaabang sa labas ng kweba T.T..

@yance

langya ka, tinawag mo pa kaming matatanda whahaha
pero tama ang pagkakadetalye mo sa stap! talagang pang reporter ang dating naks! (nakalibre ka pa ng bola sa akin XD)

grabe naman yang mga kapatid mo? bat di disiplinahin ng tatay mo? biruin mo di umuwi dahil sa internet? syet..kung kapatid ko yan eh nilumpo ko na yan eh whahahaah (ok medyo basagulero pakinggan..eh di..sinapak nlng..para mas malumanay XD)

sobrang kaadikan na yan..dapat talaga gawan ng disciplinary action yan..parang drugs na sa kanila ang internet ah

alam ko na hindi ka ang bayaning bubuhay ng stap pero isa ka sa mga bayaning tumutulong upang manatiling buhay ang stap XD(may pinagkaiba ba un?)

syempre di lang isang tao ang tinutukoy ko na maging tagapagligtas ng STAP (pwede 5 gaya ng sentai team o 12 gaya ng gransazers)
dahil marami ang mga bayani..pero para maging espesyal ang dating..dapat medyo paturo sa isang tao XD

@STAP
mukhang nag uumipisa na ang pakikipagsapalaran upang ibangon ang natutulog na sinulid na ito...unti unti nang nalalabasan ang mga makabagong miyembro na nagsisilbing mga taga buhay ng sinulid na ito...na

manatili kaya ang mga kabataang ito sa inaagnas na sinulid? bumalik kaya ang mga inaagnas na miyembro ng STAP? alam nga ba ng narrator
ang ibig sabihin ng inaagnas? alam din kaya nya ang tagalog ng narrator?

subaybayan ang susunod na kabanata dito lang sa KAMANDAG NG TADHANA STAP version!!! (ok medyo corny pero kung may maiisip kayong magandang/corny na tutulo para sa dramang ito eh feel free to tell me..wow english XD)

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-28 05:24:19
waaa sa wakas natapos ko na yung blog ko!! weeee!!
click nyo nalang yung link sa sig ko kung gusto nyong
bwisitahin ;] ok naman na yung comment settings nyan kahit
walang account pwede magcomment!

------------------------------------------

[ y a n c e ]
- hehe this summer namin balak gawin talaga ng diretso xD

[ z p a p z ]
- bakit zpapz ba tawag ko sayo? hehehe just remind me nuong
adik pako sa OL game, puro papz kasi tawag dun kaya parang
nakasanayan ko na yun narin tinawag ko sayo xD

hehehe hobbies ko lang naman talaga yan and btw nadagdagan
pa nga pala, 3D modelling pinag-aaralan ko narin ngayon ;]

ok sana hula mo kaso ndi e xD si Aisaka Taiga yan ng Toradora
pag me time ka check mo nalang yung anime ;]

[ a t e g i j ]
- kaya nga lurker mode lang ako minsan e >.<
yun kasi line na kinuha ni darky habang ako naman
e nakafocus sa mecha storyline, btw baka humingi
ako ng help sayo ha! bout sa political issues.

mukha bang itlog? pero thanks narin xD kuntento naman na ko!!




You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-28 05:55:14
woooyyy! ang tagal ko ng di ngpopost d2 ha! ngaun ko nga lang nalaman na my V^ na ang STAPS!!! bwahaha!

@basil: pilipino k?? ngaun ko lng nalaman!! wee~!

@ayu: pilipina k rn?? ngaung ko lng dn nalaman!! di ako pinagbabalat ng upo ni mummy e. hehe, la lang. xD.

@yance: yo! usta na?? :3

@lolo Z: hehe. kakatuwa nmn yaong post mo! tagalog na tagalog! xDD. and nice poem too. :)

heeehee! salamat at nakapagpost na rin uli sa staps! Welcome sa sarili ko!

waaa~
x'DDD


Photobucket

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by sharpenter27 on 2009-02-28 11:13:17



@Yance

Bitin talaga ang kwento ni Basilio. At namatay si Ibarra para lang sa wala.

Bakit ko kinamumuhian ang snow? Sobra sa lamig ang snow; maaaring maging dahilan ng pagkawala ng mga tenga, daliri, at braso! Pati nga ang mga tao dito galis sa snow.

At konti lang ang talagang pinupuntahan ko sa SM: National Bookstore, arcades at gaming hubs (PS2, hindi PC), at ang mga chibugan (dinali namin ang lahat, pati na rin yug carinderia na para sa mga empleyado, nakatago pa sa loob ng staff access!)
At parang naaalala ko yung Trinoma.

Ang edukasyon naman dito sa lugar ng mga kana-diyan eh maganda! Maraming fields of study ang makikita sa hayskul; Law, Game Design and Development, Woodworking Technology, atbp. Ang problema lang eh magulo ang sistema. Kung ipapaliwaag ko eh aabutin ako ng isang dekada.
Ang isa kong masasabi eh apat na subjects lang sa isang araw.

AB Lit? Literature ang pinagkakainteresan mo? Ayos, ngunit sa tingin ko eh pinauulanan ka ng term papers, ah. Kaya mo yan!


@Zparticus

Ach! Ang bigat naman ng dadalhin ko sa aking mga balikat!

Hindi bale. Hindi kita bibiguin, boss!

At ang buhay dito sa Canada ay... medyo pa-easy-easy pa sakin. Walang trabaho, pulos aral. Madali na't nakatapos na ko ng hayskul sa Pinas. Problemado lang tungkol sa taglamig; miminsan na rin akong muntik magka-hika dahil sa sobrang lamig.


@Stolen

Ngayon ko rin lang nalaman na Pinoy ka!

Ayos nga pala yung istilo mo ng pagsusulat. Nabasa ko dun sa Edinburg.



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-02-28 11:40:37 (edited 2009-02-28 12:10:25)
at dahil di ko mapigilan sarili ko, magrereply ako. tutal ito na ang aking huling weekend.

sa palagay ko, dumating na ang susunod na henerasyon ng STAP. sana nga lang ay magtagal sila dito at wag tamaring magpost dito di tulad ng IBA DYAN . . .

--===o0o0o0O0o0o0o==--

eri
ahaha, okay lang yan. di ko nga rin alam kung di pa sasabihin sa kin eh. XD

ahm, di ko alam eh. pero basta karamihan sa amin nasa college na o may trabaho. first year college pa lang ako, pero college pa rin. marahil nga ata'y ikaw ang pinakabata dito . . . sa ngayon. XDDDDD

hay naku. ang pagiging bayani ay depende sa pagkaunawa mo sa salitang iyan. kung ibabase natin sa kahulugan ni kuya z na binigay nya sa kanyang post, hindi malayong maging isa ka sa STAP! aba'y ang pagiging bayani ay hindi natututunan, kaya hindi mo maaaring sabihin na hindi ka marunong. higit sa lahat, hindi ito imposible! :D

ah, so ibig sabihin naniniwala sa feng shui mga magulang mo? haha, nakaranas ka na ba ng mga tradisyong intsik, tulad ng paggunita nila sa mga mahahalagang araw tulad ng kaarawan, pasko, bagong taon, o paglibing? grabe, nakakaloka ung sa mga patay. ang gastos nila . . . bili ng bili ng mga etsuserang mga bagay na susunugin din naman sa huli. XD

mahalin ang STAP. <3

kuya z
wahaha, di kaya! ang sabi ko "nakakatanda," hindi "matatanda." XDDDDD

naku, wish ko lang talaga nandito tatay ko. kaso tinataguan kami eh. walang pera ang mokong. saka kahit nandito yun wala rin syang magagawa. etsuserang palaka yun eh.

siguro akala ng kapatid ko uubra kay nanay ung ginawa nung klasmeyt nila na naglayas. lumuwag kasi ung parents nun eh, pinagbigyan lahat ng gusto. kaya hayun, rebelde ang drama ni kapatid. pero kay mommy iba ang epekto . . . lalong nagmatigas si nanay. aba'y magmatigasan sila dyan. ung kapatid ko naman ung malulugi eh. sana talaga may kumastigo sa kapatid ko para matuto.

lol, sabi nga ng kapatid ko nung sinabihan sya ni nanay na adik sa online games at porn, "sige, pa-rehab nyo na ako!" ang gago talaga. sana nga may rehabilitation center sa mga kasong ganyan, kaso malamang mahal un. ang issue kasi dito sa bahay ay ung kawalan nila ng kontrol sa paggamit ng computer. kung magkaroon sila ng kontrol, di na itatago ni nanay ung saksakan. e di buong linggo, araw-araw silang nakakapag-inernet (pati ako). di nila naisip yun, kaya bonggang-bongga talaga sila sa paggamit ng internet pag weekends, thinking that they won't have any other chance during the duration of the week to use it (aba, ingles un ah!). kaya itatago talaga ni nanay ung saksakan kung ganito ang kanilang mentalidad. ang ewan talaga nila.

alam ko na hindi ka ang bayaning bubuhay ng stap pero isa ka sa mga bayaning tumutulong upang manatiling buhay ang stap XD(may pinagkaiba ba un?)

oo naman. una sa lahat, di pa patay ang STAP kaya bakit ito bubuhayin? di ba? di ba? XDDDDDD
lol, akala ko nung una ang ilalagay mo isa akong "bayani ng bayan" . . . naalala ko kasi ung sa plurk na "pag-asa ng bayan" eh. haha, hindi naman. iskolar lang ako ng bayan . . . na mukhang walang patutunguhan ang kinabukasan. XDDDDDDDDDDDDDD

adik ka talaga . . . wahaha. hmmmmmm . . . sabagay. mas malakas ang impact pag personal ang pagpapatungkol! sana nga lang ay epektib.

di ba ang tagalog ng narrator ay "tagapagsalaysay"? di ako sure ah.

wag namang "KAMANDAG NG TADHANA STAP" . . . naaalala ko ung sa TV eh. di ako makaisip ng matino ngayon eh, hehe. next time na lang ako magsuggest ng title. basta, wag lang yan! utang na loob, hindi yan korni pakinggan . . . ang SAGWA pakinggan.

kuya ich
haha, sana nga matapos nyo na. good luck! basta ba wag nyo akong kakalimutan . . . tsos! XDDDDDDDD

congrats nga pala sa bago mong blog. hayaan mo, pag may oras ako magkokomento ako sa mga gawa mo. >:D

stolen
para naman di mo sabihing ikaw lang ang nagwelkam sa sarili mo, iwewelkam di kita. WELKAM BACK, STOLEN!!! XDDDDDDDDDDD

ako, kamusta? haha, busy. basahin mo ung previous post ko para malaman mo kung gaano ka-busy. wahahaha. post ka lang ng post ha. ^_^

basilio
oo nga eh . . . ang sad nga eh. kaso un ang sa tingin ni rizal na mas makabubuti, ang patayin ang isang tao na sa mali at masama naghanap ng solusyon sa pagganti sa mga taong umapi sa kanya at sumubok na baguhin at itama ang sistema. saka ang dami ring characters ang di nabigyan ng ending sa huli. nakakabitin ngang talaga.

wow, talaga? nakakagalis ang snow? ngayon ko lang nalaman yun ah!
oooops, mali pala. haha. pero sa pag-iingat naman maiiwasan ang mga kaso ng frost bites, na sanhi ng pagkaputol ng mga extremities sa katawan di ba? gusto ko ngang maranasan ang skiing eh. hehe, siguro kung tao lang ang snow nagrally na ang mga tao dyan. XDDDDDDDDDD

mahusay. adventure sa loob ng SM. tama yan. ako kasi national bookstore lang at jollibee. period. wahaha.

talaga? aba'y tinuturuan pala kayo dyan magkarpintero. in fairness, magandang pakinggan ang "woodworking technology."

di ah! di ako AB Lit! si nero yun (err . . . poster din sya dito sa STAP na wala nang ibang ginawa kundi ang dumaan). ni hindi nga ako sa UST nag-aaral eh.

argh, mapipilitan ako magkwento ah. hehe, ako ay isang freshie mula sa unibersidad ng pilipinas, kumukuha ng BA journalism mula sa kolehiyo ng pangmadlang komunikasyon (college of mass communication). naturingan man kaming centennial freshmen, mukha namang walang katuturan ang sinasabi nilang pagiging espesyal namin . . . maliban nga na kami ang 100th batch of freshies ng aking mahal na paaralan.

at hindi ako matalino. hindi, hindi, hindi. so don't treat me special in any way, unlike those people who do so whenever they find out where i am studying. di ako espesyal na tao. sadyang mapalad lang ako at nakapasa ako sa upcat. haha. grabe, di nga ako naglagay sa previous post ko ang kahit anong impormasyon na magtutukoy sa mga baguhang tulad mo kung saan ako nag-aaral. saka mas maraming taga-STAP ang mas matalino sa akin. pramis yan.XDDDDDDDDD

salamat na rin. tama ka, pauulanin talaga ako ng papers (kahit hindi ako AB Lit). hax, kailangan ko nang tanggapin ang kapalaran kong ito. tutal, ito naman ang buhay ng isang taong nag-aaral ng peryodismo (tagalog ng journalism): walang kamatayang PAPERS. TT_____________________________TT

mahalin ang STAP. <3

--===o0o0o0O0o0o0o==--

hay naku huli na talaga ito! hayan ah, sa sobrang pagmamahal ko sa STAP di ko natiis ang magreply. hindi ko pa nga natatapos ung paper na ginagawa ko sa kasalukuyan eh. inuna pa kita! kaya sana STAP mabuhay ka na!! o/

at ngayon ay babalik na ako sa paggawa ng paper. =.=



Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27, ... 49 Displaying 341 to 360 of 985 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0145 seconds at 2026-05-19 23:16:41