Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by "slick" Allen
on 2006-04-21 19:28:26
|
*bump* hoy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! namamatay na pusong noypi dito sa site! haller! ^_________^ ano pa ba yung ibang mga trhead natin diyan? buhayin natin! magbuklodbuklod taung lahat! samasama sa dulo ng mundo! may sasama ba??? hahaha! don't draw! as a knight of heaven i am bound to answer steel with steel. *van draws* foolish boy. |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-21 22:08:17
|
@allen madalang kasing gamitin yung Pinoy bonding part II(^_^). ngayon binuhay mo na nga @gij galing nang ginawa mo ah!, I mean mas gusto ko yung naglaban na sina Jhong at Rai, kaso ang settlement pala nang lugar nang story ay diyan sa inyo? Manila ba yan? maangas pala so Jhong, medyo may mali dun sa mga spelling kaso konti lang naman. nagtataka lang ako kasi siguro nalimutan mo lang banggitin ang mga tao..dun banda sa laban na nina Jhong at Rai, or maybe ala naman halaga na pansinin ang mga taong yan..(tinutukoy ko yung mga tao sa paligid nilang dalawa, of course medypo natakot sa una, and then nagkagulo, pero never mind na siguro kasi mukang obvious na ang kahihinatnan) @anyone? pano ba magkaroon nang Paypal account? namemeligro na ang gendou sa mga Bandwidth issues tapos naapektuhan pa talaga most nang mga favorite ko na kanta; may ilan sa Hunter X Hunter, Sakura Taisen, Himiko Den, Bleach, Ranman1/2, etc.. matindi ang kailangang donation ni gendou makaparticipate sana ako/tayo.. |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-22 02:06:17 (edited 2006-04-22 02:06:38)
|
@San-san... salamat naman at na-appreciate mo ung Manga desu~. haha! galing ni gij! exciting diba? yan dapat ang pinaka-focus ng manga: ang mga readers desu~. kahit ako e naastigan sa mga fight scenes nila Jhong at Rai desu~. ung chapter 1 e kailangang i-edit kasi kulang sya sa "essence" at pages desu~. kailangan kasi sa simula ng isang Manga e maraming mga pages desu~. mga 50+ dapat ung dami ng mga pages desu~. sa totoo lang e gusto kong tulungan ang site pero di ko rin alam kung papaano magkaroon ng paypal account. (pano ba un?) tsaka wala pa kong trabaho ngaun desu~. naghahanap pa nga ako e desu~. buti sana kung me "Donation Day" tayo dito. $1 lang ung idodonate ng lahat ng user dito sa gendou siguradong malaking halaga na rin ang mabubuo nun desu~! sana tayong mga noyPi ang magsimula nun desu~. |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-22 02:35:39
|
Di rin nga ako maka-donate T_T Sa tingin ko, kelangan natin ng bank account or something... Malay ko ba... At sa tingin ko, parang restricted lang yang Paypal sa US kaya.... AYan, buhay na ang isa sa mga threads natin! |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
|
Yep, you need a bank account. Paypal has a web page with information as to how you can apply for it. Mind you, we're talking in dollars here. Therefore, you need a minimum (if you wish to donate more than $10) of PHP 500.00 in addition to the maintaining balance. And yes, my imouto reminded me that you have to pay a processing fee for the whole shebang. Yes, PINOY AKO!!! Yun nga lang, ala pang pera kaya ala pang pang-donate. Dito ko nakuha yung opening theme ng FMP TSR. This site rocks, I tell you.
"The capacity to learn is a gift.
The ability to learn is a skill.
The willingness to learn is a choice."
-Rebec of Ginaz (Brian Herbert & Kevin J. Anderson)
|
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-22 11:01:04
|
hindi ko naisip mag-donate dito. hehe... i'd prefer doing more noble cause. malaking pera na rin ang 500 noh?! pwede na'kong makabili ng mga papel at lapis apra sa mga batang tuturuan kong magbasa at sumulat. katulad ng nasabi ko na, tuturuan ko ang mga batang hindi makapag-aral. kung tamad silang mag-aral mas tamad ako pero ipapakita ko sa kanila kung gano kahirap maging tanga sa mundong ito. kung magulang ang problema nila, ako ang po-problemahin ng mga magulang nila, dahil hindi ako madaling masindak. kung wala silang pera pampa-aral, mas kailangan nila ko. ayokong may mga batang pakalat-kalat sa daan at nanglilimos kung kani-kanino. lalo akong naaasar pag ako ang nilalapitan, kasi WALA RIN AKONG PERA. dapat maintindihan nila yon, pero dahil nakasapatos ako at sila nakapaa, nakadamit ako ng maayos at sila naman parang basahan lang ang suot, natural lang na isipin nilang may pera ako. nakakainis talaga! hindi nila mahingan ng limos ung talagang may pera kasi hindi naman yon naglalakad sa mga sidewalk, natural de-kotse sila. ang ugat nito... kagabi, nung magpagupit ako ng buhok. bumili kami ng ice cream ng kapatid ko, ung buy 1 take 1 na scoop sa mga nestle stand. siraulo kasi ung kapatid ko e, sabi ko na umupo muna kami hanggang sa makakain kasi hindi ako sanay kumakain ng ice cream sa daan. isa pa north expressway yon, ang alikabok, lahat na yon didikit sa ice cream. nasunod pa rin siya na akala mo mas matanda siya sa'kin. sa daan, papatawid na kami ng malinta exit. hinarang kami ng dalawang bata na dun na siguro nakatira. grabe, konti pa lang nakakain ko sa ice cream ko, nakaharang sila sa daan namin e maliit lang yon kaya wala kaming lusot. masaya ko namang inabot ung sa'kin, pero na-demonyo ako paglayo namin ng kapatid ko. kasi sinisi niya 'ko dahil napilitan din siyang ibigay ung ice cream niya. yan tuloy sabi niya bilan ko siya ng peach mango pie sa jollibee. waaaahhh... wala na'kong pera. nangyari na'to dati. nung may humingi ng mcfloat ko at nung may nanghingi sa'kin ng piso pero hindi ko alam kung ano'ng nakain ko binilan ko na lang siya ng doughnut na tig-15 pesos, sabi ko wala na 'kong pera kaya di ko na siya mabibilan ng inumin. na-guilty pa'ko non dahil may pera pa talaga ako kaya lang bibilan ko rin kasi mga kapatid ko, alangan namang siya lang. huhuhu... waaahhh... kailangan wala ng batang pakalat-kalat sa daan. maraming mga mapanlinlang na tao kaya dapat matuto sila kahit man lang bumasa at sumulat. kaya hindi ko naisip mag-donate sa gendou... |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-23 17:27:49
|
ate gij... wow! haba pa rin ng post mo, grabe. Idol talaga kita! hehehe gusto ko pa rin sana mag-donate dito kaso wala talaga akong maisip na paraan kahit 2 dollars lang. >_< hahaha Malaki na kasi ang 500. ANg rami ko nang mabibiling Cds diyan. 'bout sa mga batang lansangan, actually, di ako naaawa sa mga yan!(dito lang sa Zambo) Kasi kung dito ka sa 'min, sasapakin ka pa niyan pag di mo sila binigyan or pag di sila satisfied sa binigay mo. Nakakasira ng araw lalo na pag kulit kulitin ka ng mga yan. Hahawak hawakan ka ng maduduming kamay nila, pinapahid nila sa damit mo. Instead na maawa ka, maiinis ka pa. Yan talaga yang style nila pag di ka bumigay, hihilain nila damit mo o tutulakin ka o dudumihan ka. Peste.... Di ko makalimutan yung experience ko kung saan hinabol ako ng at least limang bata. Walang hiya yang kasama ko, tinago niya yung pearl coolers niya sa bag kaya ako ang hinabol tapos iniwan pa ko ng kaibigan ko. Di talaga ako bumigay. Mahal kaya yun... Tumakbo ako sa isang mall para di na nila ako makulitan pa Isa pa pala, mahilig pa yan sila sumigaw ng mga malalalim na Tausug bad words... Alam niyo ba kung ano ang Tausug? |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-23 17:46:07
|
Cge jaydel, introduce! Di naman masama kung may matututunan kang bago, di ba?
What if I jump out
of this speeding jeepney? Fly without wings Reach for the grey-painted heaven And out into the sea of infinity? |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
|
Konichiwa! Grabe ang dami palang pinoy dito!!! Musta na kayo? Betsy here bago lang (sa forum ha!) add nyo naman ako sa friendster! Sana'y maging ka-chikahan ko rin kayo >.< |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-24 09:52:07
|
elow mga noypi!!! padaan lang ha!!! [status:watching i-witness: PEPE'S MYTH] you rock PEPE!!!! mabuhay lahat ng pinoy na ROCKISTA!!!! |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
|
wala bang pinoy dyan na naggendou paggabi.... wala kasi makausap na pinoy minsan dito sa gendou... |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 04:36:47
|
~ yoroshkun, ice! sana makabonding ka din namin dito desu~! sige, add din kita sa friendster desu~. usapang pulubi pala dito desu~. naalala ko nung nasa school kami desu~. kumakain kami nun sa isang karinderia. syempre me mga abangis na mga pulubi sa labas. sila ung mga pumapapak at umiinom ng mga tira ng mga customer pag tapos na silang kumain desu~. minsan nga hindi pa tapos ung mga kumakain e hinihingi (o di kaya hinahablot) ung pagkain! mabibilis sila desu~. ika nga e "professionals" (hehe) kaya hindi kaagad sila naitataboy ng mga empleyado dun sa karinderia desu~. nakakainis talaga ung mga ganung bata desu~! isang araw e napagtripan ko ung 1 litro ng pepsi na iniinom namin desu~. (hindi kasi namin nauubos ung 1 litro eh kaya medyo madami ung natira.) nilagyan ko ung pepsi ng sili, suka, toyo, patis, at hot sauce sabay halo! e saktong nag-aabang ung mga batang abangis sa labas ng karinderia desu~! sabi pa nga ng kakalase ko e "baka magalit yan at pagbabatuhin tayo?" sabi ko naman: "haha! subukan lang nila! tignan muna natin kung ano ang mangyayari pagkatapos nilang inumin to! haha!" pagkatapos nun e tumayo na kami at umalis desu~. nag-unahan na ung mga bata sa pag-inom ng pepsi! waaa! sabi nung isa pagkatapos malaklak ung pepsi: "pwe! ang pait!" sabi naman nung kasama nya: "pwe! ang alat!" (haha! ano ba talaga?) nagkalat pa sa loob at sinuka pa nga nya ung ininom nyang pespi! nagalit ung may-ari ng karinderia at binatukan ung batang sumuka! hahaha! hindi ko talaga mapigil ang sarili ko sa kakatawa nung nangyari un! ahihihihi! ^^ sa ngayon e bihira na kaming kumain dun sa karinderia na un desu~. @JaYdEL... haha! parang mga hodlaper na ung mga nanlilimos sayo ha desu~! kawawa ka naman desu~. kung sakin nangyari un at pag bad trip ako e pagtatadyakan ko ung mga un at ihahagis palayo! nyahahaha! ewan ko pero minsan lumalabas talaga ang kasamaan ko desu~! mihihihihi! @gij... wow naman! medyo iba tayo desu~. me awa ka din pala sa mga bata! ang mga pulubi kasi para sakin e hindi kinakaawaan, tinutulungan desu~. naiinis lang ako sa mga pulubi pag sobrang kulit o nakakainis desu~! minsan nga e nung me nanlimos sakin na bata e tinuro ko ung kasama ko desu~! sya naman ung kinulit! hehe...^^ @Nero... nabasa ko ung post mo sa "Dear Maynila, Love noyPi." no offense pero talagang natawa ako dun sa post mo! ^^ @joycemari... di ko talaga ma-gets kung ano yang avatar mo desu~. ewan ko nga din ba kung bakit ung iba e wala dito sa gendou at bihira ko lang makitang online desu~. ako? halos everyday akong nagche-check ng mga posts dito desu~. mga 3-6pm tapos mga 8-12pm ako naglo-login dito desu~. |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
|
@project koganei sa avatar ko wala talagang ako maisip kaya kinuha ko yun pictures ng sis ko tapos ginawa ko 25 height hehehe.... di bale mapapalitan di yan pagnakaisip ako ng bago atsaka nabasa mo yun thread tungkol sa sm manila?? |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 04:47:13
|
@koganei Ah talagah! Akala ko walang magti-tiyagang basahin un ipinost ko dun eh, hahaha... Anywayz salamat na din sa pagbasa mo sa aking "talambuhay"...
What if I jump out
of this speeding jeepney? Fly without wings Reach for the grey-painted heaven And out into the sea of infinity? |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:07:03
|
@jpycemari... nabasa mo din pala ung tungkol sa SM Manila desu~. (ang haba ano?) babala un sa mga pumupunta sa SM Manila para di na sila mabiktima nung babaeng ewan na un desu~! peste talaga yang mga manlolokong yan kasama na dun ung mga kurakot na mga pulis! nakakahiya sila desu~! ikaw ba gumawa nyang sig mo desu~? cno ung babae dun desu~? @Nero... nakakatuwa nga ung post mo eh! pang-comedy! nai-imagine ko ung lahat ng nangyari sayo dun sa "outing" ninyong magbabarkada desu~! natawa ako kung paano mo nabanggit ung gamit ng karaoke! ahahahaha! |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:16:05
| |
hmm... aLam ko yang tungkoL sa SM ManiLa..! tagaL na nian hah.. anyways, sino dito Meteor Garden fan? hehe.. fresh fan lang talaga ako as in sooper fresh.. last week ko lang napanood.. at nakaka-in love nga naman n_n ang tagaL na nun n0h?? heheheh... ^^ hai na Lang.. ang kyut ni Hua Tze Lei!!! ~♥ m y . L i F E . i . t r a d e . i n . f o r . y o u r . P A i N . |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:25:46 (edited 2006-04-25 05:28:47)
|
@Rin... hehe...halatang matagal kang nawala ha desu~! pati ba naman sa mga TV shows e nahuhuli ka desu~? Meteor Garden? diba ilang beses na ung na-replay sa dos? baka ngayon ka lang nagkainteres dun sa palabas desu~. kulit ko desu~. EDIT: napansin ko lang. ung mga posts mo e nasa <fieldset> tag. ok ha! parang calling card! hehe! jok lang! me trademark na siya desu~! ^_^ |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:26:53 (edited 2006-04-25 05:28:30)
|
Huh? SM Manila? Babaeng ewan? Mga kurakot na pulis? Anong meron dun? Pwede paki-kwento? @Rin Meteor Garden fan ako...dati. Cool 'di ba? (We've got it all for you ha? Kung talagang meron kayo ng lahat, Henry Sy (ata...), bakit wala kayong arcade ng Initial D sa Makati branch niyo, ha? Explain it to me, goddamnit!)
What if I jump out
of this speeding jeepney? Fly without wings Reach for the grey-painted heaven And out into the sea of infinity? |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:34:14
|
@Nero... ETO! ung thread na tungkol sa SM Manila desu~ Henry Sy? who's that? never heard of him. |
Re: SHOUTS TO ALL PINOYS
Link |
by
on 2006-04-25 05:36:19
|
ang tagal na nung tungkol sa sm manila hahaha... wala pa si gij nun.. grabe un ata ang pinaka mahabang post na binasa ko nung mga panahon na un... grabe... talo si gij nyahahaha... @rin ^_^" ang cute nga ni lei... hehehe pero ang tagal na nun.. si ling medyo bago bago... ^_^" character ni vic un sa mArs.. Qtv syempre... |