|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-12 08:24:23 (edited 2006-02-12 08:26:29)
|
oo nga no?!? so bali 6 pala ang thread ng mga pinoy dito... nakalimutan ko na rin to... kala ko SPP, PinoyBonding, PinoyManga, DMLN and STAP lang...hehehe... ^_^" ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-18 13:25:21 (edited 2006-02-18 14:29:09)
|
|
@amano-san di po double post... matagal na kasi ung nauna... kung ieedit ko di mag-aappear sa unahan ^_^" di mo ba alam tong thread n to? nagpopost ka dito dati ah.... ^_^" i'm inviting all pinoys to join PinoyManga thread... O.O" huh? nasan n ang mga pinoy???? buhay pa ba tong thread na to? ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
|
|
Hala... nag-double post ka, Lei-san! Prrrt! ^_^ Heheheh. Kakagising ko lang, daya kasi lang libreng hours nabili ko. Aba, di ko alam na may ganitong thread pala... sino gumawa nito? ~after makabasa ng konti~ Wow! Dami pala noypi dito... dati! San na sila? HOY! Bumalik kayo lahat! Haa, haa, haa! "To be forgotten, is worse than death." |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by kageno_tsuki
on 2006-02-18 17:22:29
|
|
ayan bumabalik na... kaci hindi ko na nakikita yung thread na toh eh.. buti bumalik na!!! WAHAHAAH!!! :ayan bangag na naman:: All of them... they seem so perfect...yet so fake... |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-19 09:26:08 |
|
pilit ko mang irevive to thread n to... ayaw talaga.. ~_~" nasa dulo nanaman sya ng page 1... hay....... wala kasing topic eh... lagyan nio nga.. ^_^" ok ano gusto nio pag-usapan? ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by "slick" Allen
on 2006-02-19 20:35:10
|
|
ang dami kaya non, lei8iel! babasahin namin iyong lhat???? bigyan mo naman kahit kaming mga ilang araw. mahirap din yung magonline ha?????? hindi ako galit! sa summer promise! tutulungan ko kayong lhat! hahahaah. V^_^ peace! ^_^V ay teka, ano nga pala yung mga premyo niyo ha??? ![]() don't draw! as a knight of heaven i am bound to answer steel with steel. *van draws* foolish boy. |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
|
|
pag-usapan natin ang pinoy manga dito gusto niyo? hehe... eto na lang: ako po ay nakapagtapos na sa kolehiyo at ngayon ay nag-aari ng titulong bachelor of arts major in development studies sa unibersidad ng pilipinas noong 2004. bilang bahagyang katuparan sa mga personal kong pangangailangan, nagsasagawa po ako ngayon ng isang pag-aaral ukol sa saloobin ng mga kabataang pinoy dito sa gendou.com. malaking tulong po sa akin ang inyo pong mga matapat na kasagutan at makakaasa po kayong ito'y gagamitin lamang sa aking personal na karunungan. maraming salamat po. 1. Pangalan: ___________________ 2. Edad: opsyonal 3. Kasarian: babae____ lalaki_____ 4. Estadong Sibil: kasal sa simbahan____ dalaga____ binata____ dala na____ totoy (dahil di pa circumcised)____ kasal sa huwes____ kasal sa ilalim ng puno___ kasal sa kama____ iba pa pakitukoy___ kung kasal, ilan ang asawa? sino si #1, #2 and so on...?____________________ ilan ang anak?______ iba pang dependents girl friend halimbawa:_________ 5. Lokasyon: __________________ 6. Propesyon: ___________________ 7. Ilarawan ang propesyon__________________ 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? _________________________________ 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na:______________________ 10. Gaano kadalas mag-log on? madalas____ madalas na madalas_____ grabe sa dalas____ gabi-gabi____ araw-araw_____ minsan sa isang taon____ minsan sa isang buwan_____ minsan sa isang araw____ minsan sa isang oras____ 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? siksik, liglig at umaapaw na kaligayahan____ humahabang listahan ng mga pwedeng utangan____ lumalaking lupon ng mga kalaban____ iba pa, pakilahad_______________________________ 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? __________________________________________ 13. Gaano ka na katagal sa gendou?_____________ 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? ____________________________ 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? maikling salaysay lang po 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? mababait sila______ wala silang katulad______ masisiba sila______ mapapapel_______ mga pabibo_____ mga feeling matatalino_____ mga feeling magagaling_____ mga diyos at diyosa ng kagandahan at kagwapuhan_______ wala sa mga nabanggit_______ lahat ng nabanggit_________ 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? a. ayuz lang, magkasundo kami sa lahat ng bagay______ b. para kaming magkapatid sa tunay na buhay______ c. para kaming mag-ama______ d. type ko siya________ e. type niya ko________ f. type namin ang isa't isa_______ g. ayaw ko sa kanya______ h. dedma/no comment_______ i. sino ba ang may-ari?________ *ang mga pipili nito a, c, e, f, g, i... lakas niyo! isang pagpupugay sa mga matatapang na pilipino 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? luke_____ ako malas ito taon na'to noh?!_____ ikaw swerte______ iba pa, pakilahad detalye___________________ 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? maikling salaysay lang po, pwede 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? share naman game na! ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by kageno_tsuki
on 2006-02-20 02:30:10
|
|
1. Pangalan: __cheska_________________ 2. Edad: fifteen 3. Kasarian:babae 4. Estadong Sibil: dalaga kung kasal, ilan ang asawa? sino si #1, #2 and so on...?____________________ ilan ang anak?______ iba pang dependents girl friend halimbawa:_________ 5. Lokasyon: __quezon city________________ 6. Propesyon: _propesyon ba ang pagiging student?__________________ 7. Ilarawan ang propesyon______nagaaral ka nang walang katapusan____________ 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? _pag nakatapos ka edi okei.. mapapakinabangan ng bayan________________________________ 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na:_____hindi eh... sori_________________ 10. Gaano kadalas mag-log on? araw araw 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo?umaapaw na aligayahan____ 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? ___the best!_______________________________________ 13. Gaano ka na katagal sa gendou?_mga isang buwan?____________ 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? ___________________dahil maraming anime songs na na pwedeng i download_________ 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? nagkaroon ako ng kaibigan at naging marami ang kanta sa playlist ko 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? mababait sila 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? a. ayuz lang *ang mga pipili nito a, c, e, f, g, i... lakas niyo! isang pagpupugay sa mga matatapang na pilipino 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? anong negosyo? 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? oo naman 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? laging mag log in at huwag babaliin ang rules ^_^ game na! All of them... they seem so perfect...yet so fake... |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-20 02:42:43 (edited 2006-02-20 07:55:49)
|
|
survey??? ^_^" hehehe... pati ba ako kasali? sige for example: 1. Pangalan: lei 2. Edad: 21 3. Kasarian: babae 4. Estadong Sibil: dalaga kung kasal, ilan ang asawa? sino si #1, #2 and so on...?____________________ ilan ang anak?______ iba pang dependents girl friend halimbawa:_________ 5. Lokasyon: San Juan 6. Propesyon: _tamad na estudyante ng dalubhasaan sa pagiging engengero_ 7. Ilarawan ang propesyon _boring minsan.. hehe, nagddesign ng circuit_ 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? _marami lalo na ngaun at modern days na *daw* we specialize in computers and robotics_ 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na: _hindi, ako ang mangingidnap_ 10. Gaano kadalas mag-log on? gabi-gabi 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? _nagiging bangag!! gabi gabi b naman gising!_ 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? _isang napakahusay na likha.. saludo ako kay gendou! ^_^"_ 13. Gaano ka na katagal sa gendou?_almost 2 years, time pass so quickly_ 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? _coz it where we belong... gma... hehehe_ 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? maikling salaysay lang po... maiiksi ang reply.. hehehe.. kung ano ang tanong isa lang ang sagot.. di nangangatwiran 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? mababait sila, wala silang katulad, masisiba sila, mapapapel, mga pabibo, mga feeling matatalino, mga feeling magagaling, mga diyos at diyosa ng kagandahan at kagwapuhan, lahat ng nabanggit at kulang pa hehe 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? -=???=- 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? _???? anong negosyo?__ 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? maikling salaysay lang po, pwede...... OK lang dahil dito nakakilala ako ng mga bagong kaibigan..... hehehe... ang drama... ^_^" 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? share naman... katapatan? wwoooooooooohhhhhhhh... mmmmmmmmm........ basta.. speechless ok ba yan??? hhehehe... wag tularan bangag ang nagfill-up nito.. @_@" ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-23 02:48:10 |
|
1. Pangalan: -kino- 2. Edad: -16- 3. Kasarian: -martian lol[babae po]- 4. Estadong Sibil: -dalaga- kung kasal, ilan ang asawa? sino si #1, #2 and so on...?____________________ ilan ang anak? -may labing dalawang anak[jokish]- iba pang dependents girl friend halimbawa: -marami eh..[jokish ulit]- 5. Lokasyon: -Tarlac City- 6. Propesyon: -snatcher sa may palengke[jokish ulit]wala pa akong propesyon, kung papalarin makapagtapos sana ng I.T. ^^- 7. Ilarawan ang propesyon -wala pa nga eh..kulit mo ha- 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? -syempre dahil wala pa dko alam kung ano maitutulong ko!!!kulit ka tlga noh?- 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na: -hindi, sige pakidnap nga!!!pero wak niyo na kong ibalik samin ha?ampunin niyo na ko pwede?- 10. Gaano kadalas mag-log on? -hapon-hapon, gabi-gabi..hindi pwedeng uma-umaga may pasok noh!- 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? -kasiyahan at pagiging bangag sa school na nauuwi sa pagtulog sa ibang subjects wahahaha- 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? -[nag-isip].....ayy sensya wala akong naisip kasi wala akong isip eh hahaha- 13. Gaano ka na katagal sa gendou? -isang bwan yata?o dalawa?- 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? -dko siya pinili..sinali lang ako ni general- 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? -dko alam anong naranasan ko?ahmm..nakakita ng bagong mundo maliban sa mundo ko.. 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? -hindi sila tao..hindi pala ako nagiisa sa mundo?may mga martian din palang katulad ko?hahaha- 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? - h. dedma/no comment- 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? -may negosyo pala dito?hindi niyo sinasabi sakin?- 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? maikling salaysay lang po, -oo dami mga martians eh- 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? share naman... -anong klaseng katapatan ba hinihingi mo?dko kasi maintindihan..-
|
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
|
|
hindi mabenta... tsk, tsk, tsk... misyon buhayin ang thread. isang krimen ang naganap sa inyong lugar, nagpunta roon ang SOCO kasama si gus abelgas. sabi nila nagpakamatay ang biktima. ang detalye lang na nadatnan mo sa pinangyarihan ng krimen ay ang bangkay, ang baril na di umano'y ginamit sa pagpapakamatay ng biktima at isang cassette player at tape sa loob. Nang i-play nila ito, narinig nila ang huling habilin ng biktima at ang pagsasalaysay nga niya ng dahilan kung bakit siya magpapakamatay. pero pinabulaanan ito ng isang residente at sinabing may foul play na nangyari. ang residenteng iyon ay isa ring detective. kung ikaw ang isa sa mga SOCO paghihinalaan mo ba siya? ano kaya ang naging imbestigasyon ng taong yon kaya niya nasabing may foul play na naganap. sino sa SOCO at sa taong yon ang nagsasabi ng totoo? sige na, bibigyan ko kayo ngayon ng pagkakataong maging mga detective. i-solve niyo ang crime. ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
|
|
nice one gij. 1. Pangalan: jhong 2. Edad: 17 3. Kasarian: guy 4. Estadong Sibil: single kung kasal, ilan ang asawa? - * ilan ang anak? - * iba pang dependents: - * 5. Lokasyon: Dumaguete City 6. Propesyon: * 7. Ilarawan ang propesyon. - * 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? - * 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na: - di 10. Gaano kadalas mag-log on? - madalas 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? - eyebags 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? - astig 13. Gaano ka na katagal sa gendou? - date registered: 11/20/04 09:29:07pm 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? - marami akong 'in the place to be'... pero ito ang may pinakamaraming pinoy na miyembro. 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? - 300+ downloads. walang post post... 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? - ayos lang 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? - lolzz... 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? - nambebenta ng pinoymanga. business is blooming. 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? - o. maabot ko ang langit dito. 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? - ito sana... pero di pa kaya. lam kong boring ako.
love & peace
|
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
|
|
1. Pangalan: (withheld with permission) 2. Edad: 20 3. Kasarian: babae____ lalaki__x__ 4. Estadong Sibil: kasal sa simbahan____ dalaga____ binata__x__ dala na____ totoy (dahil di pa circumcised)____ kasal sa huwes____ kasal sa ilalim ng puno___ kasal sa kama____ iba pa pakitukoy___ kung kasal, ilan ang asawa? sino si #1, #2 and so on...?____________________ ilan ang anak?______ iba pang dependents girl friend halimbawa:_________ 5. Lokasyon: __valenzuela__ 6. Propesyon: __stu(pi)dent/bum/engineer/desinger__ 7. Ilarawan ang propesyon: __pangit, mahirap__ 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? __Wala naman. Gagawa lang ako ng building tapos pasasabugin ko rin__ 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na: __Hinde. Wag ka nang umasa__ 10. Gaano kadalas mag-log on? madalas__x__ madalas na madalas_____ grabe sa dalas____ gabi-gabi____ araw-araw_____ minsan sa isang taon____ minsan sa isang buwan_____ minsan sa isang araw____ minsan sa isang oras____ 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? siksik, liglig at umaapaw na kaligayahan____ humahabang listahan ng mga pwedeng utangan____ lumalaking lupon ng mga kalaban____ iba pa, pakilahad: __Don't worry, there's no sugar__ 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? __ Tama. Astig. Tama.__ 13. Gaano ka na katagal sa gendou?__ewan ko.__ 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? __Nadaanan ko lang.__ 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? maikling salaysay lang po: __Wala ako sa forums. Lagi akong nasa download section.__ 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? mababait sila______ wala silang katulad______ masisiba sila______ mapapapel_______ mga pabibo_____ mga feeling matatalino_____ mga feeling magagaling_____ mga diyos at diyosa ng kagandahan at kagwapuhan_______ wala sa mga nabanggit__x__ lahat ng nabanggit_________ 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? a. ayuz lang, magkasundo kami sa lahat ng bagay______ b. para kaming magkapatid sa tunay na buhay______ c. para kaming mag-ama______ d. type ko siya________ e. type niya ko________ f. type namin ang isa't isa_______ g. ayaw ko sa kanya______ h. dedma/no comment__x (Be passive)__ i. sino ba ang may-ari?________ *ang mga pipili nito a, c, e, f, g, i... lakas niyo! isang pagpupugay sa mga matatapang na pilipino 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? luke_____ ako malas ito taon na'to noh?!_____ ikaw swerte______ iba pa, pakilahad detalye__Malay.__ 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? maikling salaysay lang po, pwede: __Do tha hagod...__ 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? share naman: __Pengeng beer! Pengeng pulutan!!__ Alay ko sa summer: Sobrang Init nagising sa pawis ko hindi kinaya ng bentilador basa ang unan, pati ang kumot parang umihi sa kama ko ibang klase pag tanghale hindi ka lalabas sa kalye ulo'y iinit, mukha'y papanget masusunog ka't susunget [shet sobrang init abot singit] kelan kaya magkakapera nang mapa-aircon na ang sala kahit maligo, ka parati malagkit pa rin ang kilikili!! [shet sobrang init abot singit] *wala akong pampalit ay naloko na *blip* *blip* |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
![]() |
|
1. Pangalan: Pwede nickname na lang? ^_~ Jaydel 2. Edad: 16, turning 17 dis April... ^_^ 3. Kasarian: lalaki 4. Estadong Sibil: binata... *sighs* edit: pwede kasal sa damuhan? hehehe 5. Lokasyon: Zamboanga City o.O 6. Propesyon: Estudyante pa lang po... kumukuha ng BSN X_X 7. Ilarawan ang propesyon: Pangit, boring, masyadong common T_T In Demand daw... 8. Ano ang maitutulong ng propesyon na ito sa bayan? makakapagpadala ng dollars sa hinaharap LoL....^^ Malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas bLoL ulet 9. Mayaman ba ang pamilya? Pakidnap na: Sana... kaso hinde *_* 10. Gaano kadalas mag-log on? Madalas... 11. Ano ang napapala niyo sa pag-lo-log on niyo? siksik, liglig at umaapaw na kaligayahan *bwahahahaha* 12. Ano ang masasabi niyo sa gendou.com? ANg lupet, Sobra! 13. Gaano ka na katagal sa gendou? August ng 2005 ata, so, mga 6 months ata 14. Bakit ito ang napili niyong in the place to be, yeah!? Kasi mababait at sarap kakwentuhan ang mga tao Noypis dito. May anime music na, libre pa! 15. Maaari niyo bang isalaysay sa amin ang inyong karanasan bilang freshman sa gendou? NAsa downloads section din ako palagi noon...Hanggang sa mapunta ako sa forums, madalas kong sinasagot yung mga threads na: What's your favorite op song, fave anime, fave pyscho.... Grumaduate ako sa pagiging freshman nang sumali ako sa Pinoy Exclusive threads. ^_^ 16. Kamusta naman ang mga tao sa gendou? mababait sila, wala silang katulad, masisiba sila, mapapapel, mga pabibo, mga feeling matatalino, mga feeling magagaling, mga diyos at diyosa ng kagandahan at kagwapuhan.... in short, lahat sa nabanggit! 17. Kamusta naman ang relasyon mo sa may-ari? Ayaw ko sa kanya.... @_@ wag niyo 'kong isumbong... *ang mga pipili nito a, c, e, f, g, i... lakas niyo! isang pagpupugay sa mga matatapang na pilipino 18. Kamusta naman ang negosyo sa gendou? Ewan ko ba... 19. Suma-total, kaaya-aya ba ang iyong gendou experience? Dapat mo ba itong ipagmalaki? Siyempre naman, Astig kaya ang site na 'to! Pinopromote ko nga 'to sa mga friends ko kaso ako lang ang matinding anime fan sa kanilang lahat, ako lang... T_T huhuhu 20. Paano ka mangangako ng katapatan sa gendou? Magdodonate sa hinaharap, kung may future pang naghihitay sa 'kin T_T Hindi ko ipagpapalit ang Gendou forums sa iba! May aangal?! |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-24 00:37:47 |
|
biktima, baril, cassette player, tape sa loob mmm... mga katanungang kailangan masagot... san naroroon ang biktima? anong posisyon? sa baril n nabanggit, may fingerprints ba ang biktima? kelan naganap ang mga pangyayari? kilala ba ng residenteng detective ung biktima? pano nya nasabi un? ano ang laman ng tape? bakit sya nagpakamatay? ano dahilan? hehehe alam ko nsa tape ang sagot... ^_^" anong reputasyon ng biktima? errrrrr....... di ako pwede maging detective... nyahahhaha ^_^" ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
|
|
lei, wala pang pormal na imbestigasyon to. ang theory ng SOCO nagpakamatay dahil sa suicide note na recorded; samantalang dun sa guy may foul play daw dahil din mismo sa suicide note na napakinggan nila. ung recorded message last will and testament nung biktima at sa huli putok ng baril. ang posisyon ng biktima malapit lang dun sa cassette player at ang baril nasa kamay pa rin niya pero ang itsura medyo maluwang na ang pagkakahawak. wala kayong ibang gagawin sa eksena. yun lang ang mga detalye para sa inyo, para masabi niyo kung kaninong teorya ang mas credible. walang finger prints o paraffin tests, etc. just plain observation yakang-yaka niyo to. para sa mga sasagot, see other details on my previous post. ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
on 2006-02-24 07:11:07 |
hmm..pagkatapos ba nung putok ng baril nagstop yung recording?o tuloy tuloy pa rin?
|
|
Re: Para sa mga PINOY!
|
|
Meron akong nabasa na message sa cellphone ng kapatid ko: "Enrico dela Cruz confirmed himself to be the one who put positively inflicted HIV blood to the said ketchup issue. The said fastfood was Wendy's." Buti na lang di ako kumakain sa Wendy's! Mahal kasi dun, di ko afford! Pero... totoo ba yan? :P Shiri-masen... "To be forgotten, is worse than death." |
|
Re: Para sa mga PINOY!
Link |
by
|
wala na. blanko na kasunod. mahabang katahimikan hanggang sa matapos ang tape. wag na rin kayong umasang may side b. hindi na sila nag-abalang tingnan yon pero dun pa lang nasabi na nung guy na may foul play. ![]() |
|
Re: Para sa mga PINOY!
|
Oh eto, profile Alex Ward a.k.a. Maya Amano for the Manga:
Iku zo! "To be forgotten, is worse than death." |