Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-11 18:49:45 (edited 2006-02-11 20:01:53)
koganei sino si Reggie Monterde? baka nakaaway mo sa ibang thread... nireport ka... ^_^" hehe.. joke lang...

pang-apat ka kaya! si jhong ung long hair panglima..

sige gawa ka ng website.. di kasi ako marunong.. hanggang design lang ako..

nakaback view kasi tapos parang silhouette lang... ano ba to parang naka coat? ano pangloob?

jhong anong outfit mo? parang kay gojyo narin ba?

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by jhong on 2006-02-11 19:08:02 (edited 2006-02-11 19:08:29)
hehe... di pa ako nakapagdecide kung ano talaga dating ko. yung madali lang siguro. hmm.. jeans(luma, rakista style, yung palagi nang inaapakan yung dulo kaya sira na), t-shirt(na may cross sa front... puti yung shirt, black yung cross...) may cross na kwintas(hinde rosaryo)... may earing sa left(ring, di stub). ayan, bagettz... pinoy na pinoy. pwede din naka-"tie" yung buhok ko, pag walang bakbakan.

eto o... host sya. pwede pang gumawa ng forums dun...hehe.

love & peace

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-11 23:28:07 (edited 2006-02-28 18:10:17)
@koganei: kaya pala ang tagal mong nawala. hinintay ko nga pagsang-ayon mo sa plot ko e. tinatalo mo pa'ko sa pagpo-post ng mahaba ah. hehe... pa'no mo nalaman ung sa mendiola massacre? kaw ha?! pag masyado nating pinattern sa philippine history at politics manga natin. gugulo buhay natin. hehe... pero may pagka-pulitikal talaga manga natin.

info mendiola massacre: when the aquino administration implemented its agrarian reform program, the hacienda luisita owned by the president's family, was exempted to protect their rights to their property. since it is exempted, it is not required to give a percent of its land to the peasants who cultivate their land. in doing so, many peasants from Tarlac joined the mobilization to mendiola to oppose the said reform. but the demonstration was replied by the administration with arms killing 13 farmers. most political organization celebrate this event by going to mendiola to pay tribute to these farmers. i'm not really sure when.

@japaniceboy: like your ideas a lot. pero nakakatakot kasi hindi ako sure kung original mga characters natin and ung story naman natin nakuha natin kay zeto though ang laki ng binago natin, at least ung main idea sa kanya pa rin galing ung mga plots naman na nagawa ko di ko rin sure kung original kasi ang napapanood ko lang namang anime yung mga pinapalabas lang sa local channels wala kaming cable programming provider, di pa rin ako nakakakita ng mangga este manga.

pero about sa sarili nating site, call ako diyan. hindi nga lang ako marunong gumawa. na-try ko sa ms frontpage dati pero pansarili ko lang yon. kaya magco-contribute na lang ako sa mga archives

@amano: nung nag-log in ako kahapon ng afternoon, naglevel down na'ko. last na activity ko, naginsert ako ng avatar and sig. yun lang. madalang na rin ako mag-post sa ibang thread kasi nilalamon na ng pinoymanga ang oras ko. hehe... kanina ko pa tina-type tong reply ko. ang haba-haba na tapos pag-post ko biglang you must be logged in to post a reply. samantalang kanina pa'ko naka-logged in.

ayuz lang, wag ka na mag-abala. ang concern ko lang naman wag ma-banned tulad ni koganei. hehe... ngayon pa na naaadik ako sa thread natin at natutuwa ako sa mga achievements natin. hehe...

@lei8iel: hindi na'ko nagda-download simula nung first post ko dito sa gendou. lintik nga kasi yon lang naman talaga purpose ko sa pag-join dito pero biglang naiba. first time kong nag-join sa mga forums, kahit memberss ako ng ilang mga ygroups di naman ako nagpo-post.

oo nga, kung okay na sa inyo ung prologue ko, go na tayo sa manga prologue natin.

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: PinoyManga
Link | by Kino on 2006-02-12 02:40:50 (edited 2006-02-17 02:59:28)
koganei, ay oo nga noh o_o sensya haha na-double "g" gutom nga yata ako nun..wahahaha..mamodify nga..hehe..extra lang sabi ko kasi wala akong maisip na char eh x_x ahm..wala ngang char ang char ko lol XD parang sa totoong buhay hehe..teka try kong magisip ng char..

name: Rie Watanabe
age: 20 [uy matanda ako sa manga haha..]
abilities: good in archery, pianist, and has photographic memory..normal lang ako ^^ [assistant nga daw ako ni amano-san]
description: pinabayaan ng mga magulang at lumaki sa bahay ampunan..ngayon namumuhay magisa at malaki ang concern sa mga batang palaboy..hehe..yun lang..

Kino Petto Kino Petto

Re: PinoyManga
Link | by Immortal on 2006-02-12 02:50:49
@oturan_22...

oy! di ibig sabihin nun e na-banned ako! (noon, na banned ako dahil sa oversized sig pero matagal na panahon na un). ilang beses ko nang na-eexperience un. di ako makapag log-in nun kasi pag ino-open ko ung site e un na kagad ung lumalabas! diba pag ng log-in ka naman e saka mo malalaman kung banned ka o hindi. naging good boy naman ako dito...kaya hindi ko masasabi na na-banned ako...

about the mendiola masaccre...me napanood kasi akong VHS tape noon...tungkol un sa life & reign ng pamilyang marcos...subukan kong panoorin ulit un para me maidagdag akong info sa Manga natin...

sa plot naman...maganda naman ung flow ng story pero sa tingin ko e kulang pa ung mga requirements ng story at background ng mga characters...kailangan nating ng mas maraming info at other characters...

tama ka...kinakain na rin ng thread ung time ko dito sa Gendou. dati nga e masipag akong mag-welcome sa mga new members dito tsaka nagrereply ako sa mga ibang mga threads...nakaka-adik talaga tong pinoymanga thread...

@lei8iel...

pang-apat nga pala! mukhang nagkakamali nako sa bilang a...mukhang nalipasan ako ng gutom! para kaming magkapatid ni jhong dun sa picture a...

galing a! nakuha mo! ung sa ilalim naman ng coat ng character ko e gawin nating simple. black na t-shirt tapos walang manggas. sa likod naman nya e naka-tatak ung "x" na symbol...ung buhok naman sa likod sa may bandang batok e medyo lagyan mo ng mga patusok....

ano, ok na ba sayo ung character descrition ko sau? ung personality nya e medyo ipattern natin nang katulad kay Kurama ( Yu Yu Hakusho ) mabait pero may tinatagong kalupitan...

baka hindi ako makagawa ng website ngayon kasi super busy din ako sa school. ung ibang free time ko e dito ko na lang ginagastos...

@Kino-chan...

wow! multitalented nga ung character mo e tapos sasabihin mong normal ka lang! parang di yata bagay na maging assistant ka ni amano-san...pero kung un ang makakaganda sa story e why not diba?

Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: PinoyManga
Link | by amano-san on 2006-02-12 03:07:32 (edited 2006-02-12 03:09:29)
Edit: Ah, sensya. Inedit ko lang ung bangs... parang kasing bunot/panot ung bangs niya sa una eh. Teka, ano ba mas maganda? Ah basta... Heheheh.. ^_^;



  



@Kino-chan: Buti naman nagustuhan mo! Tsaka 20 yrs old ka (Kasumi) na rin tulad ni Alex kasi sabay kayo nag-graduate. Don't worry, di siya kikay! Sa damit pa lang niya eh.

@Koganei-san: Baka ung taong yan na-ban. Kasi pag nag-ban si "may ari" either IP address lang niya, or IP range. Siguro malaki atraso ng taong yan kaya IP range ang ginawa ni "may-ari" at nadamay ka. Panandalian lang un, kaya nga nakakapag-post ka na ulit ngayon. Dati ung sa Rukia kong account, ganun din nangyari sa kin. Pero after one day, bumalik na rin kagad.

@Gij-san: Sabi sa kin ni Sachiel-san tignan mo raw e-mail mo. Baka dahil dun kaya naglevel-down ka. Di ko pa nakakausap si "may-ari" eh. Pero pag nag-on un, tatanungin ko kagad. Isasama ko na rin ung kay Koganei-san.



Wan, tsuu!

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: PinoyManga
Link | by Kino on 2006-02-12 03:08:12 (edited 2006-02-12 03:14:03)
koganei, ibig kong sabihin sa normal..walang super powers..hehe..tutal manga can make everything possible nilubos ko na XD kasi gusto kong matutong magarchery at magpiano..dati nakapagaral ako ng konti tungkol sa piano..nung grade 1 ako XD tinuruan ako ng kapitbahay namin..haha..pero ngayon wala na nakalimutan ko na talaga..
kung ok lang gusto ko ngang patulong sayo tungkol sa char ko eh XD

sorry out of topic..hehe..nagkwento ba naman ng tungkol sa buhay ko..

general, ahh buti naman XD hehe..akala ko kikay siya[ay ako pala]eh..kung hindi malayo na sa personalidad ko..salamat uli!!!
mas maganda yang bagong edit mo XD

Kino Petto Kino Petto

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-12 03:13:55 (edited 2006-02-12 03:41:03)
aahhhhhh.. ganun pala ang gusto nio... hehehe... ok i got it...

@gij ung tungkol sa kapag mahaba na ung natype mo tapos biglang u must login... waaahhhhhhh kakainis di ba? biglang ulit ka sa simula... ganun talaga un.. para security sa account mo... kapag for example naiwan mong naka bukas ung account mo sa isang shop di nila maaaccess di ba kaso napaka bilis ata ngaun... dati it takes hours...

ako rin nito lang ako nahilig sa mga forums... hehehe.. ito rin anguna kong forum na sinalihan... ^_^" kakaadit di ba? lalo na kapag may mga regulars na nagpopost... nagiging friends kayo pagtumagal.. hehehe...



masyado bang pormang lalaki ung mga babae sa drawing?



dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by Immortal on 2006-02-12 03:21:05
@amano-san...

a...ganun pala! akala ko ako lang ung nakaka-experience nun. buti na lang sinabi mo. nalinawagan na ko...

addition lang sa design ng character mo a...lagyan kaya natin ng salamin ung character mo? diba sabi mo dun sa character description mo noon e tinatago nya ung tunay nyang objectives? kung ayaw mo ok lang...

@Kino-chan...

maganda nga ung naisip mo about your character. simple pero multitalented. parang si Mido Ban... tapos e medyo may personality sya ng isang magaling na detective...

Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: PinoyManga
Link | by Kino on 2006-02-12 04:00:17 (edited 2006-02-12 06:04:55)
lei8iel, medyo..hehe..ahm..saan ba dyan yung mga babae?XDyung nakasandal sa puno babae diba?eh yung nakaupo sa puno?babae din ba?

koganei, yeah..buti nagets mo yung potentials niya bilang detective XD hehe..pangarap ko din maging detective hehe..idol ko nga si sherlock holmes eh..hehe..

ahm..sa tingin ko yun na yun XD..yung drawing pala ng char ko si general ang gagawa..salamat ulit general!!!puro ako tenkyu hehe..kayo na bahala kung anong gusto niyong gawin sa char ko..hehe..

Kino Petto Kino Petto

Re: PinoyManga
Link | by jhong on 2006-02-12 05:24:20 (edited 2006-02-12 05:24:43)
@lei8iel,

ang ganda! final na yang dating ko... nagustuhan ko talaga. kuhang-kuha mo... add-ons: nakayosi minsan sa manga ok? eh kung pwede, palagi nalang... hehe.

makapag.gawa siguro ako ng site pero di pa ako sure. andami pa kasi akong kailangan malaman tungkol sa scripts at php eh... ok lang siguro tong html at css ko. hahayy.. joint project na lang... sinong it/com sci dito? pol sci kasi ako e; hobby lang ang paggawa ng site.

love & peace

Re: PinoyManga
Link | by Immortal on 2006-02-12 06:37:42
@lei8iel...

na-experience ko na rin yang sinasabi mo...magta-type ka ng mahaba tapos e biglang mag "you must log-in" waaa! nakakaloko ano? eto ang tip ko para sayo...sulat mo muna sa notepad ung ipo-post especially pag talgang mahaba tapos paste mo na lang pag final na ung mga tinype mo...

@kino-chan...

wow! ang taas ng pangarap mo a! keep it up! tsaka idol mo rin pala si Sherlock Holmes? sya ung fictional character na ginawa ni Conan Doyle diba? nabasa ko na rn ung mga isinlat nya tungkol kay Sherlock Holmes at masasabi ko na maganda ung storya...

Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-12 08:19:33
@koganei - ok lang n direcho mo na ang type dito basta pagkatapos mo copy mo ung lahat ng ntype mo then paglumabas ung msg na un... wahhh edi mag login ka... then paste mo nalang... hehehe... ^_^"


@kino - pansin mo rin ba? hehehe.. nakakatamad kasing ulitin... sample lang naman... lahat ng malapit sa puno babae... hehehe... sa paniniwala ko...

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-12 11:52:54 (edited 2006-02-13 08:09:17)
i think ang best technique, everytime na mag-log in ka, click mo ung "remember me". ginagawa ko yon lagi kaya lang nakalimutan ko kanina kaya kanina ko lang na-experience yung ganon.

@lei8iel: tama ka mukhang puro sila lalaki. na-identify kita don pero ung character ko hindi. hehe...

gawa na tayo sarili natin site. wala bang marunong? wala lang... other entries deleted

@koganei: siguro i was wrong for using "banned" kasi hindi ka naman na-banned. hehe... please accept my apology.

@amano: wala naman akong nare-receive na email e. anyway, ok na un. going a level down doesn't really matter. ang concern ko lang did i just violated a rule? and now it's not because i don't want to be banned at gendou kasi as of the moment i don't care anymore if i'd be banned, it's mainly because i don't want them to think that filipinos can not follow simple rules.

@kino: pwede ka palang magkaron ng kaugnayan sa'kin. kasi after namin paghiwa-hiwalayin, sa orphanage ang first destination ko. ako lang kasi yung walang kinalakihang pamilya. i subconsciously killed people from that orphanage e. ano kaya kung...

a. survivor ka from my attack, nakita mong lahat ng pangyayari at kahit 2 years old ka pa lang non kayang-kaya mong i-detalye ang lahat. bago ka lang non sa bahay ampunan. hindi ka necesarily dun na nagka-isip kasi nawalan ka ng family before ka mag-two years old. hindi tayo naging malapit sa isa't isa nung pareho pa tayong nandon pero ako agad ang napansin mo at napansin din agad kita o diba parang hindi tayo 2 yeas old nung mga panahon na'to dahil sa kakaiba nga ang ugali ko at dahil ikaw ang unang nakakita nung unang beses akong gumamit ng enerhiya (similar sa chakra or aura/nen).

ikaw lang ang nakakita ng kapangyarihan na yon nung minsang ipagtanggol kita sa mga nam-bu-bully sa'yo may softer side pala ako towards sa mga taong sa tingin ko kapareho kong may kakaibang kakayahan pero hindi na tayo nagkaron ng pagkakataong maging magkaibigan kasi nangyari na agad yung trahedya.

after 20 years, makikilala mo pa rin ako dahil alam mo kung saan ang marka ko ng pagiging project assassin. nung ma-meet mo si amano at makita mo yung marka niya na kapareho sa'kin, kinwento mo sa kanya ung tungkol don at non nagka-interes si amano na hanapin ako. by that time, alam na niya yung tungkol kay koganei na nasa school for delinquents at kasalukuyan niyong minamanmanan.

or

b. bagong batch ka ng mga orphans, ibig sabihin wala na'ko don and nababalitaan mo na lang yung tungkol sa nangyari nung time ko. kahit di mo pa'ko nakikilala, may tinatago ka ng galit sa'kin dahil nilalayuan ka ng mga bata at kinatatakutan rin ng mga workers don dahil may nakikita silang something sa'yo na may pagkakapareho sa'kin. nag-start yung indifference nila sa'yo nung maipakita mo sa kanila ang skills or abilities mo. yung pagkakaron mo nga ng photographic memory. kakaiba ka sa lahat kaya dahil don inisip nilang magiging katulad kita. ang totoo, marami ang nagpe-petition na paalisin ka sa bahay ampunang yon. pero kahit ganon ang naranasan mo, mabait ka pa rin sa kanila at hanggang sa mag-18 ka na at makalabas sa ampunan, concern ka pa rin sa mga batang naulila.

ayuz ba? na-elaborate ko character mo. pili ka na lang sa dalawa. kung yung a pipiliin mo, makakagawa na agad tayo ng connections sa pagitan ng mga assassins. kung b naman iisip na lang ako.

sa ngayon kasi ang may mga connections pa lang:

koganei-lecayah-izanagi
gij-lei8iel then koganei (nung mag-camping siya sa region nina lei8iel at makipaglaban siya sa'kin then kay lei8iel)
amano-seeker (parehong teacher) then koganei

yun pa lang so far

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-12 16:38:44
What the...?

Warning pare. Si Seeker di pwedeng ma-link sa kahit na sino, although meron siyang infatuations...

Nababaliw na naman ako sa Tales of Eternia (ToD2 PSX)

*blip* *blip*

Re: PinoyManga
Link | by Sang on 2006-02-12 21:53:27
Sa bagay...

Maganda rin sigurong gumawa ng manga

Kaya nga lang anime style yung sa akin...

Hehehe

I am what I am. I am what I used to be. I am Sang!!! Parang engot.

Re: PinoyManga
Link | by amano-san on 2006-02-13 02:20:08
@Lei8iel-san: Wow! Astig mo talaga! Idol! Si Alex ba ung nakasandal sa puno?

@Kino-chan: Mali! 23 na pala tayo pareho. ^_^

@Gij-san: Balak ko sanang gawing antagonist si Alex sa dulo. Diba field of journalism siya? Media. Ung time na yon malakas impluwensiya ng media, so balak ko na pagtataksilan ni Alex ang grupo. Parang she’ll leak any information regarding her friends for the sake of her career. In the end, she’ll realize na mali ang mga pinaggagawa niya, at ang masakit dun, parang natulad na rin siya sa kanyang ama. Then pag nagkaroon na ng intervention from the higher sectors, magkakagulo na syempre at tutugusin na ang grupo. In the middle of the events, she’ll eventually do something to help her friends even if it means putting her life in danger. Tapos parang sasabihin niya na dapat kalimutan na siya, na they should move on! Remember, optimistic masyado si Alex at ayaw niya na pinag-aalala sila.Para naman may konting drama. Heheheh… :D


Parang kaiinisan ng lahat si Alex sa manga kasi pakeylamera, ambisyosa, manggagamit, taklesa (ano ba ibig sabihin nito?), taksil sa grupo, lahat gagawin para lang sa career niya (di sa dahil malandi o maarte tulad ni Flay no!). Tapos sa dulo, matutuwa ang lahat at sasabihin: Buti na lang at nawala na rin sa eksena ang bwisit na babaeng yan! >=D



Sumanai...minna...


- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: PinoyManga
Link | by Kino on 2006-02-13 03:43:35 (edited 2006-02-13 04:15:24)
general, XD kala ko 20 tayo?hehe..ok modify ko uli..23 na pala ako!!!^^[ang tanda ko na haha]

koganei, oo!!!siya nga!!!hehe..may book nga ko ni conan doyle eh..ang title "Adventures of Sherlock Holmes" hehe

lei8iel, ayos naman eh..mukha silang babae kaya lang parang sobra sa pagka-astig yung pose nila hehe..lalo na yung nasa bandang dulo?hehe..

oturan_22, aaaaaaahh..salamat po!!!ang galing mo!pipiliin ko yung "a" para hindi kana mahirapan at maganda naman yung pagkakadescribe mo eh ^^ salamat uli!!!binigyan mo ng kulay yung buhay ng char ko XD..

liliwanagin ko lang XD..babae po ang char ko hehe..baka kasi akala niyo lalaki ako XD

ay since nabanggit ni general yung tungkol sa pagiging kontrabida niya sa huli..at sabi niya balak niyang mamatay sa huli..hmm..naisip ko lang eh kung ako na lang yung mamatay?kesa sa kanya?kasi nga naging gud friends kami sa kwento dahil nakatira kami sa iisang bubong..tapos since may photographic memory ako parang nahalata ko yung pagtataksil niya?kahit na tinatago niya sakin?ano tingin niyo?kasi main char siya sa manga diba?parang hindi maganda na mamatay siya..hehe..

Kino Petto Kino Petto

Re: PinoyManga
Link | by Japaniceboy on 2006-02-13 05:12:39 (edited 2006-02-14 09:48:04)
WAAAAA!!! sandali lang ako nawala humaba na ng ganito!!!
w8 magbabasa na nga ako... whew... naging busy kse ako sa pag-burn ng anime cds e... ( DI SA MICROWAVE ANG BURN )...
thank God i was helpful! ^_^ now i'll just draw my character back, left, right, up, down(censored), dual personality....., mapapasubo ako sa dami ni2 ... hehehe! foods muna modify mamaya...

@koganei

wag mo na pagpilitan na mataba ako kse mas payat p ako sau sa susunod nating pagkikita...(sana magkatotoo kse ang hirap mag diet e)

@all
SINO BA DITO ANG MGA LONELY SA VALENTINES DAY???!!! damay damay na lang mga dude..T_T huhuuhuhuhuhuhuhu...


Re: PinoyManga
Link | by Immortal on 2006-02-13 06:02:05 (edited 2006-02-13 06:04:38)
@lei8iel...

ang galing mo talaga! idol na kita! ako ba ung nakatayo sa may upper left? astig a! ung porma nila parang sa saiyuki...tama ka. mukha nga silang puro mga lalaki sa pic mo...sa tingin ko e konting ayos na lang at ready to go na ang mga characters natin...

mas maganda pa rin para sakin ung pag-type muna ng post sa notepad para ma-view ko pa rin ng buo ung mga replies nyo....di mo kasi magagawa un pag nag-type ka na kaagad dun sa message box ng post reply...

@oturan_22...

Apology Accepted!

parang si hiei pala ung character mo. aware na sya sa mundong kinagagalawan nya...

ang pipiliin ko sa choices mo e...letter A! pero hindi rin masama ung letter B...

@amano-san...

me pagka-bad girl pala ung character mo sa Manga...ginagawa ba nya un dahil gusto nyang umagat sa trabaho o para sumikat at respetuhin ng karamihan? pwede rin na gawin nating mataas ung pride nya kaya nga ginagawa nya lahat kahit na ikasama ng iba...

@Kino-chan...

ang tatanda nyo na...23! at babae ka pala...buti na lang e 18 pa lang ako...pero madadagdagan na naman un pagdating ng march...

isa sa mga nabasa ko sa mga story ni conan doyle e ung "Silver Blaze" tsaka ung The Man With The Twisted Lip wala akong sariling libro nun. sa library ko lang nababasa...

gusto nyong me isang mamatay satin sa Manga?!? parang nakakalungkot pero para sa ikakaganda ng storya e pwede rin nating gawin yan. ano ba ung gusto mong kamatayan? morbid at madugo ba ung gusto mo o slow & agonizing death? hehe...joke lang!

@japaniceboy...

oo na, normal na ung timbang mo! para kang si chouji... wala namang masama dun diba? bakit ako? slim naman ung figure ko diba pero kontento na ko sa sarili ko...

who's Carol anyway? is she also a member here? maybe she uses a different nickname? hmm... sali natin sya dito!

sabihin mo ke lei8iel kung ano ung itsura at facial expression nung alter ego mo sa Manga para magawan din nya ng drawing...

Tip na panregalo sa Valentines Day...

personal suggestion ko e bili kayo ng strawberry...unique diba?

late na naman akong mag-post...sige bukas na lang ulit!

Oyasumi-nasai, minna! ~hooouuum!~

zzzzzzz...

Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |
Go to page: 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, ... 25 Displaying 101 to 120 of 513 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0082 seconds at 2026-07-27 14:37:51