Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |

Re: PinoyManga
Link | by jhong on 2006-02-09 09:43:33 (edited 2006-02-09 09:45:40)
mga artist pala kayo. character sketch lang pwede ma.provide natin. si lei8iel nang bahala sa drawings ng manga, diba? last time na nagdraw ako with pencil, elementary pa cguro ako. ballpen > pencil pero pampropesyonal yata yung pencil. tanong... ano kaya title ng manga natin.

love & peace

Re: PinoyManga
Link | by amano-san on 2006-02-09 10:06:20 (edited 2006-02-09 10:09:21)



 

~Alex Ward~


Actually, mukhang-mukha at gayang-gayang siya ni Maya Amano, iba lang kulay ng buhok. Pero yan talaga gusto ko maging mukha ni Alex. Astig eh! Sensya na nga pala kasi luma na yan... la pa ko ma-upload na bago kasi wala na ung bluetooth device dito! KusoooO! >_<




  

~Kino-san (isip ka pangalan, ok?)~


Eto ung para kay Kino-chan, ang side-kick ko! Ginawa ko sa paint dati. :P Cute nya diba?! Heheh... Eh, pero kung ayaw mo Kino-chan, ok lang, magdo-drawing ulit ako iba. Sabihin mo lang kung ayaw mo or hindi, ok? Paki-specify na lang ung changes na gusto mo. Don't worry, madali lang mag-drawing! :P

Yung kay Allen-san, madali na lang! Google search lang! Keyword: "matsing" ... voila!

@Gij-san: Ifa-follow up ko pa yung sa yo, ok?


Haa!
Touche!


- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-09 13:28:55 (edited 2006-02-10 08:30:15)
edit:
wahhhhhhhhhhhhhh... wala ngang nagpopost na ibang noypi dito sa thread natin... kanina pa tong post ko ha........

anyway... meron nakong sketch for koganei, jhong, and gij.... maya ko post hardcopy palang eh...

kung ayaw nio ung itsura pakisabi lang po para maedit ko... hehehe.. kasi personally ung pagkakagawa ko kay koganei parang di ko gano nagustuhan...

at saka ung mga outfit nila... esp for jhong.. ndi ko alam... ano ba maganda?

hint sa mga itsura...
for jhong: mala sha gojyo ang dating..
for gij: parang soi
for koganei: eh... di ko kasi kabisado si sasuke.. di kasi ako nanunuod ng naruto...

--------------------------------

amano-san, what if gawin mong assistant si allen... un bang tipong sunod ng sunod syo... ^_^"

tapos bahala ka na... ok lang kung parati mo sya iniiwan.. tapos parati mo ring binabatuk-batukan... hehehe.. sowi po allen... ^_^"


mmmmmmmmm.......... alex x allen ........ hehehe... ^_^" ok b? ...joke lang...



ang husay! sa paint mo ginawa ung character for kino? ang husay talaga! mouse lang ang gamit mo?


japaniceboy, hehehe... kamuka mo nga.. ^_^"

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-10 03:17:59 (edited 2006-02-10 03:25:56)
APOY by greyhoundz

kapit ng mahigpit, kapit ng mahigpit kapatid...
kumapit, wag ng bumitaw


may namumuo na bang love team? sayang nasa plano ko pa naman si amano ang magkakaron ng relasyon kay seeker kasi pareho silang magtuturo sa school for delinquents.

@japaniceboy: meron pa ring mga settings sa school, kasi don magkikita-kita sina amano, koganei at ang seeker, at syempre si jhong magpupunta din don pati ikaw kasi pareho niyong tinutugis si koganei.

may nabuo akong scene, naisip ko lang:

while waiting for other assassins who were still completing their mission, nag-aaral ng mabuti si koganei, finals kasi niya at graduating na siya di ba 20 years old pa lang tayo nung malaman natin ang tungkol sa project; ung iba maaga nakapagtapos, ung iba naman hindi nag-aaral

hiningi niya ang opinyon ni amano sa isang topic na hindi niya gaanong maintindihan "professor mo'ko ano na lang sasabihin ng ibang estudyante kung tutulungan kitang mag-review, hindi ka na nahiya"

isa si amano sa mga naunang dumating sa GA nila dahil hindi na nito tinapos ang misyon, wala na kasing lakas ang kalaban. dahil walang napala sinubukan naman ni koganei magtanong kay hitori medyo magkakasundo na tayo dito

"ano'ng malay ko diyan e ikaw ang nag-aaral? basta ang alam ko e=mc2 tapos. kaw ba gij ano palagay mo?" lahat sila nakatingin na kay gij, parang inaabangan talaga nila ang sasabihin nito.

dahil nakatalikod ito sa kanila, nakita nila ang unti-unting pagharap nito. at pagkatapos, lumipad ang matatalim na tinging iyon at sa isang iglap ay nasa harapan na ito ni japaniceboy este hitori nakaumang na ang katana nito sa leeg ng kaawa-awang bata hehe...sensya na marko nagtitrip lang

"hinahamon mo ba'ko?" napakalamig ng boses nitong humalo sa lamig ng hangin, nanindig ang balahibo ni hitori, gayundin sina amano at koganei na hindi na alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon. at halos sabay-sabay nilang naisip na hindi nga pala nakapag-aral sa eskwelahan si gij. pinagpapawisan na silang lahat habang matalim pa ring nakatingin sa kanila ang kasama.

napapikit na si hitori na parang hinihintay na lang ang kanyang kapalaran sa kamay ni gij, butil-butil na ang pawis nito, at pagkatapos ng mahabang katahimikan...

bigla na lang

a. hinablot ni gij ang librong binabasa ni koganei, "patingin nga, pag-aaralan ko" nanlumo ang tatlo dahil baka taon ang abutin ni gij para maintindihan ang isang equation

b. winasiwas ni gij ang kanyang katana habang matalas pa rin ang mga matang nakatingin kay japaniceboy este hitori sa harapan ng tulalang si koganei at isang segudo lang punit-punit na ang librong binabasa nito kani-kanina lang. namalayan na lang ng tatlo na dahan-dahang nahuhulog sa sahig ang mga pinagpira-pirasong mga pahina. lalong nanlumo ang tatlo, "hindi ito oras ng pag-aaral" napaluha si koganei, at tinalikuran na muli sila ni gij. sa pagkakataong yon napaluha na rin si hitori.

hehehe... dugtungan niyo nga...

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: PinoyManga
Link | by yorokonde on 2006-02-10 03:19:33
Ayos yan, Ha!


Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-10 03:27:47
gij, oo nga naisip ko rin un... si amano at seeker...

joke ko lang naman ung kay allen... or kung gusto nio... love triangle hehehe.... sana wag magalit si amano...

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by amano-san on 2006-02-10 03:35:00 (edited 2006-02-10 03:45:48)
@Lei8iel-san: O_o Teka! Di ako pwede magkaroon ng relasyon kahit kanino. Ang boyfriend ko ay ung career ko. At ung kay Allen? Baaaahh!!! Siguro pwede nga ung binabatuk-batukan ko siya, ginugulpi... ^_^; Masaya un! Pero dahil kapatid lang turing ko sa kanya. Concerned ako sa kanya kaya ganun. Tsaka busy ko ako sa trabaho ko kaya la akong panahon sa mga ganyang love-love. Heheh..:D

Pero pwede na si Kino-chan at si Allen magkatuluyan kasi pareho ko silang mga side-kicks! Lagi sila nagaaway at ako naman, lagi kinakampihan si Kino. Hahah... HOY MATSING! WAG KA AANGAL KUNDI GUGULPUHIN KITA!

At uu, paint ginamit ko. Pag paint kasi diretso sa pc, pag sa paper, kelangan pa i-scan or piktyuran. Wala pa kong scanner dito, tapos unb bluetooth device, wala na rin. Ordinaryong mouse na may laser lang gamit ko. Hirap, pero nakaka-adik kasi. Etong summer, magagawan ko kayo! Ilang oras din kasi yan.

Sa susunod na ko magdu-dugtong. I'll stay tuned, don't worry guys!


Mou owari da..

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-10 03:42:13
@amano: hirap kaya mag-drawing sa paint. ung kamay mo siguro nasasapian ng legendary artist yan kaya kung anu-ano nagagawa. astig ka ha?! may mga sidekick ka pa, first lady ba? hahaha... ba't tinatago mo pa pangalan mo, ba't ako hindi? hehehe...

si allen, dapat kontrabida yan. myembro ng vigilante. isa sa mga nag-traydor sa mga kauri natin. di ba galing tayo sa sectors or groups na kumakalaban noon sa government, at sa sektor natin nagmula ang mga berserker. kinidnap tayo ng organisasyon para mapakinabangan laban sa mga kauri natin.

sama na rin natin yang si shimizu

@lei8iel: ung character ko, nasulat ko na dito. ganun ba nagawa mo? hehe... sensya na demanding

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: PinoyManga
Link | by Japaniceboy on 2006-02-10 06:34:50
@

hrmn... after the shocking moment from gij's violent assassin behaviour... everybody went to the ichiraku restaurant to eat ramen... then went to Robinsons Galleria/Neutral Grounds and joined the pokemon TCG league... THE END hehehe!

@gij

WAAAA!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! Bad Ka! uwaaaaa!!!
heheheh! is a psychotic guy like KENPACHI going cry over a katana pointed at his throat???

@ ORGANIZERS

di b mas maganda kung meron tau n time line of events chart para sa manga???


Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-10 08:43:37 (edited 2006-02-18 00:22:28)


W A N T E D

Lei Gij Alex Koganei Jhong Izanagi



^_^"





EDIT: Sensya Lei8iel-san. Pag-click ko kasi kanina dun sa thumbnails, dina-direct lang ako sa photobucket.com; weirdo na photobucket kasi ung sa tag niya may added < a href= tapos link ng photobucket.com feature imbis na ung link mismo ng sa image. Dati naman wala diba? :(


dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by on 2006-02-10 10:19:29 (edited 2006-02-11 01:11:10)
alam mo ang amo ng mga mata nating dalawa. parang di ko nakapatay ng maraming tao nung 2 years old pa lang ako sa ganyang mga mata. hehe..

pero astig ka mag-drawing ha?! basta gusto ko naka-high cut ko ng pony, pwede na rin chuck tailor (converse) kulay red ha?! saka hindi ako naka-pants ha?! 3/4 lang na malambot ang tela hindi maong.

eto nga pala naisip ko sequence:

prologue:
meeting ng organisasyon (ung sinasabi kong ia-adapt natin mula sa real org na nabuo nung martial law, ung rolex 12; isip na lang kayo ng name) habang nag-mi-meeting sila kasalukuyang ginagawa ung experiment sa mga kinidnap nilang mga bata na mula sa sektor na kumakalaban sa pamahalaan nila.

pagkatapos ng meeting, tapos na din ang experiment. sabay-sabay silang nagpunta sa laboratory. habang chine-check nila ang resulta, may dumating na mga tauhan nila. ibinalita ang tungkol sa pagpapatalsik sa kanilang pangulo sa pamamagitan ng isang rebolusyon.

dahil sa destabilisasyon, ipinasya nilang i-deactivate muna ang natapos na proyekto at nagkasundong sa oras na mamatay na ang isyu laban sa kanila ay gagamitin na nila ang mga bata laban sa lahat ng kumalaban sa kanila at lalung-lalo na sa nagpasimuno ng rebolusyong nag-alis sa kanila ng absolute power sa government.

****

sa pagdating ni seeker sa laboratory, wala na roon ang mga myembro ng organisasyon at pati ang mga bata. he gritted his teeth in too much anger.

chapter 1:

enter gij from the day she subconsciously murdered almost everyone in the orphanage when a social worker is about to hit her until may bagong taong mag-aalaga sa kanya (pinili kong mauna to kasi 2 years old lang siya ng lumabas ang mga potentials niya kahit hindi niya natatandaan ang mga nangyari at wala pa siyang kahit anong konsepto sa buhay)

****

enter koganei before the assassination of his foster father(4 years old siya nung i-activate ng programmer natin ang berserker abilities niya; actually naguguluhan ako kung sino sa kanilang dalawa ang uunahin kasi ung berserker abilities natin ang pinaka-program kaya dapat mas mauna si koganei kaya lang mas unang lumabas mga potentials ni gij, hindi pa siya nakakapag-berserk pero nagamit niya likas na kakayahan niya nang mas maaga)

****

enter lei8iel (silang tatlo kasi ang medyo may pagkakapareho sa ugali; medyo introvert; pero ang kaibahan ni lei8iel siya lang ang mabait sa tatlo at kahit hindi siya gaanong nakikihalubilo sa ibang tao, alam niya kung sino ang dapat at hindi dapat ipagtanggol)

chapter 2:

enter seeker (break muna tayo sa mga assassins)

****

enter the organization: dito papasok ung conflict sa pagitan ng mga members; at pati ung pagpatay sa kinalakihang pamilya ni koganei

****

next time muna ung iba. pahinga na'ko kasi may pasok pa bukas. medyo matagal nga pala kong mawawala.

mga dalawang gabi... tagal noh?!

courtesy of koumonji, salamat tol!

Re: PinoyManga
Link | by "slick" Allen on 2006-02-10 17:43:01
di ka rin mayabang ha? aba, pano mo naedit post ko??? iisusumbong kita!!!! daya mo. atsaka ako kakawawain mo lang ng ganun?? di ata ako papayag nun! hehehe. joke, basta sabi mo. wag ka nga lang mgsusumbong kay sweetie ko!

teka, anggulo nyo naman. ano ba tlaga papel koat ano tong berserker ako, ay ano ba yon? pakilinaw pls!

Image hosting by Photobucket
don't draw! as a knight of heaven i am bound to answer steel with steel. *van draws* foolish boy.

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-10 18:50:24 (edited 2006-02-10 23:25:18)
@allen di mo p ba alam ung position ni amano dito?

@amano ewan ko ba pinalitan ksi nila ung tag... ilagyan nga nila ng link directed naman sa homepage nila imbis na dun mismo sa pic... nagpo-promote ata ng site... hehehe... pero salamat sa pag-edit

@gij masyado ba maamo ung mata? hehehe... subukan kong iedit... pero ano ok naman b ung itsura?

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by Kino on 2006-02-10 19:09:13 (edited 2006-02-12 02:41:13)
ayos!kawaii!~ang kyut ng drawing mo general XD..pero ahm..ilan taon naman ako sa manga? o_o hindi ba yan mukhang kikay?hehe..sa totoong buhay kasi mahiyain ako at conservative XD..kaw na bahala..ok lang sakin kahit anong itsura ko dyan..hehe..salamat pala!!!

teka teka..anong kami magkakatuluyan ni allen??kelangan ba talaga ng ganyan?o_o ikaw dapat ang may love-life!!!hehe..dahil isa ka sa mga main characters dito diba..extra extra lang ako bibigyan mo pa ko ng love-life XD

ay pangalan ko pala XD..ahm..kasumi na lang ^^ malayo nga lang itsura niya kay kasumi, galing kasi yun sa king of fighters..hehe..

Kino Petto Kino Petto

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-11 01:47:13 (edited 2006-02-11 01:52:34)
meron bang di sang-ayon sa prologue na ginawa ni gij?
at dun sa mga itsura ng mga assassins?...

oo nga pala wala pang sketch si seeker...


mmm... magstart na sana ako magsketch for prologue... kailangan na rin pala ng mga dialogues... sino kaya gagawa?

kung may pagbabago pa kayong nais iparating... sabihin nio na agad... hehehe... ^_^"

ok i'll wait for a week... within this week din ipopost ko ung sketch ni seeker... ja!

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by Japaniceboy on 2006-02-11 09:11:08 (edited 2006-02-11 09:49:42)
@ gij

ganda ng prologue mo... hinihintay ko na lang yung akin ...XD
18 na ako nung magpakita yung berserker abilities ko di b? late bloomer...

maganda cguro kung every issue ay may isang assassin na cover model,,, at sa loob ay may isang page na nageexplain tungkol dun sa character...
kahit na nasa pilipinas tayo, gawin nating japanese manga style yung page numbering kung saan pakaliwa yung basa sa manga, para unique sa philippine comic industry...
para pwede rin natin i-translate sa japanese letters (kung may marunong) at i-submit natin sa comic industry para baka-sakaling i-publish nila hehehe!( yun ay kung wala kayo balak i-publish yung work nyo)

OO NGA PALA! cno b yung magd-drawing ng manga?? cguro kung mas makakatulong ay iba ang story writers (humor,story) sa mga drafters(thumbnail manga, para sure maganda kalalabasan), penciler (maganda at proportioned art) at color flats(color)... para organized tau... bka kse magkadoble-doble ang mga pages ng manga, sayang naman ang pagod,,
-did I finally help in this posting??

ano kaya magandang group name natin??? gendou manga productions inc. hehehe!

hilo na ako sa antok... edit ko na lang bukas...


Re: PinoyManga
Link | by amano-san on 2006-02-11 09:34:49
Eto! Sa wakas nagawan ko na rin ng history si Alex! Gumawa na rin ako ng malinaw na sketch kaninang alas-nwebe. Pakibasa na lang para may ideya kayo, Gij-san at Lei8iel-san. Ok lang kung may baguhin kayo, since kayo rin naman ang organizers. I'll abide to whatever decisions will be made after.



Alex's profile:


Alex Ward, 23, is one happy-go-lucky person whose passion for writing has earned her one big step towards the dream to become a professional journalist, in the same field where her father used to be. She has already been working for almost 2 1/2 years, just after graduating due to her constant efforts of living only to herself. Naturally, Alex is still standing somewhere near the starting line, up to now that she's mastered doing odd jobs, and finally allowed to do some interviewing.

She had been independent since high school after her father left her 16 years ago. Her mother, however, died after delivering her. While her father did love his family, she still loved her father, and admired his work of "bringing the truth" to people but at the same time, resented how he took them aside: prioritizing his job over the happiness of his family; never being home; and finally getting himself killed so he could never come back. And now that she has decided to take the same path, she has promised herself that she'd put her family on the same level as her job.

She was very lonely, nonetheless, having been grown in self-dependence, she has the tendency to mask things inside and out; energetically pretend to be happy as her principle in life would go onto thinking positively at all costs. She can’t cook, but very much so would she appreciate the company of her friend, Kasumi.

Alex doesn't notice the gap between what she wants and what other people want very well. Someday, she might realize this, and change her field. But, even though she doesn't make a big deal out of small things, she does firmly state her opinion, often enough to have frequent conflicts to her current editor in-chief. That's why she's thought of as audacious and kept an eye on. Well, life doesn't have places where you can do as you like so easily.

What’s left of her is a handmade stuffed bunny, a lucky charm which her father gave her before his death.



Mada yaru koto ga arimasu no!

- - - - - - -
"To be forgotten, is worse than death."

Re: PinoyManga
Link | by lei8iel on 2006-02-11 16:41:52 (edited 2006-02-11 16:45:29)
the next poster will be the 100th one... hehehe... kahit tayo tayo lang ang nagpopost umuunlad din naman... hehehe.. ^_^"


pwede siguro ako sa drafters o kaya penciler...
pagdating sa colors ok lang kung actual... pero kung sa pc kukulayan... di ako gano marunong jan... ^_^"
at wag nio na rin akong asahan sa pagsulat... weakness ko po yan... ^_^"
so sino pa magv-volunteer??? drafter, penciler, writer and color...
nice idea japaniceboy... can we call you marko? ang haba kasi ng japaniceboy... hehehe...

dies mono dies

Re: PinoyManga
Link | by jhong on 2006-02-11 17:37:57 (edited 2006-02-11 17:43:05)
"ano kaya magandang group name natin??? gendou manga productions inc. hehehe!"

o nga no? seryosohin na natin to at dapat gagawa na tayo ng trademark! maganda rin kung magkaroon tayo ng sariling website para dun ilagay yung mga pic at yung final story per series/episode... ang saya! pero gusto kong dito pa rin tayo mag organize. ^_^

@lei8iel
astig yung character ko. galing mo talaga.

love & peace

Re: PinoyManga
Link | by Immortal on 2006-02-11 18:34:40 (edited 2006-02-11 18:35:31)
di ako nakapag-login for 2 days a...eto ung nakikita ko noon pag ino-open ko ung site:

Reason For Banned: Reggie Monterde!

who the heck is "Reggie Monterde" anyway?


@marko...

oo, kamukha mo nga! astig a! pero parang nabawasan ata ung timbang mo...hehe... pero pwede na yan! sariling character naman ung hinihingi diba?

@amano-san...

ang galing mo talagang magdrowing! kuhang-kuha mo ung description ng character mo at fit na fit sya sa occupation at background nya...mas maganda kung malapit sa kulay orange ung buhok nya pero black & white nga pala ung manga....

napaka-cruel naman ung character mo kay Allen! siguradong laging may bukol si Allen sa maga eksena ng Manga...gawin kaya natin syang asisstant mo sa Manga?

@lei8iel...

wow! talaga? me sketch ka na ng character ko? nice! ang bait mo talaga! ^_^

sino ko dun sa mga dinrowing mo? ung pang-lima ba? astig lahat a! pwede bang paki-igsian ung bangs ko? ung tama lang ung haba para sa isang Manga character...wala akong masabi sa mga mata nya...tamang-tama ung drawing mo sakin...

tropical country nga pala ang pinas ano? ganito na lang...isa ka sa mga descendant ng clan na nagmula sa northern hemisphere na may kakayahan na mag-manipulate ng different ice abilities...dagdagan mo na lang kung gusto mo...

gawin nating matalim at mas seryoso ung mga mata ni jhong...pwede rin nating gawing malungkot paminsan-minsan ung mga mata nya...ung ke seeker naman e gawin nating heartrob ung hitsura nya...(diba galing nga sya sa ibang bansa...)

diba na-post ko na ung outfit na gusto ko? eto...

"about the outfit...alam nyo ba ung ED theme ng Samurai Deeper Kyo? diba sa pinakahuli nun e may nakatayo sa background na naka-back view (si kyo ata ung nakatayo dun...ewan.). ganun po sana ung gusto kong outfit...ung 2 katanas naman nya e nasa likod nya.(medyo me pagkakahawig din dun sa outfit ni Ishida Uryuu...)"



@oturan_22...

tama ka. dapat nga e may love story din ung manga para maging malasa sya sa mga readers at hindi lang ung puro bakbakan lang...kung pwede e lagyan din natin ng kaunting comedy...

ang ganda ng pagkakaayos mo sa story...dapat isali rin natin sa Manga ung mga historical

events & tragedies noong panahon ni marcos...kasama na rin ung mendiola masaccre at ung pag-asassinate kay ninoy...

@shimizu...

sali ka na dito samin! ang kailangan lang e ung character description mo tapos ung story at background nya...kung gust mo e samahan mo na rin ng mga special abilities tapos ung drawing nya...

@Kino-chan...

"Manga!" po hind "Mangga..." gutom ka na ata e...kain ka muna...walang extra-extra dito...dapat e me sariling mga roles ang mga characters natin dito para di tayo maging pabigat...

@everyone...

kailangan natin ung pinaka-final na design ng mga characters. ung front, side, back at full body view ng mga characters para pag may babaguhin e madali na lang i-point out...sana hindi ma-reject ung Manga natin...mag-party tayo pag naging successful ang relase ng Manga natin ha? masaya un! ^_^

di ako ganun kagaling mag-drawing kaya sa colors ng Manga na lang ako papasok...

kung website naman e pwede kong kunin yan...pero matatagalan akong gumawa ng website...

Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Back | Reverse | Quick Reply | Post Reply |
Go to page: 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, ... 25 Displaying 81 to 100 of 513 Entries.

Copyright 2000-2026 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0061 seconds at 2026-07-18 07:43:45