Back | Reverse |

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-01-12 09:12:54
hi . . . napadaan lang para sandaling makalimot. haggardness~

wahaha, sa mga naka-chat ko nung isang araw, alam nyo bang hindi pa tapos ung paper na ginagawa ko hanggang ngayon? at kamusta naman, mamaya na ang pasahan. XDDDD

grabe, puro TV na lang at thailand ang nasa utak ko ngayon . . . *sabaw*

sige, magse-share ako.

against pala ung mga buddhist priests sa printing sa thailand noong unang panahon . . . kasi raw mahal. mas gugustuhin pa nilang isulat nila sa mga dahon ang mga scriptures nila. tutal naman kasi sila lang ang magbabasa.

they regard the head as very high, and the feet very low. kaya wag na wag hahawakan ang kanilang mga ulo at wag na wag gawing panturo ang paa.

alam nyo ba na kaya tayo naaakit sa telebisyon ay dahil meron tayong instinctive sensitivity to movement and sudden changes in vision or sound. madaling maiiwasan ang tukso ng panonood sa unang 3 segundo, at kapag humigit na ito sa 15 segundo, asahan mong unti-unti ka nang mahahatak ng kapangyarihan nito.

naapektuhan tayo hindi ng mga palabas ng tv kundi sa mismong presensya nito, at depende rin sa nanonood kung ano ang maaaring maging epekto sa kanya ng panonood ng telebisyon. at maaari ring maging dahilan ito ng autism.

wow. for a change hindi ingles ang tina-type ko.

sige. sa susunod na lang replies. :D


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by lei8iel on 2009-01-12 21:06:54
@darky
nakita ko na ung scrapped page mo...
uu nga wordy...
hmm try mo nalang na dagdagan ung panels fill it with backgrounds or different perspective nung character...
gumawa din ako(kami) dati ng manga... hehe wordy rin ung kinalabasan nun ahahaha

dies mono dies

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-13 02:09:28

[ d a r k y ]
- wow ang cute!! si Orihara ata yan e
kung ndi ako nagkakamali...

si Misaki Yamamoto lang talaga ang mahal
ko sa Hatsukoi limited xD

---------------------------------

padaan lang ulit xD




You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Immortal on 2009-01-14 02:48:12


~
grabeh~! anlamig dito sa net lab desu~!

@Lei...
medyo corny nga pero nandun pa din yung gore factor nya desu~! mihihihihi~! *grins*

isa din sa mga pangarap ko yang tablet pero mas gusto ko talagang magkaroon ng DSLR desu~!!!

@Darky...
yay~! thanks sa info desu~! kaya lang anlau pala nila desu~. try ko na ding tumingin if ever na dumaan ako malapit sa SM North de arimasu~. ^^

nice tablet paintz desu~! like ko yung mga gals na may mga nice bangs desu~! XD

si Orihara ng Hatsukoi Limited!!! cute lahat ng characters pero kagaya ni Ich e si Misaki ang gusto ko desu~! weeee~!

@Ich...
yep...Kururu ang like ko ngayon (in real life!) desu~! mihihihihi~! ^^

sa tatlong babaeng nali-link kay Ikki e si Kururu ang pinakamaganda desu~! cute pa ng hairstyle nya de arimasu~! ^^

madami akong pics ni Kururu kaya lang mga manga scans lang sya desu~. upload ko na lang mamaya yung pic desu~. nagve-vector din ako ngayon ng Air Gear characters de arimasu~. si Kilik ang vine-vector ko ngayon desu~!

sexy naman ng pose ng GN Archer desu~! XD

@Chizen...
wah~! bat kuya tatawag mo sakin desu~? di pa ako ganun katanda de arimasu~! XD

fave ko ang web design at CCS kasi pwede akong gumawa ng mga fancy anime layuts desu~. nakakatuwa pag nakakagawa ka ng sarili mong layouts desu~. ^^

masaya talaga ang mga anime conventions...lalo na kung part ka nung convention desu~! XD

@Rin...
yah~! ayan ang nangyayari pag biglang na-focus ang attention ko sa isang bagay desu~! XD

@Mia...
a positive attitude desu~! I salute you for that desu~! ika nga e whatever happens, life must go on desu~! ^^

@Yance...
huwaw~! namigay ng lollipop ang prof nyo desu~! baka naman b-day nya kaya ganun desu~! hihi~!

anime talk pala kayo nung thursday desu~! alam mo ba na may pinatugtog na anime song sa radyo dito sa pinas de arimasu~? di ko lang maalala kung kelan at ano yung anime na pinatugtog desu~.

anu ba yung PE nyo desu~?

mihihihi~! pati ba naman sulat na nakaipit sa libro e hindi nakatakas sayo desu~! XD

dami mo palang ginagawa ngayon desu~! sana madatnan ka pang buhay ng mga kasama mo pagkatapos mong gawin yang mga report mo sa school desu~! XD

mahirap ata kung 2 orgs ang sasalihan mo desu~. kailangan mong i-maintain yung pagiging active member mo sa both orgs desu~.

mas "bakla" yung post ko desu~? (T_T) mukhang cute lang yung style ng post ko pero hindi ako baklush de arimasu~. tsaka nakita mo naman ako ng personal nung ame diba desu~? like ko lang talaga ang mga cute stuffs (and gals ^^)

manly ka pala desu~! isa kang tsundere-type na gal desu~!

barbecue diet kasi yun ang pinakamurang ulam sa karinderiang tinatawag namin na "mura na, marumi pa!" tumigil na muna ako pansamantala sa kaka-barbecue kasi may iba na akong foodz na binibili desu~! gah~! its all for mii hobby~!

yoko gayahin si Don Juan desu~! baka sabihin ng mga tao na may emo na naglalaslas sa jeep desu~! XD

TOTAL FAIL sya desu~! siguro pag pinost ko yung pic nya sa failblog e baka magkaroon sya ng 100000000 votes sa pagiging failure desu~! minsan nga gusto ko syang tanungin tungkol sa mga sinasabi nya desu~! gusto kong makita kung totoo talaga yung mga sinasabi nya desu~.

hihilahin mo yung buhok ko desu~? e naka-wig ako nung herocon ah~! XD pano kaya kung biglang mag-drama yun sa gitna ng maraming tao anu? grabeh~! hahahaha~! ganun ka ba mag-iba ng anyo para di ka makilala ng ibang tao desu~? you has talent desu~! XD

@Kino...
yep...back to school ang lola natin ngayon desu~. XD

@Zips...
amf~! nagrereply ako sa post mo e pareho naman tayong nasa net lab at nasa likod pa kita desu~! XD

waaaahhh~! sino yung tinutukoy mo na hindi mabait desu~? XD

fenk power ako ngayon desu~! kaw din dapat mag-diet na para magkasya ka dun sa Gurren-Lagann desu~! ^^

syempre alam mo na kung sino yung "pinag-uusapan" namin desu~! kilala naman sya dito eh~! XD





Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-14 04:24:23

[ k o g z ]
- kogz penge pics ni kururu!! >.< hehehe kilik ka pala ha ;]
btw astig yung isang kasama nila sora na mukhang scorpion xD
nasa Sky Link part na ko ndi ko maalala yung name niya pero
an porma!!

btw kung pede paki PM nalang siya para ndi magflood ng pic d2 ;]
thanks!!

-------------------------------------------------------------

grabeh alang nagpost ngayon a -.-





You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-14 08:00:51
@DARKY: uu, sobrang busy ko talaga ngayon.. hay layf..

@Z: uu nga eh, namiss ko mga tao dito.. sana maluwag na sched ko..


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-15 04:39:12

[ d a r k y ]
- eto nga pala yung draft ko gamit yung SAI xD
the best talaga!!


50% view lang yan kaya maliit xD

--------------------------------------------------------

wow heavy tahimik ang STAP





You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-01-15 05:24:16
hmmm . . . i'm so bothered and confused. oh well . . .

after 50 golden years, nakapagpost din. bad trip. ang haba ng pila sa lib kanina. dun sana ako mag-iinternet eh.

yehey! may bagong bible na ako! la lang.

two weeks of nosebleed . . . may isa pa. sana di naman ako maubusan ng dugo. TT.TT

--===o0o0o0O0o0o0o==--

kuya z
grabe ka naman . . . lagi ko kayang sinasabi un. eh sa bongga eh . . .

sus naman. di mo nga kami pinipilit, pero may implications ka dahil sa mga devices na ginagamit para mag-post ang mga tao. haha, mahusay yan.

nakanaman. un naman talaga kasi ang dapat eh. ang pagmamahal sa STAP. saka in fairness kaya, kung ikukumpara mo ung mga post na ginawa ko nung high school saka ngayon, mas aktibo ako ngayon. XD

haha. ako rin kaya. kaso lang kasi, kailangan pag magpo-post ako may nakalaang 2 oras . . . ganun ako katagal magreply. madalas akong mag-lurk pag online, pero dahil sandali lang un o di naman kaya ay may ginagawa ako di ako makapagpost.

hay, ito pa ang mas maganda pa. binabasa ko ung yahoo horoscopes . . . ung mga nagdaan na araw para malaman kung nagkatotoo, ung ngayon para kamustahin ang kapalaran ko, at ung sa mga susunod na araw dahil curious ako. pero after 5 minutes, makakalimutan ko rin naman. ang useless di ba? pero nakaka-aliw kasing magbasa eh.

lolz ka . . . malay ko. parang may ulirat na ako sa mundo nung 1993. pero magandang ideya un ah! haha, gawan ko kaya ng reply ung letter . . . wahaha, 15 years later! nasa akin pa nga ung libro eh.aba'y kung wala kang magawa, gawin mo rin un! malay mo ung future someone mo pala ung makakita nun. joke. XD

"find the clues" -----------> parang blue's clues lang ah.

ako nga rin eh, nung first week. ayoko pang pumasok. ngayon iba na ang paulit-ulit na linya sa utak ko, and i quote it from someone na sinasabi ito every sem . . .

"ayoko nang mabuhay. sana matapos na itong sem na ito." striked not included.

ang dami kong ginagawa, pero keribels naman eh. un nga lang baka sa pagtatapos ng sem na ito, nadukut na ako ng mga terorista at nasa mindanao na. dalawa kasi ang term paper na gagawin ko eh. XD

sabagay, papers and reportsa naman talaga ang buhay ko eh. dapat na akong masanay.

kuya ich
awww . . . ok lang yan. ganyan din naman ang normal kong tulog eh. di ka nag-iisa!

grabe, ang lamig ngayon dito sa pinas! lalo na sa gabi. kailangan may suot akong jacket pag pumapasok ng school. minsan pa nga nagshi-shiver ako (lalo na kanina nung nagrereport ako . . . buti na lang di ako nag-stutter. kamusta naman kasi ang aircon di ba? >.<) dahil sa sobrang lamig. kahit may sinag ng araw, malamig pa rin ang hangin. haiz. kakaiba na talaga ung panahon ngayon. tas nalaman ko pang mas malamig pagdating ng february. TT.TT

kuya kogz
malamig kaya ang panahon lately . . . di nga ako makalayas ng bahay na walang dalang jacket eh.

hinde ano . . . galante lang talaga sya. take note: galing pang ibang bansa ung lollipop nya! kaya nga sya ang kinuha kong prof eh, kasi ayon dun sa peyups forums namimigay sya sa mga estudyante nya. saka ang gusto nya may nginunguya kaming bubblegum pag nagkaklase sya. XD

"nyo" ka dyan . . . excuse me, isa lang ako noh! ung PE ko? UNG PE KO?! GUSTO KO NANG I-DROP PE KO! LETSENG BUHAY ITO, NAGSISISI AKO KUNG BAKIT UN ANG PE KO! BAGSAK NA NGA AKO SA MIDTERMS, DI KO PA MAGETS ANG CHOREO!!! AMPOTEK NAMAN!!! street dance PE ko, ang pinaka-in demand na PE sa sangkalupaan ng UP.

syempre! walang nakakatakas sa aking mga matatalim (at malalabong) mga mata. :D

di pa tapos ung report ko . . . meron pa next week. tas may speech pa ako. nosebleed to da max! kailangan kasi ingles eh. by end of the sem baka maglaho na ako ng tuluyan . . . 2 term paper gagawin ko eh. but uhuhuhu . . . katiting na patikim pa lang ito ng buhay ko. TT.TT

oo nga eh, pero ideally 2 ang kadalasang sinasalihan ng mga tao rito eh. ung iba nga 4 hanggang 5 eh (ayaw nilang maging busy 0.o). di na ako sasali ng ibang org . . . for now. tinatamad ako eh.

di ko namang sinabing bakla ka eh . . .ung POST mo ang gay. look o, it's feink; therefore, it's gay. anything that is too girly-loud or too pink or too colorful is gay. wahahaha, at least gal pa rin tingin mo sa akin! mainam yan. pag nagkita tayo next time, alamin mo kung paano ako naging "bakla" kahit HINDI AKO BAKLA.

lolz~ mura na, marumi pa. XD ayos ito ah . . . perfect description sa lahat ng pagkain sa school ko (kahit ung mga canteen/cafeteria food ng mga colleges), although mahal ung iilan! ung mga kainan lang sa shopping center ang malinis eh.

edi make it a little more "creative." kain ka ng sili habang nakasakay sa jeep o magsuot ng bawang na kwintas para di makatulog. XD

e di ung wig mo hihilain ko . . . tulad nung ginawa ko nung AME fair.

i do not want to talk about that stupid *tootrantotoot* anymore . . . and you cannot expect any honest answer from IT. besides, IT doesn't even know what IT's talking about and IT thinks that they're true. so it makes no sense at all. >.<
(omg, bakit ingles itei? O.O)

lam mo ba, nung app ako lagi akong naka-ponytail saka nakasalamin pag tumatambay (hanggang ngayon naman eh). nung minsan na tumambay ako na walang salamin, di nila ako masyado nakilala. nung nakalugay ako na walang salamin (madalas sa mga araw na isa lang klase ko saka nung namamalimos lang ako sa ate ko ng leave-on hair conditioner), hindi na talaga nila ako nakilala! pero nung fair naman kasi nakita nyo akong nakalugay saka walang salamin eh, so malamang makikilala nyo ako. para naman dun sa mga classmate ko sa mga first class ko lalo na nung first sem, di nila alam na nagsasalamin ako kaya di nila ako nakilala nung minsan akong pumasok na nakasalamin. XD
--===o0o0o0O0o0o0o==--

HELLO . . .
HELLO . . .
HELLO . . .
HELLO . . .
HELLO . . .

aba, nag-echo. tao po?



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-15 06:50:28
@YANCE: hello yance, musta ka na... pahaba ng pahaba posts mo ah hehehe!!!


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-16 04:08:32


Minami-Ke "Hug Haruka" by ~ichvon on deviantART
eto current work ko ngayon xD

padaan lang ulit!!
-------------------------------------------------

[ y a n c e ]
- sabagay ndi naman kasi normal na malamig ang pinas kaya
ang hirap magcope up ng normal na Pilipino sa biglang
sudden drop temperature...maski nga ko e >.<
:: photek nag -0.1 degrees dito kaninang umaga ::





You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by ruyvlopez on 2009-01-16 04:12:45
Hello Pinoy Gendou Members!

Kumusta kau dyan? Busy kami ngayung first month of the year dahil sa sobrang dami ng pinagawa sa amin. Sobrang lamig naman every morning. Every morning din pinapadugo ang ilong ko at pati bunbunan ko sumasakit dahil sa climate na ito. Sana uminit naman kahit papaano. Uy, magtatapos na pala ang Dyosa. ^_^

Sya nga pala, eto ang latest na reply ko para sa inyo.



For STAP Members:
Kumusta sa inyong lahat. Na-update ko na pala website namin. Pakicheck sa http://www.otakuhideout.webs.com/main for more information about sa dinagdag namin. Paki-sagutan na lang yung survey namin please dahil need ng kasama ko dito eh. Thanks. ^_^

Sa mga bago lang dito sa STAP, Welcome sa inyong lahat at sana usap din tayu. Post kayu dito sa STAP lagi para maging OK ang flow ng thread na ito. ^_^

Sya nga pala, pwede ba akong magtanong sa inyong lahat. May alam ba kaung nagtitinda ng magnetic tape dyan sa lugar inyo? Di kami makahanap ng ganun kasi eh. Yun kasi ginagamit namin pangback-up ng mga database namin dito eh dahil matibay kaysa sa mga removable storage media. Thanks for the info kung meron. ^_^


For Kogs:
Kumusta kau dyan kuya? Sana OK kauu dyan. Hey, tanung ko lang sa inyo dahil nagtanung kau din kung saan yung mga taong nag-co-customize ng anime figure, May kino-collect ba kaung Anime Action Figure dyan? Thanks nga pala sa pag-appreciate sa ginawa naming figma-talk.


For Ate Mia:
Salamat at wala na yung mga kumag na bumisita ko nung pasko sa bahay, kaya wala nang sisingit sa replies ko sa inyo. Napagalitan pa yung isa dahil nanliligaw ng chicks kasi eh ngunit yung nililigawan nila yung anak ng boss namin. Kaya yun napagsabihan dahil alam namin lahat yung mga chicks-records nila eh. Yung mga babae na kasama namin kasi kaklase namin yun at magaling sa SF. May history kasi sya sa guidance nung high-school kaya ganun ang ginawa namin sa figmatalk namin na halintulad sa ugali nya. ^_^ Thanks sa pag-appreciate sa gawa namin ha.


For Ich:
Eto nga pala reply ko sa last post mo para sakin. Tungkol doon sa accident na nangyari sa friend ko eh sa pulso ang tama nya kasi eh. Buti naagapan at ok sya ngayun. Ngunit nung dinala kasi sa hospital eh tinanong nila sa amin kung nagtangkang magpakamatay eh, pero NO at HINDI ang sagot namin doon. Nice yung ginagawa mong model kit ngayun ha. Ibang iba sa mga dating model kit na ginawa mo. Sya nga pala parang maliit yung pakpak nya, need mo bang ma-extend yan o ganyan talaga plan mo sa back-wings ng model kit na yan? Ang-lamig dito sa pinas kahit dito sa manila na dati 30 degrees C eh 21 degrees C sa umaga at di pa umiinit kahit papaano. Bloody Nose lagi ako sa umaga tuloy.


For Darky:
Nabasa ko na yung blog na yan dati pa eh. OK pa naman yung blog na yan at pwede namin lagay sa page namin, ngunit di ko alam kung kakayanin ng 56KB na modem dahil baka mainis yung mga viewers eh. Try kong ipatch sa page namin tapos testing namin kung ok yung loading nya.


For Clairvoyance:
Kumusta kau dyan ate. Sayang di ako nakapunta dyan sa UP nung Christmas event nyu. Ang cute ng mga tuta at pusa nyu dyan ha. Binebenta nyu ba yan o pinapahingi? Cute talaga! Kinuha ko yung isang picture ng tuta (yung brown) at yung pusa na puti na malaki ang mata. Sana magkaroon ako ng pusa na ganyan kahit kagatin pa ako sa kamay. ^_^


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Dark on 2009-01-16 05:16:33 (edited 2009-01-16 05:29:08)
@Ruy:
sorry sa katamaran ko ah xD Mastrip ko talaga na mag shift sa wordpress, pero ewan ko kung bakit hindi ko pa nagagawa..
yung site na yan simple pa naman eh, puro embedded na video nga lang 8D... Dami ko pa arte bago gumawa blog kaya yan nlng muna :/
Okay lang na wag nyo muna ilagay kung hindi pala ok, at patingin na rin kung matino pagbloblog ko >_<

magnetic tape? sorry wala samin sa kinaalaman ko, baka meron sa bagong SM THE ANNEX sa North-Edsa, pero nde ako sure since hindi pa ako pumupunta doon

Planned Coverage ko:

Surely: Photshop - Easy Paint Tool SAI - Vocaloid (mostly music) - Art (mostly anime)
Seldom: Youtube - Internet Gensei(my side of it anyways) - Games - Figures(not yet :/)
Special: Darky no DIA-LY! (random sketches, dia-ly is engrish of diary btw ^^)

@iCh:
omg, alam mo ba ngayon sa pinas: malamig at marami na napipinsala, as in.. (sorry fail ako sumagop ng news sa tv kaya hindi ko masyado naalala sinabi) ..may floods daw at strong winds tapos malamig.. too cold for a tropic country!! (last time daw na ganito kalamig nung 1940's)

@Kogz:
Ah ok.. sorry hindi ko masyado kilala si Misaki.. basa ko lang kasi first chapters ng Hatsukoi.. cguro manood nlng muna ako nung anime!
ganda nung trailer 8D I like the music


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-16 06:13:00
WAW LONG TIME NO POST!.... HAHAHAHA mukang midterm n rin ng ibag stap mebers ah... kya pla medyo tahimik... hahaha

@Ruy Lopez: himm magnetic tape... magnetic tape... wala malapit samin eh sorry ... try mo maghanap sa mga electronics store o sa mga store n nagbebenta ng mga blank casset tape o VHS kung meron pang ganun... sorry kung di nakatulong...

@Ich-dono: wow nice drawing... nakakigit... wai... galing nyo talaga master...

@kogs: waw bagong kulay ah... kaw pla yan kogs... kala ko si ate lacus dahil sa kulay ng text.. buti napansin ko ung typing style mo... hahahah

@Stap: geh out n ko subukan ko maging mas active... lapit n rin exams namin eh...


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Dark on 2009-01-18 16:26:37
After 3 days.. =_=

padaan lang, wala nmn kasi masyadong nagbago


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by bakit?! 0.o on 2009-01-18 18:14:21
uhhh . . .

so okay. mga ilang tao lang ang nagpost mula sa last post ko dito. wahaha, mahusay yan. to think na dalawang araw nasira ung keyboard namin dito sa bahay kaya di ako makapag-online.

ang engot kasi ng kapatid ko eh. sinipag maglinis to the point na binukasan ang keyboard at cpu para linisin. at ang engot pa kasi tama ba namang punasan ng basang basahan ung sensor ng keyboard? hayun, sira. napilitan tuloy bumili ng bago.

--===o0o0o0O0o0o0o==--

ate syrel
wahaha. onga eh. pero pakonti naman na ng pakonti nirereplyan ko. XD

musta na ako? heto, may pagnanasa nang patayin ang sarili ko dahils a katangahan ko ngayong linggo. hayun, bagsak tuloy ako sa exam ko sa philo.

hehe, ayos lang. struggling pero keri naman. ang dami ko kasing ginagawa eh. ulanin ba naman ako ng mga report (na ingles) saka speech (na ingles din TT.TT) saka exams. nakakaloka. eh ikaw?

kuya ich
ne . . ne . . negative?! seryoso yan? *speechless*

so paano kayo nagko-cope up dyan kung ganun kalamig? kasi dito tinotodo ko lang ang pagsuot ng jacket. wahaha.

ruy lopez
hindi mo ate si mia . . . mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan.

ate? ako, ate?! seryoso ka?!? HINDE KAYA. bata pa ako. first year college pa lang ako. minor pa nga ako eh. ate ka dyan! kung bakla ka keri lang. pero ang obvious naman kasing hindi eh (hindi nga ba? joke. XD)

awwww . . . sayang naman. nag-cosplay ung mga orgmates ko ng Code Geass nung lantern parade eh. kasama kaming pumarada.

ah, ung mga pic ba? random google search lang un. si kuya vinar kasi humihingi ng ragalo sa pasko. gusto nya tuta. kaya nag-post na lang ako ng pic ng tuta. ganun din si ate syrel, kaso lang pusa ung sa kanya. sa totoo nga lang eh, wala kaming alaga sa ngayon. lumayas kasi ung huli namang aso eh. T.T

sakaki, ikaw ba yan? o.o
--===o0o0o0O0o0o0o==--

midterms na ba? ah, kaya pala.



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-19 01:20:53

[ R u y L o p e z ]
- aw pero paanong tumama sa pulso? medyo ndi ko lang magets...
ibang-iba ba yung gawa ko ngayon? parang ganun parin naman e..

bout sa pakpak ganyan yan lang since binebase ko yung haba
nya sa normal na OO raiser ;]

[ d a r k y ]
- sinabi mo pa anlamig talaga dito -.-
maslalamig pa nga daw this february amp...

[ x e r o ]
- thanks xD pero no master ;] ndi ako sanay e ><

[ y a n c e ]
- uu negative dito nung isang araw...
paano? iba naman kasi mga jacket dito kaya
medyo mainit pagsuot mo. Hehehe kahapon nga
nagjogging pako xD pinagpawisan pa ko ;]




You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Dark on 2009-01-19 03:08:17
Slow parin =__=



@iCh:
zomg talaga!? kakatakot nga kasi may reports na ng hyperthermia dito sa pinad @__@
Sa Bagiou nga umabot daw ng 7 Degree Celcius (yung ung nirerefer ko na pinakamalimig since the 40's)

sobrang ironic lang kasi, enjoy ko snow at winter clothes pero bawal ako sa malalamig xD


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by ayu_mia6 on 2009-01-19 06:31:50
woot, ilang araw na nga ako di nagOL, 1 page lang ang nadagdag!? wat da hel!

~Yance~
ahahhaa, paktay, edi dapat pala naka stockings kayo? O.o

ayos lang yan. ilabas mo ang galit mo sa kanya! ilabas mo ang alibugho ng iyong nag-aalab na damdamin O.o"

woot, mukha ngang ayaw mo sa mga lib ah. lahat ata ng lib sa inyo eh may diperensya! >.< tyagaan mo na lang. you're purpose is to study, not to complain about libraries XD

huwaw, ang talino talaga ng bulate ko. para sa iyo mababa pa yan XD may minemaintain ba kayong grade?

ayos lang, you can discriminate as much as you want. adek talaga mga tao dun sa tomasinotaku *sighs*

woot, *high5* soon candidate ang parents ko XD
bakit ako masaya? di ko rni alam eh, nung una iniiyakan ko yan pero narealize ko, tama nang pagiyak ko, ala rin naman magagawa yun sa sitwasyon namin eh. pakasaya na lang ako XD

~Darky~
so how's exam?

~Kuya Z~
ndi pa rin ako makapapayag sa gusto mong paratingin kuya z. di ka dapat nag-iisip ng ganyan! dapat sa utak mo eh matuwid! (kahit na kulot ang utak)
eto, improving. pati doraemon no uta, pinapatulan ko. XD

~Ate Lei~
I see, I see. wongratulations at nakapagGENDOU ka na ulit ^^
wak kasi abusuhin ang gendou. baka mabugbog XD

~Kuya Kogz~
woot, salamat salamat! *bows*
aba, pilosopher ka na pala ngayon? spread your wisdom! haleluya! XD

~Kuya Ruy~
meron sa makro dito, magnetic tape. P99.75 ata. katitingin lang namin nung nagrocery kami
woot, kinarma ata sila XD ang sasama naman ng habits nyang mga kaberks mo, buti hindi ka nahahahwa! o baka playboy ka rin? XD
woot, wala yun. you deserve teh praises, gagaling nyo nga gumawa ng stories eh ^^ Idol!



Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by Dark on 2009-01-21 04:37:35
Again, BAGAL xD



@Mia:
medyo fail ako, especially sa Plane Geometry at Physics, at wala akong tests na masaya ako afterwards
puro kaba nasa dibdib ko ngayon xD I DON'T WANT TO FAIl!! YOKO MAGRETAKE NG COURSE!! xD

Ganon talaga... 1 page lang... konti lang dumadaan..
tignan mo nga dinadalasan ko super posting ko para mabuhay lang thread oh xD
sana magkatime ka rin para masmasaya magusapan sa stap!


Re: Shouts To All Pinoys!!! Version 16
Link | by on 2009-01-21 04:42:40

[ d a r k y ]
- lol pero ndi ko lubos maisip na umabot ng 7 deg ang pinas ><
btw musta na mga drafts xD atat nakong mag draw!!

------------------------------------------------------

grabeh bagal ng STAP lately -.-





You can visit me there!!

Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17, 18, 19, 20, 21, 22, ... 49 Displaying 241 to 260 of 985 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0123 seconds at 2026-05-19 23:17:31