Back | Reverse |

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-11 01:48:53 (edited 2008-07-11 01:49:13)

Happy
Birthday


fieL

-*-

Wish you all the best and may
you have more blessings to
come!!

-*-

>> yan a pati dito binati kita!! <<
>> ingat nalang palague <<





@ate gij
+ nyahaha xP ndi mo naman sila need iterorize kasi mabait naman
mga tao dito!! ipon ka muna dahil need mo ng malaking datung pag
andito ka weeee!!

request??? avy + sig or profile request?? ndi ako sure sa profile
request pero kung simpleng animation at table e kaya kaso medyo
matatagalan ng konti

thanks xP cute ni miku!!

kilala ko si mich xP sya nga kauna-unahang mod na gumawa sakin
ng avy e xP kinopya ko lang yan ke kogz kaya ndi ko alam kung
sino yung version 3

>> editz first post <<

@RiN
+ lol mambola?? wala sa vocabulary ko yun e sowee >,<
im just telling the truth =w=

marami kasing uses ang mga loops kahit na ganun lang
sila. For simple to complex [NESTED Loops]
hirap nga lang isipin kasi ndi naman ganun kadali
gamitin ang mga loops xP

pero sa totoo lang kung bibigyan ako ulit ng chance, ang
sarap maging college student sa pinas ulit since ngayon
ko lang nakuha yung logic ng programming xP bakit
kasi ndi ko sineryoso yung course ko nung college e =,=

aw buti at ndi ka naman nagkadengue...kala ko nung una
e palusot mo yung absent thing xP naranasan ko rin yan
kaso sakin naman sports fest namin nung time nayun xP
ako pa naman nakatoka sa chess namin nuon nyahaha!!
tapos absent ng 1 week << equivalent sa sports fest namin



You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by sadako_amane on 2008-07-11 03:25:02
@kogz
oo nga...
parang anime naman talaga ang buhay e...XD
wag ka magalala,
ayon sa anime cliche,
magkikita kayo uli kapag hindi mo ineexpect...
hmmmm...yuri?
ok lang pero mas gus2 ko YAOI!XDDDDDD

@rin
huweh?XD
miriam po ako, communication arts...
kaw?
^_^V

@neon
hmmm...
kau po si neon! XD

@xero
scary pics...=_=

@Z(par...XD)
ndi p yata ako nagaaral nung napanood ko un...XD
ang unang hilig nman po ni kuya, yung mga sentai...
BIOMAN!POWER RANGERS!
nagpopose pa po yan!

@nakakadeadz
=_="
panu mo po nalaman...?


@fiel
bday mo po?
HAPY BDAY! =^_^=



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by ayu_mia6 on 2008-07-11 05:10:39
~Kuya Z~
rawr, nice pic! may nakadikit na chix sa akin *thumbs up* XD
emergency cases like? kapag malakas na ang agos? O.o
nooooooooooo! dapat di mo pinayagang sirain nya ang maganda/legendary cellphone na yun >.<
curse youuuuu! T.T
rawr, never in my life na nakakita ako ng fade away dunk shot! wat da hell >.<
di maiimpress prof ko nun, baka mawirdohan pa sa akin at bigyan ako ng SINGKONG malupet! O.o

~Rintot~
ah, pasensya...
rawr, 9' x 12'? may papel palang ganun?
hahaha, nagkataon nga namang lesson nyo ang undefined, well as far as calculus is concerned, square root of -1 is undefined XDDD
no no! suka + toyo= adobo!
rawr, ano kinalaman ng HDD plus dual core processor sa high grades mo? o.O

~Ate Syrel~
woot, good work po! nice one! >.<

~Sumner~
lolz, kakatawa yan ah! XDD

~Nakakadedz~
lufet ng namez mo ah! XDD
rawr, so we'll never know who burned those babies >.<
hehehe, basta trip mong tugtugi, kahit senti???

~Fiel~
Happy Birthday apo kong baka in short Fiel



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Fielitoz is back in town :3 on 2008-07-11 05:43:27
THANKS sa GREETINGS GUYS **HUG. :D ****

oi thanks sobra sa mga un. anyways ka2tapos palang ng midterms. aun maka2balik na ako.btw.. kamusta na mga bio nio? di ko pa nabasa lahat ng pages pero masaya ako na nakita kong naka2pag cooperate kau :).. thank God sobra.anyways..
i'm so happy sa skul. first time ko nakapag enjoy ng grabe grabe :D.. ito share ko..

FIEL's BDAY CELEB in CSB


thanks charles and gino :D

thank you sa LF1X *section ko* for making my day complete :D.. ang thoughtful grabe.nagulat ako.


PARTEEE TIME!

nakaka-touch kasi they bought me pa a CHOCOLATE CAKE pa. grabe thank u to my beloved family-kada-blockmates..aun nag doble regalo pa ung iba.. i was so touched talaga.. T___T..THANKS ALSO TO MY BIBSTUD PROF SIR DINO..!!! THANK U POOOO.. ***nsa right :P***


my kada :D

woooot.haha MY KADA PALA GUYS ... :D


un. lalang. nga pala..KELAN NEXT EVENT?
sa mga wala pang bio dyan, deadline na today :D pero extended till tomorrow kasi i have a lot of things to do pa.. may midterm paper pa ako chem and wordproc :).. anyways thanks for all your cooperation guys. i really missed you all.
Katekyo hitman


next in my list :D sana mapanuod ko na..
-from photobucket Ü

++ICH
oi. sobrang thank u grabe. ukie lang.ukie lang..grabe chocolate pa thanks talaga.
sige i'll join nalang talaga summer :).. anyways.. uo.. haha nakakamiss. may kausap
akong elderly.. **hahahaha :)). but i'm 17 na. la na i'm kinda old na rin. but yun.thanks talaga.

++LOLA MIA
sobrang thank u lola.. sobrang touch akuuuu ****** T___T.. lola PA CHEESEBURGER :O

Prince Noctis is my new FAFA :3

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-11 05:49:04
Sa wakas nakapag post na rin.
After 1 decade!

Lolo Z.
`hahaha!
`dang poge nung unggoy!
`sympre mas poge si lolo.
`kanino pa ko magmamana..
`..edi sa lolo na dvah?
`wink.wink.wink.
`ou na lang.
`ayaw mo pa ee.

Anime
`....

Ate Clarevoyance?
`Opo. CAT nga po.
`ehem.
`pero hindi po ako Officer.
`Isa po akong dakilang Clerk.
`Na naglilista ng Attendance.
`bwahahahaha!
`meaning po, pasaway lang kami sa larangan ng CAT.
`ehem.

Claymore?
`kaw si Duke, dude?
`jajajaja!
`nice one.
`hindi ko malilimutan ang sinigang aa.
`nakakontra na.
`pagluto mo ako.
C:

Ate Fiel.
`ako nga nadapa ee.
`wala lang.
`epal lang din
[x
`happy BEERday pu.
`advance? belated?
`waaaa.
`tsup.tsup.

Sadako.
`ou libre kita.
`pagnagkita tayo.
XD

Ate Mia.
`nyee.
`ganun.
`sabagay ako rin mahina sa topic ee.

Ate Neon.
`waaaaah.
`hahaha!
`at least po may alam sa t**t.
`para u knw..
`..hahhaha!
`basta..basta..
`pagnakilala niyo po ako,
`tahimik.
`pero pag nakilala niyo po ako ng lubusan..
`..dun niyo na ko makilala.
`hahaha!
`gets?
`hindi ko din naintindhan sinabi ko ee.
xD

Maja-wifey.
`tsup.tsup.
`i labs u.




Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Anime on 2008-07-11 05:56:03
@Ukissa
.................

@Fiel
Happeh B-day po...

@Sadako
LOL

@Neon
Thanks.

@Nakamamatay
Wow...
Black Kat...
Di pa ko nakakakita ng ganun...
xDD


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-11 07:18:42
@MIA: salamat!



@FIEL: HAPPY BIRTHDAY FIEL!!!!!!!!!!!!



WORLD CYBER GAME NA BUKAS!!!


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by dustiest17 on 2008-07-11 08:41:13 (edited 2008-07-11 11:31:19)
@nakakdedz
heheheh 09054438674 yan poh.... kea lng underconstuction ang cp ko ehhh
peo sandali lng e2 ausin....^^V

@ukissa

ako ngah e2 hehehe c duke parin e2 ^^V oist yung sinigang ko huh!!! pa LBC mo n lng

@fiel

kahit huli na ang lahat
Photobucket


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by nakakadeadz on 2008-07-11 21:11:17
magandang, magandang, magandang, magandang umaga sa mga STAPS. andito na naman po tayo sa aking favorite segment ang (tantananan...)

mga kwentong barbero

1


ako: taena! napaghahalata ang edad ko dito sa company. 23 lang ako nung pumasok dito, ngayon 25 na'ko.
officemate 1: magka-age tayo, almost 2 years na nuh?!
ako: uu... di saktong 2 years kasi maaga birthday ko, february ako e
officemate 1: pareho tayo, february din ako e
ako: o? taena! dami pala nating february dito, meron pang magkaka-birthdate talaga, february 1

at kung san2 na napunta ang usapan hanggang sa mapunta sa ano'ng course ko...

ako: development studies
officemate 1: e di pwede ka rin pala sa hr
ako: hindi 3 units lang human resource subject ko, more on politics at economics ako
officemate 2: hindi siguro totoo ung power ng psychology nuh?! ako kasi hindi ako naniniwala dun
officemate 1: (di na maka-relate)
ako: (walang kamalay-malay sa gustong palabasin ni officemate 2) uu... ako rin di naniniwala dun e. kasi sa totoo lang di mo na kailangan ng professional background para lang malaman ang ugali ng isang tao or kung anu-ano ung mga nakakaimpluwensya sa ugali nating ganun. halimbawa ung mga nagpapakamatay, normal lang naman na maisip nating sobrang depression un na hindi na nakayanan at tanggap naman ng lahat na meron talagang mga taong may suicidal tendencies kaya sa totoo lang hindi natin sila pwedeng i-judge. sakit kasi un. blah, blah, blah...
officemate 1: sige nga gladz anu ba nababasa mo sa'kin?
ako: (di ko siya nasagot kasi ba naman si officemate 2 bumanat ng ganito:)
officemate 2: kaya nga e. hindi totoo na magaling pumil ng mga empleyado ang mga nasa human resource, kasi BAKIT ANG DAMING BALIW NA NAKAPASOK DITO? *ebil laughs*
ako: honga nuh?! *joins her ebil laughter*

2


ngayon ko lang nalamang babae pala ang pusa naming itim. all along akala ko lalaki siya. one morning hindi siya mapakali, sige ang iyak niya at roll ng roll na ewan. ung dati naming aso (na nadeadz last year at talaga namang humagulgol kaming magkakapatid: imagine ang tatanda na namin. taz umiiyak kami habang nililinis namin si sneezle, the dog, at sa sobrang lungkot namin nun mga kapitbahay namin ang naglibing sa kanya, huwaaahh naiiyak pa rin ako pag naaalala ko) nung buhay pa un, pag nagro-roll un at di mapakali ibig sabihin lang may nakapuslit na garapata. utol ko matyagang magtanggal nun. taga-paligo lang ako. ahahahah...

kaya naman nang mag-roll din si night, the kitten sa harapan ko inakala kong ginagarapata rin siya. hayun pala, NAGLALANDI NA ANG PUSA NAMIN. at nun ko lang nalamang babae siya. ahahahah...

3


dahil sa staff reshuffling binigay nila sa'kin ngayon ang isang operator na sobrang inaayawan ng mga proofreaders. kung anu-anong babala ang natanggap ko. habaan ko daw nang sobra ang pasensya ko dahil mauubos siya agad sa operator na iyon. at ngayon ko nga nasubukan ang sinasabi nila.

well, ayuz naman. mula alas-sais hanggang alas-onse medya namin ginawa ang 31 pages na document. 31 pages lang un. lagpas kalahati ng shift namin pinagtulungan. nakapag-type na nga ako o. sa tagal kong naghintay sa kanya. haba na ng naikuwento ko. pero kahit ganun, di naman naubos ang pasensya ko. matyaga ko siyang tinuruan ng mga tamang gagawin. dahil ayokong magmukhang matanda sa konsumisyon.

at hanggang dito na lang muna ang ating mga kwentong barbero dahil nagugutom na po ako, mag-lunch break na'ko. (opo huli kong tina-type ang mga ito; una ang mga replies)

eto na ang mga replies:
syrel

ate tawag sa'yo ng nakararami? hmmm... lagpas 20 na rin age mo? pero not enough para lagpasan age ko nuh?! ahahahah...

at dahil dyan nagkaron ako ng theory na ung mga nasa 20s ay hindi ako tinatawag na onee-chan. aheheheh... si ich dati di rin ako tinatawag ng ganun pero ngayon may onee-sama na lagi. pero the rest ala na. si kogz naman nang-aasar lang. pero kahit kailan di ako ginalang ng payatot na un. ahahahah...

binabati kita marunong ka ng magkulay ng post mo. aheheheh...

uu... mahilig ako diyan, mag-reminisce. periodically spacing out. ahahahah... nabubuhay sa past. nyawww... ganun lang lifestyle ko. hindi ko masyadong iniisip ang future. present at past lang. ahihihih...

rin

una: di ko pa naiisip talaga mag-asawa wag lang akong aasarin ni mama na matandang dalaga. ahahahah...

pangalawa: ipo-post ko pic pagbalik ng pinakamamahal kong PC. aheheheh... before and after pa. daming lalaki ngayon sa rooms ko. magagandang lalaki, nakakahiyang maghubad. ahahahah... sa kuwarto pa naman ako nagbibihis. ngayon naiilang na'ko. feeling ko nakatingin sila sa'kin lahat. ahahahah...

note: posters lang sila. ahihihih...

pangatlo: uu... silent talaga ako. kaya nga madaldal ako pag nagsusulat. pero hindi ako geniuuus. ahahahah... mababa lang IQ ko. ang EQ ko di ko sinusukat. ahahahah... di naman kasi un uso dati. ewan ko kung pa'no ko nagagawa ang mga bagay na ganun dati basta ang sure ako, may kakaiba sa memory ko. nag-ilusyon pa nga ako na photographic siya e. ahahahah... taz nung dati kasi may software sa PC ko na tini-test ung memory, ung letters lang na mag-flash sa screen taz mawawala, taz nun ita-type mo kailangan exact na ayos. kung ilang letter ang matatandaan mo ganun ung number ng sentences in exact form na kaya mong tandaan sa isang paragraph. nag-above average ako dun sa test na un. sa klase, kahit hindi ako mag-notes basta nakinig ako sa lecture kaya kong mag0-exam nang walang review. pero since lagi akong absent at late, madalas akong manghiram ng notes ng iba. pag malapit na exam gumagawa lang ako ng reviewer ko based sa notes nila taz babasahin ko lang un habang nasa byahe ako. 2 hours kasi byahe ko mula bahay hanggang school. taz nun papasa na'ko sa exam. dun ko napapahanga mga tropa ko nung college e. ahahahah... kasi madalang na nga raw akong pumapasok, lagi pa'kong late taz pagdating ng exam mataas pa score ko sa kanila, or ako papasa, sila hindi.

pero ngayon pakiramdam ko nag-deteriorate na memory ko. na-post ko na nga ata yun dati na parang sobrang puno na ung memory card sa loob ng utak ko at nagkakaron na'ko ng mga lapses. ahahahah... hindi ko na natatandaan gaano ung mga short details, ung mga importante na lang. ahihihih...

signs of aging? ahahahah...

pareho tayo nakikilala lang din ako pag may recognition. naaasar nga ako kasi naririnig ko pa ung mga stage mother ng ibang bata dun tinatanong kung sino ba ako? ahahahah... kaya minsan nakakatamad um-attend ng mga recognition days. nyawww...

about sa hindi tinatanong kung ano'ng standing mo dahil malaman lang na pisay ka e oks na... naranasan ko naman yan nung college. basta UP ka, huwaw! agad ang mga tao. ung iba namang insecure tatanong kung ano'ng campus mo (feeling ko sila ung mga di nakapasa ng UPCAT), pag nalamang MANILA campus lang ako, ganito reaksyon nila: "AY! UP MANILA KA LANG PALA!" e hindi ako nagre-react sa ganun. i'm too shy to say anything kahit na parang medyo na-offend ako. nung kinwento ko sa kaklase ko sabi ba naman ng mga tropa ko, "BAKIT? SAN BA SIYA NAG-AARAL?" sagot ako "tooot..." sagot nila: "TAENANG YAN! DUN LANG PALA SIYA NAG-AARAL. MAHIYA NAMAN SIYA SA'TIN NOH?! IPASA NIYA MUNA UPCAT BAGO SIYA MAGGA-GANUN!" ahahahah... napaisip tuloy ako. hindi yata alam ng mga tao na wala namang difference sa curriculum ang mga campuses ng up, pare-pareho lang din kami ng in-exam.

kaya lang nung tumagal-tagal na'ko dun napagtanto kong kahit ung mga mismong estudyante ng bawat campuses nangdi-discriminate. number one na dyan ung mga taga-DILIMAN. kapag mga nasa provinces ung tatanungin, baguio, iloilo, etc. medyo nayayabangan sila sa mga taga-diliman, tapos naa-artihan naman sila sa mga taga-manila, marami daw kasing konyo sa campus namin. naalala ko pa ung pinsan ko na ahead sa'kin, up baguio siya, pag daw naka-1 year na daw ako sa manila, lumipat na daw ako ng diliman kasi maaarte daw tao sa manila. nung time na un extension pa lang ng diliman ung baguio campus, nung naging autonomous siya nag-iba na tingin nila sa mga taga-diliman. kasi naman ung ibang mga taga-diliman talaga medyo discriminating.

kaya pag ang away sa pagitan ng manila at diliman naman (since pareho lang naman sila halos ng passing grade na requirement sa upcat, nagkakatalo na lang sa availability nung course), sa manila daw maraming recon(sidered), mga waitlisted na nakapasok dahil may available pang slots, may mga pumasa na hindi nag-enrol so binigay sa kanila ung slot or ung mga nailakad. sa diliman naman napakaraming transferees, e medyo iba rin ang tingin sa mga transferees kasi madali lang mag-transfer sa up, as in kung di ka nakapasa ng upcat pero gusto mong mag-up pumasok ka ng isang taon sa isang school kung saan madali kang makakakuha nang mataas na grade. pasok ka na. imagine mo hirap makakuha ng 1.0 sa up, sa ibang school madali mo lang makukuha un. taz dahil dun pwede ka nang lumipat sa up. habang ung mga nakapasa sa upcat halos nagpapakamatay na para makapasa lang sa subject nila or ma-retain ung course nila (hindi kasi basta2 nagki-kickout sa'min.^_^ pag napansin nilang di mo kayang ituloy ung course na kinuha mo, nagbabagsakan grades mo, mag-o-offer lang sila ng ibang course, kung ayaw mong magpalit ng course, lumipat ka na lang ng school. may brods and sisses akong nursing sa up, lumipat ng ibang school dahil dun).

isa pang panlaban namin sa diliman nung time namin, majority ng mga oblation scholars (top 10 sa upcat), nasa campus namin. ahihihih... ung top 1 med ang course. nyawww... naisip ko pa nga nun, yabang2 naman nung mga nangdi-discriminate na diliman students, bakit? ano bang course nila? mass comm? language? dami ko kayang kaklase sa manila lumipat ng diliman dahil di nila makayanan course namin. ahahahah... ang theory pa sa'min, kung ayaw mo ng math mag-mass comm ka. kung gusto mo talaga sa diliman campus kumuha ka ng course na hindi mo naririnig sa radyo, napapanood sa tv, o nababasa sa dyaryo. in short, hindi kilala.

kaya lalong na-bad trip si ermat sa'kin. hindi rin naman daw kilala course ko, nagpabagsak-bagsak pa'ko sa calculus, bakit hindi na lang daw ako kumuha ng ibang course sa diliman. ahahahah... nawalan ng saysay ang mga argumento ko. lumalabas na the best pa rin ang diliman. nyahahah... ewan ko sa kanila. basta ang lam ko, mas mahirap ang MATH 100 (calculus) namin sa Manila kesa sa Diliman. kasi daw may elements sa MATH 100 namin na wala sa MATH 100 nila pero meron sa ibang MATH. ung MATH 100 kasi namin para sa mga biology at development studies students kaya kailangan mag-fit sa both courses ung requirements. ang MATH 100 yata sa diliman, para lang sa mga BS courses, engineering, stat. e since marami pa silang calculus na pagdadaanan bukod sa MATH 100, hayun! mas simple ang curriculum nung sa kanila kesa sa'min.

ang isang maipagmamalaki lang talaga ng diliman sa'min ay ung lifestyle dun. marami ka talagang matututunan na labas sa classroom pag dun ka sa campus na un nag-enrol. saka mas maraming pang-masa dun. saka tingnan mo mas confident rin sila kesa sa'min. mas maraming tao, mas maraming kultura, mas maraming influences, mas maraming opportunities for growth. at higit sa lahat walang UP AME sa'min. kung meron nun, e di sana dati ko pa nalaman ung tungkol sa mga cosplays. e di sana bata pa'ko nung nakilala ko tong gendou. e hindi. matanda na rin ako nung napadpad ako dito. at dito ko lang nalaman ang tungkol sa mga conventions. in short, hindi ako naging bata dito. kaya hindi ako institusyon. mas institusyon ka sa'kin. grabe 16/17 ka pa lang pala ngayon. ibig sabihin ilang taon ka lang nung nag-member dito? aheheheh...

pang-apat: wala na yata talagang balak mag-abroad un at kalokohan lang niya ung pagpapahula. ahahahah... rejected ung proposal ko, kaya ngayon hanap uli ako ng ibang business. ahihihih... common na kasi ung sinuggest ko.

panlima: uu... magkaka-anak rin ako pag nakahanap ako ng asawa. ahahahah... un ay kung hindi ako baog. ahahahah...

huwaw! sosyal ka talaga rintot. may yaya mga friends mo? malamang may yaya ka rin. grabeh! anak-mayaman. ahihihih... pag nagkakaron ako ng mga friends na tulad mo, naiilang ako. at dahil insikyora ako noon minsan may pakiramdam ako na gusto ko silang maging tropa para maambunan naman ako ng personality. ahahahah... sobrang mahiyain kasi ako nun. pero mas madalas umiiwas ako sa kanila. ayokong magka-friend ng anak-mayaman, baka mautangan ko ng pang-tuition e. ahahahah... taz maging slave na niya 'ko. aheheheh... nakakailang lang talaga. saka hindi ko kaya ung struggle pag gigimik taz di ako maka-relate o kaya hindi ako makapag-share ng gastos. ayoko pa naman ng ganun. dati nga kahit birthday ng tropa ko taz manlilibre siya, nahihiya ako nun. kung pwede lang hindi sumama. pero na-realize ko ganun lang talaga ang magkakaibigan, give and take. pag birthday ko nga ubos ang budget e kasi pati pamasahe nila sinasagot ko. pero ala talaga akong naging tropang super rich. hindi rin naman nila ko kinakaibigan. hindi rin ako binu-bully kasi hindi naman ako mukhang mahirap pa sa daga. ahihihih... mga tropa ko lang ang bumu-bully sa'kin. ahahahah...

uu... sa main nga un. ung sa QC. bakit kamo? taena! tagal2 na kitang nakakausap di ko lam na davao-based ka nun. ahahahah... kala ko taga-rito ka lang mega yaya pa ko twing may gimik kami. ahahahah... ung maria lea villanueva ba un? taga-gendou rin ba siya?

grabe! naubos powers ko sa kwentuhan natin. ahahahah... ang daldal ko pag ikaw saka si z ang kausap ko. siguro kasi ang daldal niyo rin. saka may sagot kayo sa lahat ng kwento ko at talagang binabasa niyo pati mga kwentong barbero. ahahahah... nakakatuwa naman. siguro kung pagsasama-samahin natin powers nating tatlo, makakagawa agad tayo ng v.15 nang wala silang kalaban-laban. hindi pa spamming un kasi ang hahaba ng kwentuhan. ahahah...

ich

ay character ba talaga un sa isang anime? kala ko gawa mo lang din.^_^ hankyut nga. ganda ng mata.^_~

alam kong need ko ng maraming pera pagpunta diyan, kung kailangan nga isang maleta ang laman puro pera lang. ahahahah... pagdududahan siguro ako nun sa airport.

request ko profile. aheheheh... ava or sig? hmmm... sig na lang. ayoko ng may ava. gusto ko nic ko lang nakikita para kakaiba. ahahahah...

kala ko di mo kilala kasi clickable naman ung ver.3 na nilagay mo kaya akala ko na-browse mo na un taz nakita mo na kung sino gumawa pero di mo pa rin kilala.^_^

sadako

kasi po nag-text si marko kay rey, nung time na un ka-text ko si rey at siya nagsabi sa'kin. kaya kinuha ko number ni marko at binombard ko siya ng mga texts kahit suncell siya. babae ka po kasi kaya nag-aalala ako. katatapos lang ng balita nun sa gang rape sa 16 year old pup student. e sobrang bad trip pa'ko nun sa balitang un. kaya hayun! nag-alala ako sa'yo. ahahahah... may hinala nga akong ikaw un e. ahahahah... wag mo ng uulitin un ha?! kaw talaga. kahit ganon kuya mo loves ka nun. pagpasensyahan mo na lang kasi hindi normal. ahahahah...

mia

ganun na nga. like so many other cases, we'll never know who did what.^_^
hindi ako tumutugtog ng senti.
pag music ang usapan. rock lang ang alam ko. ala na'kong alam sa iba kaya rock lang ang nasa isip ko.^_^

kahit na nung namatay si kurt cobain (at pansamantalang nagimbal ang alternative music scene, na kaya tinawag na alternative ay dahil sa ito ang naging alternative nung time na sikat na sikat ang glam rock, pero originally grunge talaga ang genre na un ng nirvana na sila rin ang nagpasikat, medyo dirty at pang-garage ang tugtugan), at nauso ang boybands at namayagpag ang hiphop, samantalang sa pilipinas naman nagbalik ang mga balladeer (remember nung sumikat ang nirvana, sumikat din ang mga banda sa pilipinas; honga pala, ung ibang alternative na tugtugan na-demote na sa pagiging pop rock, o ung rock na POPular sa masa), hayun! medyo nagkaron din ako ng orientation sa mga boybands.

at dahil nga nagsasayaw ako nun, habang nagpapatuloy sa pag-aaral mag-gitara (grade school ako nung sikat na sikat ang alternative at nun din ako nagsimulang mag-aral mag-gitara, kaya high school ako nung sobrang mahilig sa pagsasayaw kasi hindi na folk dance ang sinasayaw nun di ko kasi ganong trip ang folk dance at high school ako nang sobrang mauso ang mga boybands), naging bahagi rin ng pagiging musically inclined ko ang mga un. trip ko nun ang 5ive bad boys with the power to rock you. ahahahah... masarap kasing sayawin mga tugtog nila kesa sa backstreet boys. pero nagagalingan talaga akong magsayaw sa nsync. at feeling ko walang makakatalong boybands sa kanila kung sayaw lang pag-uusapan. pero kung boses, napapangitan ako sa boses nila. ahahahah... saka normal lang na magkaron ako ng ganung moments nung time na un dahil ala kang ibang maririnig sa radyo kundi mga kanta nila. mae-LSS ka talaga kahit di ka mahilig dun. dagdag mo pa mga tropa mong walang ibang pinag-uusapan kundi ang mga un. pati nga britney spears at christina aguillera pinag-aawayan nun. syempre kailangan may stand rin ako dun, at dun ako sa wala ganong fans (aguillera) ahahahah...

spice girl o all saints? all saints
backstreet boys o others? others

lam mo ung until the time is through ng 5ive? favorite ko un nun kasi merong part dun na tuwang-tuwa ako. minsan di ko na naiintindi ung message kasi pare-pareho lang naman ang mga love songs.

nahilig din ako sa hiphop nung mga time na un. (kasi patay talaga ang rock music nun. sa NU 107.5 mo lang sila mapapakinggan (lam mo ung lifehouse saka creed nung time na un sa NU mo lang mapapakinggan, taz all of a sudden naging pop rock sila. aheheheh... sa nu 107 ko ni-record ung "hanging by a moment". christian rock band pa tawag sa lifehouse nun. "one" naman ang favorite ko sa creed nun. pero nung naririnig na sila kahit sa mga bus, di ko na sila ma-tripan kahit ano'ng isipin ko. ung mga kanta ng creed na my sacrifice, etc. di ko talaga ma-appreciate. di na rin sila pinapatugtog sa NU nung time na un). saka bumibili ako ng tapes ng eheads kaya kahit pa'no hindi nawala ang rock sa sistema ko. kahit sumasayaw ako, mas gusto kong sayawin ung mga rock ang tugtog. ahahahah...) lam mo ung bone thugs n harmony? kabisado ko mga kanta nun sa the art of war nilang albums. 1 and 2. paborito ko sa mga kanta nila dun sa album na un mo thugs family tree saka neighborhood slang. tuwang-tuwa akong ni-ra-rap un. ngayon taena di ko na matandaan lyrics. pero kung may kopyahan mara-rap ko pa rin un. ahihihih... mabilis nga lang akong kapusin ng hininga kaya hindi ko kaya ung 2 kanta magkasunod ipapa-rap mo sa'kin. isa-isa lang. aheheheh... pangalan nga pala ng grupo namin nung high school THUGS. ahahahah...

mga kalokohan ng high school. may pangalan pa ang tropa, sini-celebrate ang anniversaries. ahahahah... may official tambayan pa. nyahahah...

tamo ang konti ng reply mo ang haba ng sagot ko. para hindi tayo maubusan ng kwentuhan. ahahahah...

in short, kahit nagkaron ng boybands, ng hip hop, nauso uli ang ballad love songs, ala akong alam sa genre nila. ahahahah... hindi rin ako mag-e-enjoy kung ipapatugtog mo sa'kin ganun. mas gusto ko pang pag-aralan tugtugin ung old school rock na hindi ganong maingay, parang senti lang din. asin, juan dela cruz saka 90s - eheads, yano, rivermaya, paroks. pero since hindi ako makakabisado ng chords, di ko na sila alam tugtugin, unless may songhits sa harapan ko. saka bass na kasi kinakarir ko. (actually, hindi talaga ako nangangarir sa pagtugtog. kagaya na lang ngayon, may half a year na'kong di nakakapag-bass ulit. simula nung sumali kami ng bandfest last november, hindi na uli ako tumugtog. ahahahah...)

anime

black aso namin saka pusa. ahahahah... dark name nung aso, night naman ung pusa.
natatandaan ko pa sabi ng tropa nung bunso namin (11 yrs old), budang, lahat sa bahay niyo rakizta mga ate at kuya mo, pati aso at pusa. ahahahah... adik na bata. ang daming alam.

duke

huwaw! globe ka? di tayo makakapag-chikahan nyan. magpapakwento kasi sana ako tungkol sa business dahil balak kong mag-venture into one. ahihihih... natatamad na'kong maghanap ng bagong trabaho, at ayaw ko na dito. aheheheh...

fiel

happy birthday!^_^

ang thoughtful nga ng mga blockmates mo, kung sa'kin ginawa yan. naiyak na'ko. ahahahah...

ganyan din sa block namin nung college. pero mahihirap lang kami kaya sabay-sabay celebration nung mga mag-bi-birthday sa isang month. ang nakakatuwa pa dun, bili-bili sila ng cake walang mga kutsara kaya kamayan kami. talo2 na. ahahahah... paramihan ng icing sa mukha, chocolate pa naman. nyawww...

habang nakahiga kami sa kama, nyahahah...
WALANG KOKONTRA! Isusulat ko name niyo sa death note ko. hmm...

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by zparticus27 on 2008-07-12 02:49:03 (edited 2008-07-13 07:27:43)
naku mukhang naghasik nanaman ng mahahabang post (lagim?) si ate gij ah!

good job ate! ^_^V

@fiel
happy birthday apo!
nakuha mo na yung rubber shoe cake na pinadala ko dba? ^_~
para lang yun sa pinakauna kong apo ^_^ (ikaw kasi nagkalat ng LOLO Z eh..pati si ukissa at alfhia lolo na rin tawag sa akin >.<) hahahaha

mukhang enjoy ng mga blockmates mo!hahaha
(naalala ko tuloy tropa ko sa cebu!Hahaha)
natutuwa ako at nag enjoy ka ng husto sa birthday mo ^_^

good luck sa iyo apo at GOD BLESS

@rin
ewan!hahahaha
ano ba talaga meron sa riddle na yan?
nakakainis na!hahaha

at kamusta mid terms nyo? mukhang nagpaka nerd ka talaga ah!hahaha

@sumner
aba nabisita ka sa STAPS! welcome pre!

@ate gij
langya..napakulay pala talaga ng buhay mo noh?
ayos,pati grading system ng elementary di mo pinatawad!hahahaha
ang ganda naman ng grade na yun..blanko..abot langit!hahahhaa

genius ka pala 'te!hahahaha
tama ka, wala namang saysay ang recitation dahil sa exams nagkakaalaman kung may natutunan ka dba...
kaya nga ako naiinis sa mga prof sa UE na panay pa recite...eh ang mahalaga naman eh pasado ka sa exams ^^

oo nga eh..naubos tuloy ang topic!hahaha
di kasi ako sing dal-dal mo eh!hahahah ^_^V

konti nalng at v15 na!kailangan hindi online si ich,jaydel at si kogz!ako bouncer mO!dapat ikaw gagawa ng bagong version!^_^

pa hug?! cge ba! ayan *hugs ate gij* awwwwwwwww hahahaa

@ich ok hihintayin ko yang orbital frame mo!(ilang beses ko na ba sinabi ito!hahaha)

@sadako
hahaha pareho kami ng kuya mo!Hahaha
magkabatch kami eh!hahahaha

@mia/gamera
wla muna pic ngayon at nagmamadali ako!Hahahaha
emergency pag tinagusan!hahaha

matutuwa yun sa fade away slam dunk shot mo!hahaha

@ukissa
yan ang gusto ko sa iyo apo,
hindi ka NAGSISINUNGALING!hahahaah
at bolera ka pa!hahahaha
*apir* hahaha

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by ayu_mia6 on 2008-07-12 06:10:48
~Fiel~
woot, mukhang naging masaya bday mo ah!
ur welkam, basta ba ikaw eh... rawr ala akong pambili ng chese burgerness!

~Ukissa~
woot welkam bak!
rawr, so where na ba we? XDD

~Ate Syrel~
walang anuman!

~Nakakadedz~
woot, way to go man! di ka dapat nakikinig ng senti, nakakdepress lang lalo!
huwaw! so lahat na pala ng klase ng kanta eh naencounter mo na?
ako kasi since naintroduce sa akin ang Japanese rock and pop, di ko na linubayan yun, kaya di ak gaanong updated sa mga recent or most popular songs noon kaya mga classmates ko eh nawiwirdohan sa akin >.<
grabeh ka talaga, dami mong alam sa kanta. kahit hiphop di mo pinapaltos
baliw! di naman tayo mauubusan ng topic as long as may commonality tayo eh XDD
hahah, may summary ka pang nalalaman ah! rawr, nahahalata tuloy na you lived in teh 70's 80's and 90's XDD
rawr, ever since parokya and eraserheads eh rocker ka na XDD
eh? bakit ka tumigil? kung passion mo yun eh dapat tinutiloy mo!

~Kuya Z~
rawr, tama lang na walang picture! XDD
hahha, pde namang mag takip sila ng twalya sa area na yun para di makita eh.
rawr, eh wala pa ngang nakakagawa nun eh, panu matutuwa prof ko ala naman syang mapagccompare-an



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-12 07:04:13
@fiel
+ sus ok lang yun xP so 17 na pala siya weee!! xD
gudluck sa school!!

@gij onee-sama
+ yup character siya:

Hatsune Miku
Vocaloid-01

ndi siya anime or anything xP

lol wag kang magdadala ng ganung maleta kundi pagdududahan ka
talaga nyahaha!! profile request? PM mo sakin info mo then
gawan kita ng simple codes with CSS narin ^^
>> ngayon lang ha xP samahan ko narin ng sig <<



You can visit me there!!

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Marcosius Lucifer III on 2008-07-12 07:37:27
anak ng tupa mahigit isang buwan na tong ubo ko ah.... ayaw mawala... mukhang may sakit na nga ata ako...

@ Koga
ahehe.. pero matagal p naman eh... makakapag ipon pa ako for sure!

@ Zparticus
ipon mode n ulet.. bawal uli kumaen...
katakot naman yung pinost mong pic para kay Lacus

@ Sadako
OK =_=...ikaw kotoko then si colleen sumomo.. yun ang bagay... =_=

@ Lacus
wala akong kuliti ! pigsa lang! hahaha! joke... *bites back*

@ Nakakadeadz
di ko rin alam kung kelan yung showing nun eh... T_T...
si Sadako yung nawala nun hahahahahah! ayan oh nagpopost na ulet XD...

@ Copy Cat Ren
Lindol!!!
suggestions can make the human mind take action subconsciously...
that 47 year old geezer must be proclaiming his magical words to give a suggestion to minds of latent psychics ... then there goes Philippines... -----Shibuya Kazuya a.k.a Naru

@ Fiel
Happy Birthday . . . :)

Marko's Friendster Portal

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-12 07:39:06 (edited 2008-07-12 07:40:25)
waaahh ang hirap naman ng gnito sa labas lang nagiinternet
sana mabyaran na namen haha

hirap ng gnto di naku makarelate
O.p naku :( XD hehe

Zparticus
-twing saturday ako makakanet pero sana mabayarasn na un sa madaling panahon XD

@mia
-musta? XD im Online every saturaday night XD

@neon
-yah la parin eh di pa nakakabayd XD

fiel: happy bday takecare always di ka na nagtetext XD

@marko
-oo nga di pa kami bayad XD

@ukissa
-di mo naku hinahanap ah XD

@ate gij
=hmmm hmm hmmmm XD
@rin
- hi di k n nagtetext XD

ich
-gwapings ka daw? XD

para san nga pla ung biodata? XD

miss ko na kayong lahat. takecare all Godbless


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by dustiest17 on 2008-07-12 08:26:23
@nakakadedz
ganun yaan moh bili agad ako ng bagong cp. @ sim hehehe
anu ngah ba yung tanong moh...? wag lang math huh nangangamote kc ako nun ehhh....^^
tanong ko lng sayo ba yung motor n un ung suzuki shogun 125 ata un.... kulay asul?

@z
di nmn cguro sa umaga ehh mga 80 pesos lng sa tanghali ehhh 50-80
sa gabi ehhh 100+ tpos midnight snack pa... kulang kulang 60 heheheh kea lang hirap na maghanap ng pera ngayon... buti ngah ehhh metinitirahan ako dami ko ngang bahay ehh sa mga tropa ko hehehehhe^^

@vinar
oist muztasa nah...


Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by siopao on 2008-07-12 08:30:02
hey nood tau sine sa 19.. :D paanayaya yan ni nakakaDedz..
amp d pa talga nag imbita ang lokah..

hahaha saturday po un,cnu gus2 sumama?

When we meet again, tell me all the happiest memories you experienced from this life.

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by りんーちゃん on 2008-07-12 08:59:54 (edited 2008-07-12 09:07:02)

@ all txters:


Hi!! :D hindi naman sa wala akong load, pero barat ako magtext these days ^_^
nakaka-add sa conscience na nag-pprocrastinate na naman ako while maraming mga gawains sa eskwelahan. D:

@ fielilot:






Haberdei!!!

.+.Kyitto.+.





Happy Birthday to you you~♫
Happy Birthday to you you~♪
anata ni okuru BA-SUDEI SONGU yo? OK? ;)








/ewan ko kung naabutan kase ambagal ko magtype ^^;
so belated na lang rin if ever!! ^___^

@ iCh


weeeh. magaling ka ba sa C? o__O magpapatulong ako sa 'yo one day, I can feel it. XD
ano nga pala course mo? :O

++ ayaw ko nga magkasakit ever, napaka-hassle mag-catch up. -,-''
I'm not very good at self-study stuff. D:

@ sadako


uuuy... ka-school mo si lois ^^
ako, CS sa dlsu...
wala pang majors though.
I'm torn. D:

@ miatot


nu. sabe ko 9"x12"... oslo paper? XD
huh? ngayon ko lang 'yan narinig ever. D:
anyways. what am I to know... whatever to calculus. harhar. XD
nyu. I'm not a fan of Adobo. XP
baka sakaling pagbigyan nila aking whims kung madDL akow~ haaay *asa* >_<

@ ate matandang dalaga gij


o ngayon, hindi ko na binasa ang iyong kwentong barbero dahil napakahaba na as is ng ating usapan. XD

una.) ako na lang aasar sa iyo *edits your header* ^^

pangalawa.) amf. maamo ang kwarto dito. to the point na parang haunted siya... ^^;
hindi ako pwede magpaslak ng kung ano² dahil
1.) not mine.
2.) 'di bagay.
3.) distractions.♥ XD

pangatlo.) WEEEH. memory person. XP
I'm no memory person. kaya ayaw ko ng social achuchu na 'yan puro memorize. XPPP~
++ parang hindi ka silent sa computer, ang habaaaa ng tinype mo napa-woah ako. :))

abaaa. mga epal feeler mothers. XP ayaw ko ng ganyan. hmf. D:
pero wala pa naman ganyan sa akin. :3 not because sikat ako. no no.XD people just don't care. :)) lol. XD
minsan nga, may person na kilala ako na hindi ko kilala... ako naman, oo lang nang oo. -,-'' (kakahiya kase... weh. XD)

HAHA. ang haba ng tinype mo about diliman && manila.
I had no idea there exists such rivalry. XD
naalala ko nga tatanungin ko sana sa iyo ano ang mas mahirap pasukan, ang diliman o manila...
dahil may mga nagsasabi sa akin na manila daw may mas mataas na standards whereas ang diliman ang second.
diliman mas sikat lang daw dahil mas maraming available courses...
most of them though, say na diliman talaga ang pinakamataas sa system. :O
I bet hindi mo rin alam, just a few months ago, dilemma ko ang choosing which college I should enter? ^^
kase, mga about March-April~ hindi pa rin ako nakakapili between lasal/up(dil)...
ewan, basta kase maraming factors... nilista ko pa 'yun somewhere in the STAP archive. hihi ^^
alala ko nga sabi ni mia: nakapasa ka acet+upcat, lasal ka pa rin?
⇑ ako naman ay: (o_O) OUCH. ~__~''
for one thing, ayaw ko talaga mag admu. hindi ako bagay dun. XP

henywaaays... basta UP, wala na akong alam. ^^
basta take lang nang take. haha. XD
sa amin kase mandatory magtake ng UPCAT + ung DOST scholarship thingy.
as in, kahit na hindi supported ang course ng DOST scholarship thingy, pinapatake pa rin. amf. D:

meron akong pren... nag UP-Man naman siya dahil ayaw talaga ng mother dear niya na mag diliman siya.
her mother's an alumni from diliman pa naman..
iba daw talaga environment dun. @___@
tsaka marami sa mga batchmates ko, medyo complaining na rin.. :O
ewan ko, pero I'm not regretting na I chose lasal over UP ^^

and oh~! isa lang sa batch namin nakapasok sa oblation :(
++ meron akong blockmate ngayon na oblation rin. ^^
pero he's not exemplifying any special outputs...
I mean, he's smart... to the point of being ABSOLUTELY MAYABANG && he isn't very athletic (can't hit a friggin' birdie).
pero in class, hindi siya nagttop anything... maingay lang siya na parang dalawa na ang teachers namin.. -,-''
I might say na we might've overestimated him. :|

hanu ba 'yan, ilang paragraphs ka na, sinisingit mo talaga ang age mo. XD
naging member ako ng gendoy, mga 14 ata ako... ^^
&& 17 ako ngayon... :( old na rin deshou? XP
pero alam mo ba (totally out-of-topic)~ abnormal ako! =))
I mean, hormonally imbalanced. alam mo ung once a year nagkakaroon? hahaha. XD
wala lang. :)) anlikot kong bata e. XD (kaya nga pala ako "baog") ← seryoso ako nun a.. :| LOL. XD

pang-apat.) suggest ko you guys should learn petroleum engineering.
o ung engineering na nag-momodify ng engine para ang magamit daw ang used cooking oil as gas. ^^

meron akong batchmate... magaling siya. no doubt.
nakapasa siya UP and all, pero sa palawan state univ. siya nag-aral
doon kase may petroleum eng'g. ata(?) ^^ basta yun...
risk-taker 'yun e. ++ mukhang pinayagan aman siya ng rents niya. :O
so good for her. :]

panlima.) ako flowergirl sa kasal mo :))
hindi ako papayag bridesmaid o kung ano pa man...
flower girl! one and only. teeenx. XDDD

woie!~ 'wag mo ipost full name niya dito... sinesearch pa naman niya name niya sa google. >.<
+ nope hindi siya member ng gendoy. ayaw nun sa anime e. haha. XD
++ mayaman is so relative. D: well-off is fine. it just so happens na mahirap ang pinas kaya "mayaman" na ang lagay namin. :O
baket ka naman ibubully? :O you watch too many telenovelas. XD
walang ganyan sa pinas, kapag may magbubully based on economic status, nakow~!
siya ang mamamatay sa kahihiyan + libakan. XP

hahahahahahahahahahah... :))
amfunny. XD ou, from davao ako.. :)) lolortz!~ XD
pero ang late mo na... since college na ako, baka december pa ako uuwi dun. :3
currently, I'm staying in makati with my siblings na rin.
pero as of the moment, wala pa ate ko dahil may business trip sila abroad.
basta 'yun!... sa monday pa ang uwi. XD
layas nang layas nakakaingget... nakita nga nila si Wu Zun sa Taiwan last year. AMF! D:
anyways, bahala siya. panget un. HYDE ako.♥ HarHar.XD

eto na nga... 200++ more entries to go.
grabe ang STAP. :)) murder. no mercy. lol. XD

@ kuya Zeee


nyaaaw~~~ alam mo 'yan. sabi ko sa 'yo mag.isip ka e. :))
madali lang siya pramis. ;]

WAA. is that sarcastic? haha.
ayun nga... murder ang chem. nosebleed. dugo². epistaxis.
gawsh. happy na ako if ever maka 50+ man lang ako. >.< (over 70 ba un o 60?)---
basta ang gagawin ni miss, over the highest na lang. :O

this week!!! MURDER GRABE to the highest level. D:
midterms sa basic comp concepts ← babasa pa ako ng 5chapters! TToTT
++ review ng lahat ng conversion + arithmetic ng hex/octal/binary... AMFFF!!! D:
+++ may 1's complement 2's complement pa; +++ scientific notation na binary ewaaannn... waaa. (my brain. ToT)
reaction paper about pirates of silicon valley
kailangan ko pang i-gets ang project namin for comp programming.
may lab exam pa kami sa comp prog...
may 2nd quiz sa algebra...
may lab report sa chemistry, and gagawa ng another lab(soap making)~
tas may presentation pa kami sa personal effectiveness @___@;

@ vhin


ou nga... sabe ko nga sa taas... XD
ambusy ko. D:

edits:



grrawr~ hindi ako makapag-aral. T___T


      
  m y . L i F E . i . t r a d e . i n . f o r . y o u r . P A i N .

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by on 2008-07-12 09:28:06
wuuuu STAP!!!

kakamiss naman kayo, ^____^ hahaha, sa CRoll kasi ako nakatambay ngayon, sa tagal ko kasing nawala, mejo na-lost na ako sa topic niyo, kaya di ako makabalik, wahahaha ^____^

nice to be back ^_________^

salamat sa mga bumati.. hehe


MARENG FIEL!!!! BRUHA KA!!! BDAY MO PALA!!! san ang handa! hehehe ^___^

sige po, gandang umaga, ingat ingat!



Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by Immortal on 2008-07-12 09:36:05
~
sana talaga hindi totoo yung prediction na lilindol nang malakas sa pilipinas desu~. pero kung mangyari man yun e sana mag-move yung buong pilipinas at mapunta sa Japan desu~! ^^

bat mga pala parang nauuso ngayon dito ang mga pics na galing sa 4chan desu~? XD

@Rin-chan...
kakatawa naman yung gif mo habang kumakain ka nung noodles or kung ano pa man yun desu~! parang nanonood lang ako ng isang chinese commercial desu~! ahahahaha~!

@Ich...
10,000 kanji desu~?!? palayo nang palayo ang pangarap kong manirahan sa Japan desu~!

@Neon...
haha~! medyo hindi nga pala maganda yung mga naninirahan dyan sa neighborhood nyo anu desu~? (dami din kasing nagrarambulan dyan desu~! naalala ko pa noon!)

sana nga matupad ang wish ko desu~! ^^

@Zips...
nuuuuuhhh~! hindi ko sila ini-istalk desu~! >< baaaddd yun desu~! hunting ang ginagawa namin de arimasu~!

sa Heart & Soul naman ako naadik ngayon desu~! ^^

aba! aba! aba! mukhang nagkakampihan na kayo ni Gij sa paggawa ng V15 desu~! sorry na lang kayo pero hindi ako mapipigilan ng ganyang napakahinang pwersa desu~! bwahahahahaha~! XD

ay~! diba me tinuro ka sakin na pwedeng pagbilhan ng mga VN na game desu~? Planetarian sana gusto ko pero di lang ako sure kung may english patch na nun desu~.

@Fiel...


sorry kung medyo late desu~! ahihihihi~!

waw naman desu~! mukhang naging masaya ang b-day mo ngayong taon desu~! kakatuwa naman ang mga barkada mo de arimasu~! ^^

@Gij Oni-baba...
buti na lang at tinamad akong basahin yung kwentong barbero mo desu~! ahahahaha~!

hayz~! lahat talaga ng mga tao tumitingin lang sa mga edad desu~! ina-appreciate ko lang yung cuteness nila desu~! kayo na ang mag-organize ni Rey desu~. nasira kasi linya ko ng model sa hauz tapos bka mga next week pa papakabit yung DSL namin desu~.

@Sadako...
hayz~! sana nga magkatotoo yun desu~! sana mala-cinematic ang aming pagkikita desu~! ahahaha~!

wah~! yaoi desu~! I'm not against it pero naiilang lang ako ng kaunti doon desu~! mas gusto ko talaga ng yuri desu~! ^^


Never forget the one whom you truly loved the most. People change but memories will never fade

Re: Shouts To All Pinoys [v.14]
Link | by dustiest17 on 2008-07-12 09:45:20
@stap's
padaan lng poh kc last post muna e2....^^V




trip lang pos iyan....^^V


Back | Reverse |
Go to page: 0, ... 24, 25, 26, 27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, 34, 35, 36, 37, 38, 39, 40, 41, 42, 43, 44, ... 48 Displaying 681 to 700 of 973 Entries.

Copyright 2000-2024 Gendou | Terms of Use | Page loaded in 0.0296 seconds at 2024-11-28 00:12:01