Back | Reverse |

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-12 17:11:53

yahoi~!!

have to make this short muna....

edit ko mamaya...

-----------------

Hello STAPers~!!!

tagal tagal ko na hindi nagpo-post kakatapos lang ng semi-final exmas namin...

super hirap~!!!

hehe

Kamusta naman kayo~?!

@Ate Nakakadeadz
>>yeahp...
>>echizen...
>>hindi ko pa nababasa ang manga eh...
>>alam mo ba kung saan pwede manood ng PoT championship finals?
>>yung last episode?
>>hindi ko nakita ending ng Hikaru no Go eh...
>>medyo bitin yung ending ng Slam Dunk~
>>pangit ba ending ng Eyeshield 21~?
>>hehe andaming tanong...
>>pagpasensyahan mo na ako hapz


siyangapala....

@STAPers~!!

in behalf of vinar...
well..
pinapasabi nya...

that he will be very glad if you could vote him sa
3rd season ng Gendou Idol~

hehe...busy kasi life nya ngayon eh

that's why ako yung nahingan ng favor~

^__~



\"chizen

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-12 22:11:38


ang sakit ng katawan ko lalo na kanang tenga ko >.<
pero nakapagpost pa xD iba talaga STAPS!

actually nabangga kasi ako ng scooter kagabi
at sa awa naman ng diyos e light damage lang
nakuha ko aside sa muscle pain at hiwa sa tenga
ko. Pasalamat din ako at babayaran ako nung
insurance na nakabanga sakin.. buti nalang
at mabait yung bumanga..ndi ako iniwan sa ere

-----------------------------------------------------------

[ z p a p z ]
- naka on hold yung GN-Sephiroth kasi balak ko ulit
baguhin yung design niya ;]

pero inaayos ko narin yung GN Graveyard ko ;] baka
eto magustuhan mo especially kung mahilig ka sa
mga mech na maraming weapon artilliary.

Experimental lang naman si kururu ;]
meron pa kong inaayos sa style ko dun wori ;]

[ a t e g i j ]
- tagal mo rin ndi nagparamdam a xD musta na?
genre namin? hmmm kung ndi ako nagkakamali e
highschool love story ata yung plot ni darky
siya ang iask mo bout sa detail since ang
focus ko sa manga project namin e adjustments ;]
pero lately nagprapractice narin ako ng mga
drafts para atlis makagawa ako ng sarili ko ;]





You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-13 23:55:53
AYOKO NAAA!!!!!!!!!! ang sakit na ng ulo ko sa calculus... sino marunong mag calculus d2... paturo naman... waaa...

@Ich-san: waaa... nabanga kyo... but di malubha ang mga injury nyo...

@Chizen: eto redy na magpakamatay dahil sa calculus kong pang mass genocide sa hirap...

@Z: bloodseker.. agi n cya matagal na... str items nga lng usual build sakanya dahil konti buhay nya...


@STAP: woi feb 14 na... sa mga me date o sa mga wala isa lng masasabi ko...

HAPPY VALENTINES SA INYONG LAHAT!


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-02-14 06:25:13 (edited 2009-02-14 22:05:00)
after twenimilyen years, ang STAP wala pa rin.

*sigh*

sana naman magpost na ang mga tao rito . . . :((

HAPPY VALENTINES~! <3

--===o0o0o0O0o0o0o==--

kuya ich
wow. sinabi nya? eh kasi humingi sya ng tulong sa akin eh. alam ko namang ikaw may pakana nun eh . . . sabi ko kasi di ko sya tutulungan kung di ko alam ung buong kwento kung bakit nya ginagawa yun. saka ayos lang naman kasi sa akin dahil sanay na akong mag-edit at proofread ng mga ganun.

sana habaan mo pasensya mo kasi ang tagal nya gawin. ang dami rin kasi nyang ginagawa eh. baka sa summer pa nya mabigyan un ng focus. good luck talaga sa amin. wahaha.

wow, kuya ich. IDOL! grabe ka. pero buti naman at walang masyadong nangyari sa iyo at di ka na-hit and run. okay ka na ba? ingat ka na lang sa susunod.

kuya z
oo nga eh . . . buti na lang buhay pa rin dsl namin. grabe nga eh, kasi tinago ni mommy ung saksakan ng ilang araw. ung isa kong kapatid, halos di na umuwi. sinasagot-sagot si mommy pag nandito sa bahay. bastusan talaga eh. nakain na sya sng adiksyon ng computer . . .

papapalitan ko ung password ng dsl para di na sila makapag-net kahit nakasaksak. wahaha, may basbas ni nanay! kaya good luck na lang sa kanila pag nangyari yun. di kasi umuubra ung "time limitation." madalas kasi nag-o-overtime sila. aalis lang sila kapag kakain o matutulog.

oo nga. sana mag-summer vacation na. para humaba na ulit tulog ko. XD

di ka nag-iisa. umiigsi na rin mga post ko eh.

kaw ha . . . palusot ka pa kay phantom. dapat kasi dineretso mo na! sabagay din, kung di sya nakakaintindi ng tagalog ung first line mo lang ma-gegets nya. haha. kasi sa totoo lang gustong-gusto ko syang i-report nang ma-ban dahil sa pi-nost nya. too bad pinigilan ako ng mga anghel at sinaihan akong i-correct na lang ang grammar nya (shame on him who uses english being an american, but is a failure in doing so). XDDD

kuya xero
solid talaga. nung tinago nga ni nanay ung saksakan nagta-tantrums ung isa eh. magrebelde ba naman? nagbantang lumayas tapos nagdadabog tapos sinasagot si nanay.

so far di pa naman nawawala. may plano na kasi para di na sila makapag-net . . . papalitan na namin ung password at di nila pedeng malaman.

saka dalawa sila. kambal na lalaki. silang dalawa lang ang nagbibigayan.

sensya na. gusto man kitang tulungan, wala naman akong alam sa math.

mia
ay, oo. kawindang ever ung mga AEIO propositions na yan. pero ang astig pa rin. ung lesson nga namin ngayon di ko maintindihan eh. haha. pero mukha ngang wala kaming fallacies . . . to think na yun lang naman talaga ang habol ko.

oo. yun yata ung first beat assignment namin eh . . . gagawa kami ng balita mula sa mga nakasulat sa police blotter. hehe, adventure yun. XD

ewan ko rin. gusto ko talagang mag-intsik at hapon. siguro kasi gusto nilang mangyari ay sa pilipinas kami magtrabaho . . . mahalagang aspeto kasi ng mga journalists ang pagiging "makabayan." well, yun ung sa tingin ko. saka di naman daw magagamit, considering na english at tagalog ang primary languages dito sa pinas.

balita ko kaunti maliit lang ung org room ah . . . may kahati pa nga raw na ibang org eh. pero para dun sa tumatambay, kitang-kita ang kanilang loyalty sa org. sabi ni darky malapit na ma-dissolve ung tomasino otaku . . . grabe, required ang mga orgs na mag-community service? kamusta naman yun di ba.

wow . . . any experiences ng mga tsorbang eklat na mga espiritong yan? lol, e di binatukan ka nila. haha. nag-effort kang buksan tapos "no comment" lang sasabihin mo? ahahay, mahusay yan! XDDDD

basil
tama ba ung name? haha. di kasi ako marunong magbasa eh.
hi! welkam sa STAP! ako nga pala si yance . . . XD

dati, ang STAP ang isa sa pinaka-aktibong thread sa others section. kaya nga umabot ito ng 16 versions eh. kaso, nitong mga huling buwan, unti-unti nang nawawalan ng buhay ang pinakamamahal na thread na ito. simula kasi nung grumaduate ang mga ka-batch ko rito sa high school (then the most active posters of this thread) at pinasok ang sadyang abalang mundo ng kolehiyo, di na sila muling nag-post at unti-unti nang humina ang dating ng replies.

so ang mga natira rito ay ung mga beterano (lol, baka sakalin nila ako) ay mga college students din na napamahal sa thread na ito kaya hanggang ngayon ay naglalaan pa rin sila ng oras para lang makapag-post dito. di ako kasama sa mga beteranong yan, last year lang naman kasi ako nakasali dito eh. XDDD

pero sana mag-post ka rin at kausapin ang mga tao rito. mabait naman kami eh. baka ikaw na ang kasagutan sa naghihikahos na buhay ng STAP.



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by craving for moar on 2009-02-14 22:04:09
WOW...

Such emptiness...


@yance

Elow...

Ako!? Sasabihan mo 'ko na umayos!? AYAW KOH~! (belat... XP). At mas lalong ayoko magpahalik dyan sa taong 'yan! (yak!) Piliin ko na lang purgatoryo kesa sa kanya...

Sa kasamaang palad, hanggang daan-daan na lang ang magagawa ko in the meantime. Sa tambak ng mga pinapagawa sa 'min ng mga dakila naming mga propesor eh 'di na 'ko nakakapag-post. Call it poor time management, or whatever you want to call it...

Waw. Grabeh na 'yang mga kapatid mo ah. Lulong na lulong na sa computer. Bakit 'di mo i-try na ipa-rehab sila? >:D


Naku-curious din ako dito sa "IT" na 'to ah. Sino ba 'tong taong 'to? At sino ba 'tong nakikita mong parang katulad ng taong 'to? O_o? (ang wird...)


@zparticus

Haaayz...grabeh talaga buhay. Dalawa na bagsak kong subjects this prelims. Tambak kami ng projects ngayon. Samahan mo pa ng paulit-ulit na bisita sa operating room dahil sa pasaway na sakit ko... (yeh... -_- lml)

Ikaw, 'musta na?

_________________

"The birth of one world. The death of another"


Grabeh, unti-unti nang nawawalan ng tao ang StaPs. Nakakapanibago ang katahimikan sa thread na 'to...

Parang ganito na nga ang nangyayari ngayon, since halos lahat eh lumilipat na sa ibang mga sites...


...


Wala lang...


What if I jump out
of this speeding jeepney?
Fly without wings
Reach for the grey-painted heaven
And out into the sea of infinity?



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-15 06:30:47
*runs toward to every single person that I know here in stap and draws weird images at their faces*

Hi Yah guys!!!

version 16 na O_O
ahahahahha

very outdated indeed


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-16 03:04:07

[ x e r o ]
- buti nga e >< sa awa ng Diyos at nakaligtas

[ y a n c e ]
- /rofl pakana ko daw xD hehehe nakita ko kasi
gawa ni darky e mukhang interesting kaya yun
nakisali ako although ako talaga nagpakana nuon
sa CG Club?! pero ndi ko naman alam na hanggang
ngayon e itutuloy nya yun xD

dun wori medyo busy rin naman kasi ako e kaya ok
lang xD

ayus ba? hehehe ok naman na ko ngayon at buti nalang
e light injuries lang nakuha ko ;] ingat na nga ako
e.

------------------------------------------------------------

patay na ba ang STAP?





You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by lei8iel on 2009-02-18 22:47:06
@gij
siraulo ka rin XD hehehe...
uu binabasa ko na ung 'blue rose' on going sya ngayon.. kakalabas lang ng 17th chapter.. kaso hindi maganda ung scan..
available sya sa mangafox ito title "Ai wo Utau Yori Ore ni Oborero!" nasa list sya ng most popular manga ng mangafox...
sa ngaun mga gender-bender genre na manga binabasa ko... "Family Compo", "Nightmare after school" at "Ai wo Utau Yori Ore ni Oborero!" yung mga inaabangan ko ngaun maliban syempre sa VK, Nana, at Bokura ga ita

dies mono dies

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by jivan on 2009-02-18 23:10:06
Hi there fellow anime fans! I'm jivan po.

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Marcosius Lucifer III on 2009-02-18 23:13:18
musta kau guys?
hellow pipol of god... I'll soon be... graduating... wish m luck hehehe!

nakidaan lng

Marko's Friendster Portal

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by lei8iel on 2009-02-19 05:44:21 (edited 2009-02-20 04:28:45)
@marko
nice.. congratulations in advance!
sabi nga nila... welcome to the world of the unemployed..
goodluck! sa graduation and sa paghahanap ng work..

or tutuloy mo ung business mo?
nabanggit ko un kina koga... and they're trilled about it..

dies mono dies

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by karuzo on 2009-02-19 06:15:38
hello people

yah silence masyaod ang thread ngayon... unlike in the past

but again past is past....

musta na

-->

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-20 18:54:11
wahh m uka talagang naadik ang mga tao sa stap sa plurk...

@marko: yun oh nagparamdam.. hahahah congrats in advance pre...

@stap: himmm busy ba o talagang wala na nakkaalal sa thread n to.. oi mga people buhayin na ang stap


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-02-21 08:11:54


hehehe share ko lang latest CG ko ;]

---------------------------------------

mukhang wala na atang tao dito a...



You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-02-21 09:25:13
hi.

STAP.

MABUHAY KA NA.

SIGE NA.

--===o0o0o0O0o0o0o==--

nero
wag ka namang ganyan . . . he's too girl looking to kiss you! XDDDDD

ako ba? di tambak ang ginagawa? gusto mo ba sabihin ko pa dito ang lahat ng kailangan kong gawin? di lang naman ikaw ang tambak ang gawain. kapag may pagmamahal at dedikasyon sa isang bagay, magagawan at magagawan ito ng paraan upang madalas itong mabigyan ng atensyon. parang CAT lang yan, tsong!

ayaw magpa-rehab eh. saka ala naman atang rehab sa mga adik sa computer. at haler, magastos yun!

hehehe . . . gumagana ang tsismoso senses natin ah . . . . :D
secret~! XP

ich
di raw o . . .
anong gawa nya?

hehe, gusto naman kasi talaga ni darky ung idea eh . . . kaya pursigido syang ituloy yun. basta . . . hintayin mo na lang kung kailan namin nya magagawa yun. XD

naku, umaasa na lang ako. sana nga di pa patay ang STAP.

jivan
hi jivan! :D
ako si yance.

hay, ang thread na ito ay dating masaya at buhay na buhay . . . pero ngayon unti-unti nang naglalaho. pero wag mawalan ng pag-asa; isa ka sa pag-asa namin dito! pasensya na talaga kung ang bagal ng thread na ito ngayon . . . sadyang busy lang ang mga tao dito. grabe, two weeks na di pa rin nadadagdagan ng page, eh dati naman isang araw lang (weekend) halos limang pages na ang lumilipas.

post ka lang ng post ha. mabait naman kami dito eh.

muli, welkam dito sa STAP! XD
aba, bago ka rin lang pala dito sa gendou! hehe, welkam sa site na ito. enjoy mo lang ang pagpost sa iba't ibang threads. XDDDD

kuya marko
wow, talaga?! congrats!! XD
lol . . . nakidaan lang? sinong kasama mo?

ate lei
lol naman nung "welkam to the world of the unemployed"
haha, naalala ko tuloy na gusto kong magtrabaho. XDDDDD

km revolution
grabe naman . . . wag mo sabihing past is past! darating din ang panahon na mabubuhay itong thread na ito. parang economics lang. may prosperity, recession, depression, saka ano ung isa? ah, recovery. cycle lang yan. ngayon, nasa depression stage ang STAP. darating din ang recovery stage . . . malay natin sa summer? XDDDD

xero
grabe ka naman . . . di naman naadik. ako hindi (may plurk account ako). may "karma" kasi sa plurk eh, sabihin natin na parang maintaining grade yun. saka may pagka-y!m yun (as in slight lang). kasi ang pag-post dito sa STAP ay sadyang time consuming . . . ako nga inaabot ng ilang oras sa pag-post eh. kaya siguro mas tinangkilik ng iba ung plurk.



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by zzmilfeullezz on 2009-02-21 10:05:58
ahm. hello po. stapers? em i ayt? hehe.. >.<
new po ko dto.
neun ko lng po nlaman n mei pinoy pla dto though n alam ko naman tlaga n meun pinoy dto. un nga lng d ko lam kung xn mkkta s forums..
xe purpose ko lng dto ay download ng musics and wats d latest bout animes..

just wanna ask lng po..
em i welcome hir po?

domo to ol. ^-^
oyasumi nasai evryone.. =.=

zhhhhh

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-02-21 11:54:54
@zzmilfeullezz
of course!!
hello. ako nga pala si yance.
haha, at dahil tinatamad na ako, refer to my reply to jivan (previous post) and basil (ung post before my previous post).

welkam dito sa STAP!! XDDDD


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by zzmilfeullezz on 2009-02-21 22:21:18
thnx po s pgwelkam ate yance.
zhi n lng po twg neo skn..

hm. nga pla. introduce ko muna sarili ko.
em rienzie 'zhi' twg po xkn. em 18. from qc.

pde po makahinge info bout xeneo po? =]

thnx po ult. >.<

zhhhhh

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by sharpenter27 on 2009-02-22 11:29:08
@yance.

Ah, salamat sa pag-bati. Nakatulong din yun konting kasaysayan ng STAP.

Sa tingin ko tama lang na magbigay ako ng isang maigsing self-introduction.

Basil nga ang nakasulat sa avatar ko, pero dahil Tagalog dito, gawin na lang nating Basilio (paborito ko siya sa "Noli me Tangere" at "El Filibusterismo").

Disi-otso na ako, proud to be Caviteno. Lumipat ako sa Canada noong ika-14 ng Disiembre, 2007, at isang taon mahigit pa lang ako dito, gusto ko nang umuwi. Walang SM dito, at walang mall dito na tatalo sa SM, lalo na sa MOA. Hehehe!

Nakatapos na ko ng isang sem sa STI, pero ibinalik ako sa high school dito. Grade 12 kasi ang pinakahuling taon ng high school dito, kaya ang designated na educational backgroundt ko e Grade 11, second sem.

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by zparticus27 on 2009-02-22 11:39:54
patay na nga ba talaga ang STAP?

isa lang masasabi ko...

HUWAG KANG AAYAW! THINK POSITIVE XD


@berseker777
nagpopost ka sa STAP dati diba..James ata XD
welcome back! ikaw na kaya ang bayaning susulong at bubuhay sa stap? XD

@aerille
nakalimutan ko na talaga spelling ng name mo XD
welcome back! mukhang napaaga ang pagbati mo kay mia ah XD
di na kita tatanungin kung ikaw ang bayaning bubuhay ng STAP dahil malamang
di mo naman mababasa ito XD

@Ukissa
binoto ko sya...kaso talo wahahahaha

@ate gij
ako! nanonood ako ng HYAKKO! naloko ka dahil tapos na ang Hyakko!
last dec ata natapos ang palabas..13 eps all in all...cliche' ang palabas
pero astig dahil memorable at interesting ang mga characters nya (ok not that memorable pero kwela pa rin XD)

ahh si ICH ZPAPS ang tawag sa akin..ewan ko kung bakit (bakit nga ba ich?whahah)

wahaha oo nga kulang ng "ate" aura si lei eh whahaha
naku nararanasan ko yan ngayon..transferee kasi ako sa UE at pinaulit nila ang mga major subject ko kaya balik accounting 1 and 2 ako (ok lang kasi nakalimutan ko na lahat nung huminto ako ng isang sem whahaha) kaya eto, puro first year ang naging kasabay ko sa major subjects ko >.< kilala ako bilang si kuya tangkad whahahah

tama prof mo..pang bookkeeping lang ang AC 1 at basic financial statements...pero ipag patuloy mo na yan 'te, eh kayang kaya mong ipasa ang accounting dahil henyo ka! (ako nga namimiligro na XD) henyong henyo pala dating mo sa PSBA XD

di ko alam kung saan mapapanood ung DMC na live action..pero ung anime eh sa watch-anime.org click mo naman..nagpaka hirap pa akong mag lagay ng tags para dyan whahaha

nationals? may DVD collection na rin un..di lang ako sure kung complete...

chat? wala na rin masyadong pinoy sa chat eh.pakiramdam ko nga dead na ang gendou whahaah si vinar naka kuha na ng work? si kogz? dota parin un whahaha
karamihan kasi sa mga tao dito ay college student na kaya sobrang busy eh. sana
magbalik sila..sya nga pala may con sa march 1 TAGCOM sa robinsons manila! punta ka! XD

syempre hindi si ate gij ang kausap ko kung maiksi ang post! whahaha
at syempre di rin ako magsasawa mag basa nito XD keep on posting ate! sana ikaw
ang magbilang bayani at pumukaw sa mga damdamin ng mga tao upang bumalik sa STAP XD

@BASIL
maligayang pagdating sa patay na sinulid ng STAP!
ito ang tanging thread na kung saan tayo ay binigyan ng pagkakataong mag usap sa wikang Pilipino at makipagtalastasan sa ating kapwa kababayan..ngunit sa kasamaang palad ay unti unti nang namamatay ang sinulid na ito...ikaw na kaya ang taong bubuhay at magpapasigla sa STAP?

@chizen
binoto ko na..sayang at talo >.<
o busy na si mokong dahil nagtratrabaho na..astig XD

@ich
dami mong projects pre! tapos hobby pa lang yan at may
work ka pa!astig! oo naman mahilig ako sa maraming armas
na robot! aabangan ko yan!

btw ganda ng drawing ah! minamike? bunsong kapatid yan dba?

@xero
agi na pla sya no..last time nagamit ko yan eh STR ata sya eh >.<
dude anong magandang items para kay huskar at kay troll warlord?

nakakaaliw kasi ang plurk...kahit mababaw eh marami kang pwedeng replyan
at instant pa ang replies..gaya ng sabi ni yance eh time consumming ang pag
post di gaya ng instant access ng plurk na mala chat ang dating...chat na nga ang sumira sa forums tapos ang mala chat plurk din kaya ang sisira sa STAP?

@Yance
belated happy birthday!
wala ngang bumati sa iyo dito kaya ako nlng whahahah

sus mabait pla mommy mo...di pwede sa nanay ko yan..di pwedeng matapos ang
araw na hindi dumudugo ang labi mo pag sumagot ka sa kanya ng todo-todo XD

sayang at di na tuloy ang plano mo...dapat talagang turuan ng leksyon ang mga
utol mo...alam kong nakakaadik ang PC pero kailangan din nilang magpagamit sa ibang tao...okay medyo sakim din ako sa PC pero at least pinapagamit ko pa mga utol ko...akin lang eh wag naman sobra sobra na magdamagan ka sa PC dba

umiigsi na nga post ko pero dahil kay ate gij eh mukhang sumisigla na ulit ito!
kaya sige pa at post ka lang para humaba rin ang post ko (nagsalita ang taong nagdadalawang isip kung mag popost sa gendou o hindi XD)

@nero
sus prelims lang yan..ako nga bagsak sa TAXATION eh (parang proud pa eh noh..palibhasa di pa alam ng nanay ko whahaha) bawi ka nlng sa midterm at finals! operating room? ano ba sakit mo pre? care to share? ingat dude XD

@snowe
welcome back

@jivan
welcome sa STAP! gaya ng sabi ko kay basil
ito ang tanging thread na kung saan tayo ay binigyan ng pagkakataong mag usap sa wikang Pilipino at makipagtalastasan sa ating kapwa kababayan..ngunit sa kasamaang palad ay unti unti nang namamatay ang sinulid na ito...ikaw na kaya ang taong bubuhay at magpapasigla sa STAP?

jivan? nanonood kaba ng kido keiji Jiban sa channel 5? XD

@zhi
eto nlng gagamitin ko kasi haba ng name mo...teka katunog pala ng palayaw ko noh...ako kasi si zparticus kilala rin sa tawag na Z o kuya Z XD (as in Zi hindi Zay XD)

welcome sa STAP XD gaya ng sabi ko kay basil at jivan

ito ang tanging thread na kung saan tayo ay binigyan ng pagkakataong mag usap sa wikang Pilipino at makipagtalastasan sa ating kapwa kababayan..ngunit sa kasamaang palad ay unti unti nang namamatay ang sinulid na ito...ikaw na kaya ang bagong bayani na bubuhay at magpapasigla sa STAP?

syempre welcome na welcome ka dito! wlang isnaban sa STAP! lahat ng mga tao dito eh mababait at magagalang! (oi nabasa nyo yan ah! sabi ko magagalang kayo at mababait!panindigan nyo naman nang hindi ako mapahiya kay zhi XD)

basta post ka lang dito palagi at mag tulungan tayo sa pagbuhay sa pinakamamahal kong sinulid sa gendou!

@STAP
sino kaya ang bayaning magliligtas sa sinulid na ito? gaya ng sabi ng prof ko eh ang mga bayani ay lumalabas sa tawag ng panahon (call of the times) na kung saan ang isang tao o groupo ng mga tao ay tatayo at ipaglalaban ang kanyang prinsipyo at pinangangahalagahan ang kapakanan ng taong bayan kaysa sa kanyang pansariling katayuan...sino kaya ang bayaning tinutukoy ko? ako?(hindi pwede narrator ako eh XD) ikaw? siya? si Jose? si Pepe? ung sarangola ni pepe? kung sino ka man, pakiusap, MAGPAKITA KA NA! tulungan mo ang naghihingalo at naghihinagpis na sinulid na ito! (at nang matapos ko na ang trabaho ko bilang narrator!) samahan mo akong wakasan ang kwento ng paghihirap ng STAP at nang masimulan ko ang panibagong yugto ng sinulid na ito (V17!)

HANDA KA NA BA? XD

Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, 23, 24, 25, 26, ... 49 Displaying 321 to 340 of 985 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0138 seconds at 2026-05-19 21:41:00